Chapter 47

9.5K 124 2
                                    




Third Person's POV


"Hindi ako sasama saiyo!'Nagpupumiglas si Dessa sa pagkakahawak ni Jake sa kanya. Nakahanda na ang chopper na kanilang masasakyan.

"Wala ka ng magagawa. Ilang araw ka ng nawawala pero wala paring nakakahanap saiyo. Hanggang ngayon ba naman ay umaasa ka paring maiiligtas ka ng kasintahan mo?' At ngumisi ang lalaki na tila ba ay wagi na siya sa pagkakataong ito.

Hindi nakaimik ang babae sa tinuran ng lalaki. Naisip niyang tama siya. Mag tatatlong araw na magmula nang kinuha siya ni Jake pero hanggang ngayon ay hawak parin niya ito.

"Tara na Mario at baka gabihin tayo". Sumulyap si Dessa sa piloto at nakita niyang ang lalaking tumulong sa kanya kanina ito. Nagbigay naman ng makahulugag tingin ang lalaki sa kanya ngunit hindi nakuha ni Dessa ang gusto niyang iparating.

20 minuto ang ginugol nila sa pag biyahe bago makarating sa papupuntahan nila.

Inilinga ni Dessa ang kanyang mata at nakita niyang mas liblib ito kaysa sa unang pinagdalhan sa kanya. Mukha itong gubat sa isang malayong probinsya.

"Nasaan ang mga tauhan Mario?bakit walang sumalubong sa atin?" Nagtatakang tanong ni Jake.

"Boss, marahil ay nasa loob at hindi ko na sila inabalang ihayag ang iyong pagdating". Tumango lang si Jake.

"Dalhin mo siya sa kanyang kwarto at bantayan ng mabuti".

"Masusunod po". Sumama ng matiwasay si Dessa. Heto na naman siya at nakakulong sa isang silid. Lumabas ang lalaki at isinara ang pinto. Hinihintay niya ang pag lock nito ngunit isang minute na ang nakakalipas at hindi ito nangyari. Lumapit siya dito at sinubukang buksan ang pinto at ganoon na lang ang saya niya ng bumukas ito.

Lumabas siya at palinga lingang tumatakbo. May nakita siyang isang silid at doon balak magtungo ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay may nakakita na sa kanya na isang tauhan.

"Nakatakas ang babae. Bilis habulin siya!" Mas binilisan ni Dessa ang takbo. Napasigaw siya ng may humila sa kanyang braso. Mabilis na itinakip ng sinumang tao ang kanyang kamay sa bunganga ni Dessa. Lumagpas ang tauhang humahabol sa kanya. Nang masigurong wala ng natitirang tauhan ay inalis na ng lalaki ang kamay na nakatakip sa bunganga ni Dessa.

"Ikaw?' Tumango ang lalaking nagbigay sa kanya ng telepono at ang naghatid sa kaniya kanina sa silid na pagkukulungan sa kanya.

"Sundan mo ako. itatakas kita dito". Tumango si Dessa at sumunod siya sa yapak ng lalaki.

Dumaan sila sa likod na may kasukalan ang daan. Nakita ni Dessa ang isang pintuan na sa pagkakaalam niya ay isang sekretong daan palabas.

"Sa tingin niyo ay makakatakas kayo?" Nanigas ang buong katawan ni Dessa at gayun na din ang lalaking kasama niya. Kahit hindi na niya lingunin kung sinuman ang nagsalita ay alam na niyang si Jake iyon.

Mabilis na kumilos ang lalaki at itinago si Dessa sa likod nito.

"Mario, Mario, Mario.... tsk tsk, hindi mo alam kung sino ang binangga mo". Nanlilisik ang matang sambit ni Jake.

"Pinatay mo ang kapatid ko!" Sigaw ng lalaki.

"Wala akong pakialam sa pinagsasabi mo at wala akong pakialam sa kapatid mo! Ngayon magsisisi kang trinaydor ako!" At inilabas niya ang baril nito at itinutok ito sa gawi nila. At sa ilang segundo ay ipinutok ni Jake ang baril. Napaluhod sa sakit ang lalaki.

"Pasalamat ka at binti ang pinuntirya ko at hindi ang ulo mo?". Labis na takot naman ang nadama ni Dessa. Nangangatal na ang labi dahil sa pag-iyak

"Hindi ba't ang sabi ko ay makipg ugnayan ka nalang sa akin huh Dessa? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Gusto mo na rin bang mamatay?" Umiling ang babae.

"Pero sa pinag gagawa mo ay pinapainit mo ang ulo ko!" at ipinutok ang baril sa ere. Nagulat si Dessa at mas lumakas ang paghagulgol niya.

"Yan. Matakot ka! Isang kilos mo pang hindi ko magustuhan ay hindi ako magdadalawang isip na bigyan ka ng isang putok ng baril ko s..."

"Subukan mo lang na iputok ang baril mo sa kanya at iuubos ko ang bala ng baril ko sa ulo mo".

"R...ron". Lumingon si Jake sa tagiliran niya at nakita doon si Ron na may hawak na baril at nakatutok ito sa kanya. Namilog ang mata ni Jake sa eksenang nakapalibot sa kanya. Maraming pulis ang nakapalibot sa kanya kahit saan man siya lumingon. Nasisiguro din niyang ubos na ang tauhan niya.

Tinignan naman ni Ron si Dessa at ganoon nalang ang awing nakikita niya sa sitwasyon ng kanyang kasintahan. Mugto ang mata sa kakaiyak. Marami din siyang mga pasa sa iba't ibang katawan niya at makikita rin ang namayat niyang katawan.

Umigting ang panga nito sa galit.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kanya!".

"Ha ha ha! Ano namang magagawa Velasquez? Eh hindi mo nga naprotektahan ang kapatid mo mula sa ak..." Hindi na niya natapos ang nais niyang sabihin ng paputukan siya ni Ron sa may braso.

"Ngayon, meron na. Mabulok ka sa kulungan sa kademonyohan mo!". Sumenyas ang isa sa pulis sa kay Jake upang dakpin ngunit bago pa siya makalapit ay nauna na siyang makalapit at itinutok niya ang baril nito kay Dessa.

"Sige! Lumapit kayo at ipuputok ko ito sa bungo ng pinakamamahal mong babae! Isang kilos lang Velasquez, mawawalan ka naman mahal". At ngumisi ito ng pagkalaki laki.

Natigil sa paglapit ang mga pulis at hindi rin alam ni Ron kung ano man ang gagawin.

"O ano! Wala akyong magawa? Akala ko ba may magagawa ka na Velasquez? Eh bakit nakatayo ka lang diyan? Patakasin niyo ako at pakakawalan ko ang babaeng ito. Magbibilang ako ng tatlo! Isa...."

Wala paring kumikilos sa kanila maging si Ron.

"Dalawa...." mas idiniin ni Jake ang baril sa sentido ni Dessa. Kinakabahan man si Ron ay nagsalita parin siya.

"Tumakas ka na! Huwag mong sasaktan siyang sasaktan!"

"Madali ka naman palang kausap eh". Nag umpisa ng maglakadsi Jake palabas. Sumunod naman ang mga pulis.

"Huwag kayong sumunod!". Nagpaputok siya malapit sa paanan ng mga pulis na ikinatigil nila sa paglapit.

Pero bago pa makalabas si Jake sa pintuan ay nagpaputok si Mario na nakahandusay sa lupa na hindi agad napansin ng lalaki. Natamaan ito sa kaliwang binti na dahilan ng pagkabitaw niya kay Dessa.

Mabilis namang itinutok ng isang pulis ang kanyang baril kay Jake at mabilis itong pinaputukan. Natamaan ito sa may tiyan na sanhi ng pagkahandusay niya sa lupa.

Mabilis namang tumakbo si Ron sa gawi ni Dessa na halatang gulat parin sa nangyari. Yinakap agad ni Ron si Dessa na ikinabalik ng katinuan ng babae sa reyalidad.

"R..ron".

"I'm sorry I came too late". Umiyak naman ng umiyak si Dessa habang magkayakap sila.

"Natatakot ako".

"You don't need to. Nandito na ako. Hindi na kita papayagang masaktan ng kahit sino man".




>>>>>>>>>

JaqeeBlue

My Life with the BOSS (Completed)Where stories live. Discover now