Chap. 29

7.2K 186 1
                                    

Third Person's POV

Nakasanayan na ni Mauve na yakapin si Amy umaga; Akma sanang ipatong ni Mauve ang kanyang kamay nang wala s'yang makapa sa tabi nito. Napadilat ang kanyang mata. Tumambad sa kanya sa unan ang isang CD at ang kwintas. Biglang napabangon si Mauve. Parang lumundag ang puso n'ya. Agad kinuha ang CD at ang kwintas. Nakita n'yang merong sulat na nakaipit sa loob ng cover ng CD.

Dear Sweet,

I'll keep the memories that we have. Don't bother yourself. I'm gonna be fine. Ibinigay mo sa akin ang dalawang bagay; ang pagmamahal mo at ang buhay mo.

Ayaw ko mang magkahiwalay ang dalawang bagay na 'yon pero kailangan ibalik ko ang isa. Here's the necklace -I want you to keep your heart. Give it to the one you really love. Nasa sa akin ang singsing dahil bahagi rin ng buhay mo ang pagmamahal ko sa 'yo. Ito nalang magbibigay sa akin ng lakas sa sandaling malayo ako sa 'yo.

Always remember, I love you.

Bubbles

Dumating na ang kinatatakutan ni Mauve ang mawala si Amy sa kanya ng tuluyan. Tumulo ang hindi mabilang bilang na luha ni Mauve. Nakarinig s'ya ng tunog ng sasakyan sa baba. Agad s'yang tumakbo sa pintuan nagbabakasakaling kaalis palang ni Amy.

Amy! Amy!! Garalgal ang boses ni Mauve...

"Sir, anong nangyayari sa inyo?" Tanong ni Trixy.

"Trixy, pigilan mo si Amy!" utos ni Mauve.

"Wala po si Maam Amy, kanina pang madaling araw na umalis." Sabi ni Trixy.

"A-Ano?!" Napahilamus si Mauve ng mukha.

Napaluhod si Mauve at sumigaw..

"Amy!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Nagulat naman ang mga kasambahay sa nakitang paghagulgol ni Mauve.

Hindi rin maunawaan ng mga katulong at napaluha sila habang nakikitang umiiyak si Mauve.

"Sir, tama na po. Mahahanap n'yo rin po si Maam." Dahan dahang na uunawaan ni Trixy ang nangyayari.

" Oo nga naman Sir. Mahahanap n'yo si Maam." Sabi ng kasama ni Trixy.

Hindi na sumagot si Mauve. Muling umakyat at tinungo ang kanilang silid. Binuksan n'ya ang kanilang closet napatulala s'ya sa nakita. Wala nang ibang damit ni Amy. Kinuha n'ya ang cellphone at tinawagan ang Assistant ni Amy.

Mauve : Alam mo ba kung saan pumunta si Amy?

Every Now And Then ( COMPLETED )Where stories live. Discover now