Chapter 18

8.6K 170 2
                                    



Dessa's POV

Kahit dinalhan ako ni Ron ng gatas kagabi, hindi parin ako nakatulog ng maayos. What does he mean by uttering those words? He doesn't want any guy around me? Is he jealous? Bakit naman siya magseselos? Kanina pa mulat ang mata ko pero kabaliktaran ng diwa ko.

Hayyy. Bahala na nga. Lumabas na ako at nakita ko siya sa kusina.

Umupo lang ako sa harap niya at nagsimula ng kumain. Hindi ko parin alam kung anong sasabihin ko.

"About what I've said last night..." pagsimula niya. "Just forget it".

"Huh?" forget? Bibitaw bitaw siya ng ganun tapos ngayon sasabihin niyang forget? Ganun ba kadali yun?

"Except for my sorry, I meant it".

"Bakit nga kasi bigla kang naging masungit?"

"I don't want to talk about it". Hayan na naman siya sa eh. Nakakainis talaga siya. Pinagpatuloy ko nalang yung pagkain ko. Napansin kong hidi siya naka pambihis ng sa opisina.

"Hindi ka papasok?" curious kong tanong.

"No, may pupuntahan tayo".

"Saan?"

"Wala na tayong stock, we're going to supermarket".

"Ikaw mismo namamalengke?" manghang tanong ko.

"Yeah, ako rin ang nagluluto ng mga pagkain natin".

"Talaga? Magaling ka palang magluto. Akala ko kasi mga katulong eh".

"Yeah". Maikli niyang sagot.

"Nasaan pala ang family mo?" may kapatid ka ba? Girlfriend?'' natigilan naman siya sa mga tanong ko. Tumayo na siya sabay sabing...

"I'm done. Make fast. Sumunod ka nalang". May nasabi ba akong mali?

Nandito na kami ngayon sa kotse. Wala paring imikan. Halata sa mukha niya ang kalungkutan at pag kayamot. Naiinis na naman ba siya sa akin? Nakarating na kami sa grocery store pero ang tahimik parin. Nagulat nalang ako ng bugla siyang nagsalita.

"Kunin mo lahat ng kailangan mo". Sabay lakad ulit dala ang cart. Hay, ang hirap naman ng sitwasyon ko. Sumunod nalang ako sa kanya. Nasa likuran niya ako. Ng mapansin niyang hindi ako kumukuha ng kahit ano, lumingon siya sa akin.

"Wala ka bang kailangan?"

"Wala naman, bahala ka ng kumuha".

"What about your fresh milk?"

"He he, yun lang pala". At ngumiti ako ng alanganin. Nakakatakot siyang kausapin ngayon. Napaka seryoso niya. Pumunta naman siya sa dairy section at siya na ang kumuha ng gatas. Ang dami naman ng kinuha niya, halos mapuno na yung cart. Pang isang buwan na atang stock to. Pero hinayaan ko parin siya. Sunod lang ako ng sunod sa kanya. Nag mimistulang alalay na ako sa kakasunod ko sa kanya.

When we were done, dumiretso na kami sa kotse. Linagay niya ung mga binili naming sa likod. He stopped by a flower shop. May date ba siya ngayon? Nilagay niya sa passengers seat ang bulaklak. Ang akala ko uuwi na kami pero iba yung daan na tinatahak naming. Huminto kami sa isang... cemetery? Lumabas siya at lumabas din ako. Sumunod parin ako sa kanya.

Inilagay niya yung bulaklak sa isang puntod.

RONALEE VIEL VELASQUEZ – yan ang nakalagay sa puntod.

"She is my sister, my twin sister actually". My kambal siya? Kakasabi lang Dessa diba?

"She died 2 years ago, she was killed and harassed". Napatakip naman ako sa sinabi niya. Pinatay siya pero bakit? Andaming tanong ng isipan ko.

My Life with the BOSS (Completed)Where stories live. Discover now