Chapter 12

9.9K 152 1
                                    



Dessa's POV

After he said sorry yesterday, balik na rin kami sa normal na sitwasyon. Alam kong hindi tama yung pag hingi niya ng sorry pero nag research nga ako at nalaman na hindi talaga siya humuhingi ng sorry kahit yung mga tao ditto sa opisina na sinisigawan niya. Mas gusto pa daw niyang mag resign sila kesa sa mag sorry. Kaya't panay ang kantyaw nila sa akin kahapon sa opisina ng nalaman nilang nag sorry sa akin si Ron. Kakaiba daw ako. Ganun pala ka big deal sa kanila ang pag sosorry ng kanilang boss.

"Good morning Sir". Pumasok na ako sa opisina niya kasi may ibibigay ako sa kanya. Tinapunan lang ako ng tingin at yumuko ulit para ituloy yung ginagawa niya. Tignan niyo, normal na ulit. Kung sinusungitan niya ako ng ganyan, okay na kami. Ayos din to eh. Nga pala, mag uumpisa na pala yung totoong training ko. So, yung mga pinag gagawa ko noong nakaraang araw ay pawang mga kalokohan lang ganoon? Na pagalitan pa ako dun pero hindi pala yun makatotohanan. Initiation gano'n? Natuklasan din ni Leizel na yung sinabi ni Ron na nawalang investor ay hindi totoo, gino good time lang daw siya nung pinsan niyang si Cloud. Hindi man lang inisip na may mapapahamak sa mga kalokohan niya.

"Shall we start the training?"

"You're too excited".

"Para makaalis na ako dito sa mundo mo, nakakasuka", pabulong kong sagot.

"You're saying something?"

"Ah wala, sabi ko nga excited na akong mag train para naman makapag patayo na rin ako ng sarili kong company, you know". Sarcastic kong sagot. Nakakainis talaga tong lalaking to, pati bulong ko naririnig.

"You're cute". WHAT!! Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. What's wrong with him? What's wrong with me? Bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang Masaya ako na kinkabahan na ewan.

"Don't think too much. Cute means, creating useless troubles everyday".

"Che, turuan mo nalang kaya ako para makapag umpisa na tayo at may matapos rin diba?" Bigla namang nawala yung mga kakaibang nararamdaman ko kanina at napalitan yon ng inis.

"Read this".

"Ano! Ang dami naman niyan". Paano ba naman, isang gabundok na papel ang ipapabasa sa akin. Dapat sinabi nalang niya sa akin na pumunta akong library at tumambay doon. Mas kaya ko pa.

"For you to begin, kailangan mong basahin ang mga basic about sa business."

"Hoy, excuse me, nag aral din naman ako ah".

"Teaching is not the same as running a business, stupid".

"Because that is not what I want".


Ron's POV

"Because that is not what I want". Halata naman eh.

"I want to be a teacher. I want to teach children. I love children. Gusto ko silang basahan ng mga stories. Gustong turuan magsulat. Gusto ko silang alagaan like what a mother do to his children na hindi ko man lang naranasan. Yung mga bata sa foundation, wala na silang mga magulang kaya sana gusto kong ako yung tumulong sa kanila". I can see her sadness. Halatang gustong gusto niya talaga ang tumulong.

"Oh sige na, mag-uumpisa na akong magbasa. Wag mo na akong kausapin at istorbohin". She's trying to be strong pero halata namang naiiyak na siya but what can I do? I don't know how to comfort a girl.

"Ok, just ask me if you need my help". She just smiled and I know it's fake.

It's been 3 hours when she start reading at hindi parin siya umiimik. Kaya naman pala niyang tumahimik ng ganyan katagal, dapat araw-arawin na niya. I keep on staring her. Totoo nga, maganda talaga siya. She's 5'4 tall, has a black long wavy hair, angelic face. She's perfect. She wore simple dress but it suits her everytime. She also put light make up na bumabagay sa kanya, masungit nga lang at stupid.

My Life with the BOSS (Completed)Where stories live. Discover now