Chapter 30

8.3K 145 0
                                    



Dessa's POV


Lunes ngayon at nasa opisina ako ngayon. Sabi nga ni Ron, kailangan ko paring pumasok pero ayaw niya naman niya akong bigyan ng mga paper works.

"Pwede ba akong lumabas?" tanong ko sa kanya dahil tatlong oras na akong nakakulong dito sa opisina at tatlong oras na din akong nakatunganga lang dito. Nakapo sa sofa, kakalikutin ang cellphone, magbabasa ng magazine at boryong na ko dito!

"For what?" nasa laptop pa rin ang pasin niya.

"Eh, wala naman akong ginagawa dito eh. Naiinip na rin ako. Hindi mo naman ako pinapansin. Mapapanis lang ang laway ko". Oo, tama kayo ng rinig. Tahimik lang kami dito. Kung kaninang kakapasok ko dito ay neenjoy ko pang titigan siya at ineexamine ang kabuuan niya, ngayon hindi na dahil sa memoryado ko na ang mukha niya sa tatlong oras na nandito ako.

"You know I;m busy".

"Kaya nga palabasin mo na ko, bakit ba kasi ayaw mo akong palabasin eh diyan lang naman sa labas ng opisina mo".

"I need an inspiration, kaya wag kang umalis".

"A... ano ba...bang pinagsasabi mo diyan!" namumula na siguro ang buong mukha ko. "Kaya mo namang magtrabaho dati kung wala ako eh".

"Dati yon, you're now here". Mas lalo naman akong namula sa sinabi niya. Hindi parin ako sanay sa paraan niya ng pagkausap sa akin.

"Sige na kasi, nagugutom na rin ako". Palusot ko para payagan na niya ako. Tumingin naman siya sa relo niya at ganoon din ako. Alas diyes palang ng umaga.

"It's too early for lunch".

"Tsk, eh sa nagugutom ako eh! Huwag mong sabihin na kapag naging tayo, gugutumin mo ako?" ooopps, bakit ko nasabi yon?

"What the! Of course not!".

"Eh kasi naman eh, payagan mo na kas..."

"Magpapadeliver nalang ako dito".

"Bakit ba kasi ayaw mo akong palabasin huh?"

"What do you want?"

"Tsk, ewan ko saiyo. Matutulog nalang ako". Sabay higa ko sa sofa. May kahabaan naman kasi tong sofa dito kaya okay lang kung mahiga ako.

"Come on, tell me what you want". Hindi ko namalayan na naasa tabi ko na pala siya.

"Gusto ko ng mangga! Yung galing pang Guimaras! Dalhin mo dito within 20 minutes!"

"What! That's impossible. I can't go to Guimaras that fast".

"Eh di palabasin mo nalang ako". Pero hindi niya ako pinansin kung hindi'y nilabas niya ang cellphone niya at nag dial ng numero.

"Hello. Bring me a basket of mangoe here in my office fresh from Guimaras. Dalhin mo dito within 20 minutes or else you're fired". Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"You can't fire him for that reason!" bulyaw ko sa kanya.

"I can sweetie, he works on me that's why I have all the authority".

"But..."

"No more buts, just stay still and wait for your mangoes". Bumalik na siya sa table niya at ipinagpatuloy kung ano man ang ginagawa niya. Nagbibiro lang naman ako sa sinab kong gusto ko ng mangga na galing pang Guimaras dahil imposibleng makakuha siya nito. Kawawa naman ang empleyadong tinawagan niya.

My Life with the BOSS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon