Chap. 5

9.5K 256 3
                                    

Third Person’s POV

      

Maghapong namasyal sina Mauve at Amy. Pumunta sila sa isang Theme Park. Sinulit nila ang buong maghapon na mag-enjoy sa mga rides. Kahit papano nakalimutan nila kung anong meron namamagitan sa kanila. Kung anong problema ang meron sila.

Napag-isipan nilang magpakuha ng litrato. Medyo naiilang si Amy na kasama si Mauve pero ‘di rin n’ya maiwasan na umayaw sa kasama.

“ Pagod ka na ba?” Tanong ni Mauve.

“ Medyo.” Tipid na sagot ni Amy.

“ Gusto mong kumain muna tayo?” Yaya ni Mauve.

Umiling si Amy.

“ Just tell me where do you want to go. ” Biglang hinawakan ni Mauve ang kamay ni Amy.

“ Hep! Anong ibig sabihin ng mga hawak mo na ‘yan? Feelingero ka talaga. Pwede ba maglakad nalang tayo na walang hawakan. Di naman siguro ako mawawala.” Sabi ni Amy.

Napakamot nalang ng ulo si Mauve. Kaya lumakad nalang sila na walang hawakan ang kamay.

Gustong gusto ni Mauve mahawakan man lang si Amy sa kamay habang naglalakad sila pero ayaw naman ni Amy. Iniisip n’ya nalang na sana merong isang chance na magawa n’ya ang bagay na ‘yon.

“Mmmmmm..Amy pwede bang magpapicture tayo nagmaka---” sabi ni Mauve.

“Na magkaakbay? Ganun ba?” Agad dugtong ni Amy.

“Ang lakas din ng guts mo. ASA KA PA!” agad umalis si Amy na mag-isa.

“ Hoy! Hintayin mo ako.” Tawag ni Mauve. Tuloy tuloy lang ang lakad ni Amy. Hinabol naman ni Mauve.

Habang naglalakad sila at panay kuha ng picture si Mauve..Naisipan n’ya kunan ng palihim si Amy. Hanggang...

“ Do you want me to take you a picture?” sabi ng isang Koreana.

“ Oh, thank you.” Sabi ni Mauve.

Agad naman n’yang hinila si Amy at nagulat  ito.

“ What?” tanong nito.

“Papicture naman tayo..ito lang please.” Sabay puppy eyes ni Mauve.

No choice si Amy.

“ Ok. ” -- si Amy.

1...2...3.. say KIMCHI! -- sabi ng Koreana.

Gabi na nang umuwi sila. Sumasakit na ang mga binti ni Amy. At parang ayaw nang maglakad.

“ Gusto mo buhatin kita? ” Tanong ni Mauve.

Every Now And Then ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon