Chapter 37

7.8K 121 0
                                    




Dessa's POV



Palagi siyang pumupunta dito sa bahay para kausapin ako at tatlong araw na rin ang nakalilipas matapos ang nasaksihan ko at maliwanag na sa akin na wala ng atalaga siyang kasalanan pero hindi ko parin maiwasang masaktan sa tuwing maaalala ko ang nangyaring iyon.

Palagi din siyang tumatawag o kaya nag te-text pero kahit ni isa wala akong pinansin. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Gusto ko na siyang makita dahil aminado akong miss na miss ko na siya pero hindi ko alam kung anong pumipigil sa akin.

Maya maya pa'y tumunog ang aking telepono. Si Leizel. Sinagot ko ito at hinintay kong siya ang unang mag salita.

"Nasaan ka ba ha?" bungad niya sa akin na mukhang kinakabahan.

"Bakit?"

"Hindi naming makita si Sir Ron! Mag iisang araw na ngayon! Hindi rin siya pumapasok dito mahigit tatlong araw na!" kinabahan naman ako bigla sa sinabi niya.

"Pe...pero saan naman siya nagpunta?" kinakabahang tanong ko.

"Kaya nga kita tinawagan at nagbabakasakaling alam mo kung saan siya nagpunta".

"Wa...wala.. wala akong alam. Hindi ko alam kung nasaan siya".

"Umiiyak ka ba?" nagulat ako at dinama ang aking pisngi at basa ito. Umiiyak na pala ako ng hindi namamalayan.

"Hindi... pupunta na ako diyan. Balitaan mo ako kapag may update huh! Bibilisan ko ang pagpunta diyan". Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil pinatay ko na ang telepono. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at nag maneho ng mabilis papunta sa kumpanya.

Lakad takbo ang ginawa ko ng makababa na ako ng kotse. Hindi ko alintana ang mga taong nakamasid sa akin basta ang gusto ko lang ay makita ko na siya kung saan man siya naroroon.

Nakita ko si Leizel sa tapat ng elevator at agad ko naman siyang nilapitan.

"Ano? Nakita na ba siya?"

"Hindi ko alam. Pumunta ka muna ng opisina niya at marahil may makita kang bagay doon na pwedeng magturo kung nasaan siya". Tumango naman ako at agad nagtungo sa private elevator na si Ron lang ang gumaga,it. Wala akong pakialam ngayon sa mga rules niya, basta kailangan kong makita siya agad. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari mang masama sa kanya. Kung nakinig lang ako sa kanya at kung kinausap ko sana siya at inintindi ang side niya...hindi mangyayari ito.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator, tumakbo ako sa opisina ni Ron at tinulak ang pintuan sa lakas ng aking makakaya. Ngunit ganoon nalang ang pagkatigil ko ng makita ko si Ron na nakatayo, hawak ang telepono niya at mukhang may kausap ito. Agad naman niya itong ibinaba pagkakita sa akin.

"Dessa".

"I thought you're missing for a day and... and..."

"Missing? Why would I?" bigla namang pumatak ang mga luha ko. Naalarma naman siya kaya nagtangka siyaang lumapit sa akin ngunit bago pa siya makalapit sa akin ay tumakbo na ako sa kanya at yinakap siya ng mahigpit. Ramdam kong nagulat siya sa ginawa and I don't care. Masaya akong safe siya.

"Hey... wha".

"I'm so happy you're safe". At patuloy parin ako sa pag iyak.

"Of course I'm safe. Who to...".

"Just let me talk". Tumango naman siya.

"I'm sorry for not hearing you first. It's just too painful to see with other woman and...worst...you were kissing her".

My Life with the BOSS (Completed)Where stories live. Discover now