Chapter 39

6.7K 91 0
                                    


Dessa's POV



Kahit alam kong busy si Ron, bibisitahin ko parin siya sa opisina. Wala akong pakialam kung magalit siya basta gusto ko siyang makita ngayon.

Dumiretso na ako at nakita ko si Leizel sa desk niya.

"Dessa... ano... anong gingawa mo dito?"

"Okay ka lang? Bakit ka nauutal?"

"Okay lang ako. Ano bang ginagawa mo dito?"

"Bakit? Bawal na ba akong bumisita dito?" Nakakapagtaka ang ikinikilos ni Leizel ngayon, okay ba talaga siya?

"Hindi naman sa ganoon per..."

"Sige na... papasok na ako huh". Hindi na siya muling nakpagsalita ang nagtungo sa opisina ni Ron binuksan ko ang pintuan at nagulat ako sa nadatnan ko.

Naghahalikan si Ron at ang babaeng nakita ko rin dito at sa ganitong sitwasyon. Kung hindi ako nagkakamali, Danica angpangalan nito.

Muling bumalik ang sakit na naramdaman ko gaya ng sakit na naranasan ko ng nahuli ko sila sa magkaparehong sitwasyon. Pero, mas masakit ngayon dahil alam kong ginusto ito ni Ron dahil nakapikit pa ito habang sumasabay sa halik ng babae. Naikuyom ko ang kamao ko. May sapat na bang rason ngayon? Wag niyang sabihing nabigla siya dahil kitang kita kong nag eenjoy siya.

Habol ang hininga nila ng magbitiw sila sa mapusok nilang halikan. Hanggang ngayon hindi parin ako nakikita ni Ron pero nakita na ako ni Danica.

"Hon, here's your ex". Ex? Ako? Lumingon si Ron sa akin pero walang ekspresyon ang mukha niya. Parang... parang wala siyang pakialam kung nakita ko man silang naghahalikan. Mas lalo akong nagalit sa inasal niya.

"Hindi ka ba magpapaliwanag, Ron?" Pigil ang emosyon kong tanong. Hindi siya umimik bagkus ay ang babae ang sumagot.

"You can leave now bitch. Kailangan pa namin ng quality time ng boyfriend ko".

"Boyfriend? Last time I checked... ako ang girlfriend niya at hindi ikaw". Nagpipigil lang ako ng sarili dahil kating kati na akong sakmalin ang babaeng ito.

"Okay. Hon.... you must tell her now". Tumingin naman ako kay Ron na prenteng nakaupo sa swivel chair niya at parang walang pakialam sa akin. Like, seriously? Ano bang nangyayari sa kanya?

"What is it Ron?" Matagal niya akong tinitigan at nakikita ko parin walang emosyong mukha niya. Bigla akong nainis sa inaasal niya.

"Bullshit! What is happening here Ron! I want a damn explanation dahil gulong gulo na ako!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong maglabas ng emosyon.

"I'm breaking up with you". Literal akong napanganga dahil sa sinabi niya. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig na may yelo pa. Hindi ko ri maiwasang mapahawak sa puso ko dahil parang may libo libong karayom ang nakatusok dito.

"Wh...what did you say?" Ulit ko pa dahil baka nabingi lang ako at mali ako ng dinig.

"You heard me right Ms. Ruis. We're over".

We're over.

We're over.

We're over.

We're over.

We're over.

We're over.

We're over.

Ilang ulit na nag play sa isipan ko ang sinabi niya bago ko ito tuluyang naintindihaan.

"w..why? Naramdaman ko nalang ang pag alpas ng mga masasaganang luha sa aking pisngi. Hindi ko maisip kung bakit siya nakikipaghiwalay sa akin. Nanatili parin akong nakatingin sa kanya at hinihintay ang sagot niya. Kahit pa ubod na ng sakit, kahit pa hindi ko na maramdaman ang sarili ko dahil sa ang sakit nalang sa dibdib ko ang nangingibabaw, nandito parin ako para mlaaman kung ano nga ba ang kadahilanan niya.

"You can't give me a child". Bigla namang kumulo ang dugo sa sinabi niya.

"Dahil doon! Dahil doon! Akala ko ba hihintayin mo ako huh? Sapat na bang rason yan para iwan mo nalang ako ng ganito!" Hindi parin siya umiimik.

"At siya". Sabay turo k okay Danica. "Siya ba ang napili mo para anakan? Ganoon ka na ba ka atat at kating kati ka na huh!"

"Just accept it Ms. Ruis... we're over". At ngayon, Ms. Ruis na din ang tawag niya sa akin? Nasaan na ang sweetheart na endearment niya? Right Dessa. Break na nga kayo diba?

"Kung ganoon sana kadali Ron... kung sana. Pero hindi! Alam mo namang mahal na mahal kita pero... iiwan mo ako dahil hindi pa ako handing magka anak?"

"Leave now, Ms. Ruis or I will let the guard to pick you up. From now on, you're banned to come here".

"Huh". Tumawa ako ng pagak.

"You don't need to call your guards Mr. Velasquez. Makakalabas ako ng mag isa. Wag ka ding mag aalala, wala na akong rason para pumunta dito after what you've done to me". Tumingin ako sa babae pagkatapos ay sa kanya.

"Maging masaya sana kayo at magkaroon ng isandaang anak!" Lumabas na ako sa opisina niya. Nakita ko si Leizel at nakita ko ang pag aalala niya sa akin. Kaya siguro ayaw niya akong papasukin kanina.

"Dessa".

"Kelan pa?"

"Dessa..."

"Kelan pa!"

"Tatlong araw na ang nakakalipas". Great! Just great! Noong nagdududa ako kung bakit niya ako hindi pinapansin, may nangyayari na talaga at sinasabi niyang busy siya!

"I'm sorry..." I stopped her.

"Wala kang kasalanan. Tsaka, hindi na tayo magkikita dahil hindi na ako pwedeng pumunta dito". muli na namang tumulo ang luha ko. Yinakap niya ako at ganoon din ako.

"Ang sakit.... ang sakit sakit! Hindi ko lubos maisip na magagawa niya sa akin ito.... sana hindi ko nalang siya minahal... sana hindi ko nalang siya nakilala". Tanging hagod lang sa aking likod ang ginagawa niya dahil alam niyang walang salita ang makakapag bawas ng sakit na nararamdaman ko. Kumalas na ako at nag paalam sa kanya.

Pumara ako ng taxi at nagtungo sa puntod ni mommy at doon ko inilabas ang sakit na nararamdaman ko. Kung paano niya ako niloko ng harap harapan. Alam kong magang maga na rin ang mata ko at bumibigat na rin ito. Isang oras na din ako dito at malapit ng mag dilim. Kinuha ko ang cellphone ko at nagbabakasakaling tumawag sita o kaya ay mag text... pero wala... wala kahit ni isa. Ibig sabihin lang na wala na talaga... walang wala na.

Biglang may nagtext at naalarma ako nab aka si Ron ang nag txt pero hindi.... unregistered number.

Now that he left you, you can go back to me now.

Yan ang nilalaman ng text pero hindi ko ito pinansin. Mas kapansin pansin ang sakit na nararamdaman ko. Ibimulsa ko ang cellphone ko at nagtungo sa lugar na kahit kelan ay hindi ko ninais na puntahan.




>>>>>JaqeeBlue

My Life with the BOSS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon