Chap. 30

8.2K 207 4
                                    

Third Person's POV

Sumakay sina Amy ng train papuntang Switzerland. Nang dumating sila ay sumakay uli sa kotse ni Alexander. Umuwi sila sa pamamahay ng kaibigan.

"Feel at home, Girl. Welcome to my house." sabi ni Alexander. Alexander lives in a stunning luxury apartment. It's an ideal place for someone who wants privacy.

"Alex, sabihin mo nga sa akin..saan ako makakapasok ng trabaho? kanina pa tayo nag-uusap pero hindi mo naibanggit sa akin kung saan." Tanong ni Amy.

Natawa naman ang kaibigan. " Amy, hindi ka magtatrabaho sa ibang company. You will work with me. I have my own jewerly shops. I have my own lab for my precious stones. There's no need to worry about. Magandang salary ang ibibigay ko sa 'yo. At h'wag mong isipin tungkol dito sa bahay. Ako ang bahala." Napangiti naman si Amy at napayakap dito.

" You know, I miss you so much..si Kathy at ang lukaret na Trisha. Kwentuhan mo naman ako tungkol sa kanila." He pouted. Amy patted his shoulder and nodded.

=======================================================

Ilang araw na ang dumaan umaasa parin si Mauve na makakatanggap ng balita tungkol sa asawa. Walang gabi na hindi n'ya naiisip ito. Minsan hindi n'ya maiwasan ang maluha. Lalo na't paggising n'ya sa umaga ay wala ito sa kanyang tabi. Tuwing may tumatawag sa kanya, inaasahan n'ya na sana si Amy ang tatawag. O kaya ang imbestigador na inatasan n'ya sa Germany na maghahanap kay Amy.

Kasalukuyang nasa opisina si Mauve. Tambak ang trabaho n'ya ngunit parang wala s'yang lakas na gawin ang lahat. Nagbubulong bulungan ang mga empleyado n'ya. Simula nang mawala si Amy ay nalimutan na nito ang sarili. Lahat ng tao na nakakaalam sa nangyari ay awa ang nadama sa kanya.

" Hindi ko kayang mawala ka. Alam mo naman 'yon , eh. Hindi ba't sabi mo YOU WANNA GROW OLD WITH ME. Hindi na ba pwedeng mangyari 'yon? What can I say besides I'm sorry? I know sorry doesn't mean anything to you now. Because you heard it too many times. Since you left, I'm so confused. I don't understand anything..not even myself." Ang sabi ni Mauve habang hawak hawak at pinagmasmasdan ang larawan ni Amy at ang kwintas nito.

Tumayo si Mauve at lumabas sa opisina. Pinagtitinginan s'ya ng mga tao.

"Sir, uuwi na po ba kayo? Kami na po ang bahala dito." Sabi ng secretary nito. Nilingon ni Mauve at ngumiti ng bahagya. Nawala narin ang dating masiglang ngiti nya.

Nang dumating s'ya sa kanyang pamamahay hindi parin n'yang maiwasan na lingunin ang buong paligid.

Samantala, abala si Trixy sa paghahanda ng pagkain; nang tumunog ang cellphone nito.

"Hello?"

( Trixy...si Amy ito.)

"Maam Amy?! Maam saan po kayo?! " Napaluha si Trixy nang marinig ang boses ni Amy.

( Nandito sa.....malayo. Kumusta s'ya? ) Nadama ni Trixy ang lungkot sa boses ni Amy.

" Maam bumalik na kayo dito. Nakakaawa si Sir. Laging malungkot. Napapabayaan n'ya po ang sarili n'ya. Hindi ho s'ya kumakain ng matino. Minsan nga nasasayang ang mga niluluto dito sa bahay." Kwento ni Trixy.

Napakagat ng labi si Amy. Gusto n'yang maiyak sa nalalaman tungkol sa asawa.

Mauve's POV

Paakyat na sana ako nang hagdanan nang marinig ko ang malakas na boses ni Trixy. Dinig ko ang pagbangit n'ya ng pangalan ni Amy.

Agad kong hinanap si Trixy..Narinig ko ang mga sinabi ni Trixy. Nabuhayan ako ng loob..

Nang lingunin ako ni Trixy agad n'yang inabot ang cellphone sa akin.

Every Now And Then ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon