Chap. 24

8.6K 206 4
                                    

Amy's POV

Magkasabay kami ni Mauve na umalis sa bahay. Inihatid n'ya ako sa Jewelry Shop. Marami akong clients na darating ngayong araw na 'to. Kaya nagpaalam na ako na maaring gabihin ako sa pag-uwi.

"Susunduin kita. Kahit anong oras maghihintay ako." Sabi n'ya.

"Mauve, mas marami kang trabaho kesa sa akin. Mabuti pang magpahinga ka ng maaga." Suggest ko.

He pouted. And I laughed.

Hinawakan ko ang pisngi nya..Hindi ko alam ba't ko ginawa 'yon. Ako man ay nagulat sa ipinakita ko. Then he smiled at me.

Suot suot ko ang kwintas na ibinigay ni Mauve. Hindi ko alam kung anong epekto ang meron sa kwintas na ito.

I waved good bye bago ako pumasok sa loob ng shop. And he drove away. I started my day with a smile.

=======================================================

Kaaalis lang ng mga kliyente ko at abala akong sa pagdidesign ng mga alahas; nang biglang may pumasok sa loob ng office ko.

" Hello."

Napatigil ako sa aking ginagawa..dahil pamilyar sa akin ang tinig na 'yon. I turned around and I saw Maybelle in front of my desk.

" Anong kailangan mo ?" Tanong ko sa kanya.

" Pumunta ako dito para kunin ang isang bagay na inako mong sa 'yo. Ang kwintas na nasa leeg mo." --sabi ni Maybelle.

Agad akong tumayo para pantayan s'ya.

" Tell me the reason why should I give it you?" Maangas kong tanong.

" Dahil akin 'yan." - Diinang sinabi ni Maybelle.

Napahawak ako sa kwintas.

" This is mine. Not yours." - Sabi ko sa kanya.

"Ang kapal din ng pagmumukha mo. Ninakaw mo na sa akin si Mauve pati ba naman ang kwintas na 'yan kukunin mo pa sa akin. I own that necklace." Malakas na boses na sinabi ni Maybelle. Alam kong naririnig ang boses n'ya hanggang sa labas.

" Oh, shut up! wala akong inagaw sa 'yo." Sigaw ko sa kanya habang tinuturo s'ya.

" Ganun. Baka nakalimutan mo kasintahan ko si Mauve nang agawin mo s'ya sa akin. Pag-aari ko s'ya." Nagagalaiti si Maybelle sa akin.

Every Now And Then ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon