Chap. 3

10.5K 268 4
                                    

AMY'S POV

Lumabas ako sa banyo galing magshower at naabutan kong nagtsecheck ng email si Mauve. Dala pala n'ya ang laptop n'ya at mukhang busy.

Hindi ko nalang s'ya pinansin. Naupo na ako sa kama at dahan dahang mahiga. Siguro naman hindi n'ya ako gagalawin 'no. H'wag s'yang magkakamali or else...ehem!

Nakakabingi na ang katahimikan dito sa silid na 'to. Nanuod naman ako ng TV pero 'di ko gusto ang mga shows. Binasa ko ang mga text messages sa akin..lahat CONGRATULATIONS! ang laman.

Duh! Ba't kasi hindi pa ako dinadalaw ng antok.

" Matulog ka na. Dito ako sa sofa mamaya matutulog. Baka isipin mo pang pagnanasaan kita. Mahirap na." Nagsalita rin sa wakas. Akala ko putol na ang dila n'ya.

" Huh! Okay ka lang? Syempre, d'yan ka matutulog. Baka nakakalimutan mo ANAK LANG NAMAN AKO NG AMO MO." Pinagdiinan kong sinabi 'yon.

" Alam ko. Di ko naman nalilimutan 'yon eh. At 'di ko dapat kalimutan kung saan ako nararapat; maliban nalang kung gusto at tratuhin mo ako bilang asawa mo. Nangilabot naman ako sa sinabi n'yang ASAWA. Is he drunk?

" Hindi ko alam hanggang kelan tayo ganito. Mabuti pa siguro let's make a deal. Tutal wala tayong magagawa. Ano gusto mo?" Sabi ko. Ewan ko, ba't ganun lumabas sa bibig ko.

" Deal? For what?" Nilingon n'ya ako.

" You can do what you want. H'wag mo akong pakikialaman sa anong gusto ko, dahil 'di rin kita pakikialaman sa gusto mo." Agad kong sinabi.

Napaisip s'ya... Please lang h'wag kang kukontra...makisama ka nalang.

" Okay. Deal." - sabi n'ya.

" Good." - Ako.

Nahiga ako at pinilit kong ipikit ang mga mata ko. Pero 'di parin ako inaantok... tumagilid ako para makatulog. Pinatay ni Mauve ang ilaw. Tanging lamp shade na lang ang nagbibigay liwanag sa aming silid.

After 30 minutes naramdaman kong gumalaw ang kama. Pumunta s'ya sa banyo...Nagkunwari akong tulog.

Maya't maya ay bumukas na ang pinto ng banyo..

Holy cow !!! lumabas si Mauve na tanging puting tuwalya lamang ang nakapalibot sa kanyang baywang.. Gosh! THIS MAN HAS A PERFECT BODY.

Mauve's POV

Dito na ako sa sofa matutulog. Mahirap na baka ano pang masabi sa akin ni Amy. Ayaw ko nang makarinig ng mga maaanghang na salita galing sa kanya.

Kunwari lang naman ang pinapakita ko sa kanya na ready akong asarin s'ya. Ayaw ko s'yang asarin. Lalo na't hindi naman talaga n'ya ginusto ito.

FLASH BACK

College kami noon nang makilala n'ya si Andrew Villaviste..Anak mayaman din. Hindi ko nga alam kong bakit nagustuhan ni Amy ang mokong na 'yon. Oo, inaamin ko may itsura ang lalaking 'yon. Maliban sa mayaman; kilala sa buong campus.

Ako? Kilala rin..kilalang alalay ni Amy. Pero kilala ako na isa sa Dean's list. I studied hard para maipagmalaki ako ng mga magulang ni Amy. At pati narin ni Amy. Kahit alalay lang.

Nerd? Walang taste sa fashion..that's how they described me. Masama bang magpakatotoo? Hindi ko afford ang mga branded na gamit. Nasasama lang ako sa mga party na pangmayayaman kasi kasa-kasama ako ni Amy. Hindi kasi s'ya makakapunta pagwala ako. Ayaw nina Don Bernardo na pumunta si Amy na mag-isa.

Minsan nahuli ko nga si Amy at Andrew naghahalikan...

" F**ck ! Amy, pwede ba paalisin mo muna 'yang alalay mo. Nakakawalang gana!" Sabi ni Andrew.

Humarap si Amy sa akin at sumenyas na umalis ako... Ang sakit lang! Parang may pison na dumaan sa puso ko. Nararamdaman ba ni Amy 'yon? Umalis na lang ako.

At nang mangyari ang araw na nahuli kami nina Don Bernardo sa kwarto ni Amy...Sumaya ang puso ko nang sabihin sa amin ng ama n'ya na ako ang papakasalan ni Amy. Maski ako nagulat.

Hindi makapaniwala ang lahat sa mga nangyari. Isang alalay lang makapag-asawa ng isang eredera. Kabaliwan! Pero totoong nangyari sa akin.

Every Now And Then ( COMPLETED )Where stories live. Discover now