Chap. 9

8.3K 226 0
                                    

Amy’s POV

Matapos kong magshower ay bumaba na ako para mag-almusal. Tahimik ang paligid. Maya’t maya ay lumapit sa akin ang isang katulong.

“ Maam, kakain na po ba kayo? Maghahanda na po ako.”

Ngumiti ako ng bahagya at tumango.

“Sandali. Nasaan si Mauve ?” Tanong ko.

“Ay, si Sir Mauve po kanina pa umalis mga 7:30. Pinagbilinan nalang po n’ya ako na paghandaan kayo ng almusal paggising ninyo.” Sabi ng katulong.

“Ikaw lang ba ang katulong dito? Anong pangalan mo ?”

Muli kong tanong.

“Hindi lang po ako ang katulong dito Maam. Tatlo po kami. Isang tagaluto at taga-asikaso sa kusina. Ako ‘yong incharge sa paglinis at pag-asikaso sa loob at labas ng bahay. ’Yong isa naman taga-laba at katulong ko sa paglilinis. Meron din pong driver. Ako nga po pala si Trixy.” Napansin kong palakwento itong si Trixy. At sa tingin ko ay makakasundo ko.

Bumalik agad si Trixy sa kusina upang tawagin ang ibang katulong para tulungan s’yang maghanda ng pagkain. Ilang sandali lang ay kumain na ako.

“ Trixy, aalis muna ako. Pupunta ako sa Shop. Kailangan kong tignan ang negosyo ko. Katatawag lang kasi sa akin ng assistant ko . Meron kasing dumating na mga bagong kliyente, so baka gabihin narin ako sa pag-uwi.”

Paalam ko kay Trixy. Mabuti narin ‘yon baka sakaling magtanong si Mauve sa mga katulong.

Habang nagmamaneho ako hindi ko alam kung bakit paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang BUBBLES na tinatawag ni Mauve. Bakit parang apektado ang pag-iisip ko sa bagay na ‘yon? This is bullshit.

Mauve’s POV

Maaga akong umalis kanina sa bahay. Alam kong tulog pa si Amy sa mga sandaling ‘yon kaya nagbilin nalang ako sa mga katulong na paghandaan s’ya ng masarap na almusal.

Naalala ko kagabi ang huling pag-uusap namin..

“ Dito ang silid natin.” Sabi ko.

“ Sa tingin mo matutulog ako sa tabi mo. I don’t want to sleep with you. Just like what you said YOU PREFERRED OTHER WOMEN than me. Ganun din ako. Pipiliin kong makasamang matulog ang TAONG MAHAL KO. At alam mo ‘yon.”

Sabay talikod ni Amy sa akin. Nakatingin nalamang ako sa kanya na pumasok sa kabilang silid.

Wala akong nasabi...

Narating ko na ang building ng kompanya pero parang wala ako sa sarili kong bumaba sa kotse at pumasok sa loob ng building. Bawat taong makasalubong ko ay bumabati sa akin ng CONGRATULATIONS!..pero hindi ko na dama ang excitement at saya sa mga sandaling ito.

Pakiramdam ko nasa dulo ako ng isang matarik na bangin at kunting usog nalang mahuhulog na ako. Mahuhulog ako at lalagpak sa matutulis na bato.

“ Good Morning, Mr. Salazar.” Bati sa akin ng Secretary ko.

Tumango na lamang ako.

“Sir, ito po ‘yong list of schedule ninyo today. Yong meeting ninyo sa isang investor, around 1:30 pm pa po.”

“Okay.” sabi ko.

( Biglang tumunog ang cell phone ni Mauve..)

“I love you MORE THAN YOU’LL EVER KNOW..

I love you MORE THAN YOU’LL EVER SEE..

MORE THAN MY HEART COULD EVER SHOW..

I LOVE YOU MORE THAN YOU’LL EVER KNOW..“

Every Now And Then ( COMPLETED )Where stories live. Discover now