Chap. 31

7.6K 179 1
                                    

Third Person's POV

Alas- Dose ng gabi hindi parin dinadalaw ng antok si Amy. Iniisip n'ya ang sinabi ni Alex kanya. Iniisip n'ya na dapat bang malaman ni Mauve ang tungkol sa kanyang pagbubuntis ? Wala pa s'yang sapat na lakas ng loob na harapin si Mauve sa mga sandaling ito. Inaamin n'ya na nalulungkot parin s'ya sa nangyari sa kanila. Kailangan n'ya ng kunti pang panahon.

" Anak, kahit malayo tayo sa ama mo..alam kong mahal na mahal ka n'ya.. And I'm so happy na dumating ka sa buhay ko. Binigyan mo ako ng lakas ng loob ngayon."

Marahang hinipo ni Amy ang kanyang tiyan.

Mauve's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Tatlong buwan na pala ang lumipas; at wala paring pagbabago. Pinatigil ko na ang paghahanap kay Amy, matapos ang huli naming pag-uusap. Ayaw ko sanang tumigil pero naisip ko baka kailangan n'ya lang ng panahon.

" Let's move on". yon naman ang sinabi n'ya sa akin. Oo nga naman. Buong buhay ko sa kanya umikot ang mundo ko noon. Si Maybelle lang naman ang naglakas loob na agawin ang atensyon ko sa kanya. Pero iniwan n'ya ako.

=======================================================

Tulad nang dati nandito ako sa bar; niaaliw ko ang sarili ko. Pero di ko maiwasan na niloloko ako ng isip ko; nakikita ko si Amy paulit -ulit.

" Hi." Napalingon ako.

" Hello." Ngumiti ako ng bahagya sa babaeng katabi ko.

" Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Mauve Salazar." Sabi ng babae.

Tumango ako at nginitian ko ang babae.

" I'm Aileen Sandoval. I'm a fashion Model." Pakilala n'ya sa akin.

" Oh, really. Kaya pala you look sexy and hot. Just like...." Pinutol n'ya ang sasabihin ko.

" Like Maybelle Trinidad." Sagot n'ya. Muling napatiim bagang ako nang marinig ko ang pangalan ni Maybelle.

Every Now And Then ( COMPLETED )Where stories live. Discover now