Chapter 44

7.5K 96 1
                                    



Dessa's POV


Tinotoo nga ni Jake ang sinabi niyang hindi ako pakainin at maski inumin ay wala din, kaya ngayon ay damang dama ko ang matinding panghihina at nadadagdagan pa iyon ng pisikal na karamdaman dahil sa mga sugat at pasang natamo ko kahapon. Namamaga na rin ang mga kamay at paaa kong nakatali dahil sa sobrang higpit non. Sinisigurong hindi ako makakalabas ng basta basta dito. nangangalay na din ang leeg ko, masakit ang katawan sa matagal na pagkakaupo sa upuan kung saan man ako nakatali ngayon. Madumi na rin ang damit ko dahil dalawang araw na ang nakalilipas magmula ng dinakip at ikinulong dito.

Mawawalan na ba ako ng pag-asa? Bakit hindi man lang nila ako makita? Maimpluwensiya si Dad kaya imposibleng hindi niya ako makita ng ganito katagal. Si Ron kaya? Hinahanap din kaya niya ako? nag-aalala din kaya siya sa akin? Payak akong natawa. Hindi siguro. Kasama niya siguro yung babae niya at masaya sila ngayong gumagawa ng anak na hindi ko pa kayang ibigay. Wala na siyang pakialam sa akin.

Hindi ko namalayang umiiyak na naman ako. hindi ko alam na masasadlak na naman ako sa ganitong sitwasyon pagkatapos ng sa amin noon ni Jake na hndi ko pa naman pala ganoon kakilala. Hindi ko akalain na masasaktan ako ng ganoon kay Ron dahil ang alam ko ay iba siya sa iba.

Naalarma ako nang biglang nagbukas ang pintuan. Hindi ko maiwasang matakot dahil sa nararanasan ko nitong nagdaang araw sa kamay nila. Ngayon ko lang din ako nasaktan ng ganito, pisikal.

May dala ang tauhan ni Jake, batid kong isa iyong pagkain at tubig na naka pitsel dahil sa tray na dala nito kahit hindi ko pa naman nakikita ito ng buo.

"Kumain ka na". Tinignan ko ang isa sa tauhan niya at nakikita niyang nagtataka ako. At nagtataka nga ako dahil nandito na sila para pakainin ako.

"Kailangan mo ng kumain. Pinahatid ni boss ito kaya wag ka nang tumanggi. Mag abang ka dahil baka may binabalak siya". Binalot ako ng matinding kaba sa sinabi niyang iyon. Ano namang binabalak niya ngayon?

Kinalagan niya ang pagkakatali sa akin, maging sa paa ko ay inalis niya rin. May pumasok ding isa pang tauhan at may dalang damit.

"Pagkatapos mong kumain, mag ayos ka ng sarili mo".

"Anong mangyayari?" kabadong tanong ko. Hindi naman niya ako sinagot ngunit ngumisi lang siya sa akin ng mala demonyo.

Nag aalinlangan man ako ay tumugon parin ako s autos nila. Hindi ako ganoon nakakain dahil sa kabang nadarama ko pero nagtagal ako sa banyo ng mahigit isang oras dahil sa sobrang dumi ng katawan ko at para makaiwas na rin ako sa mga binabalak ni Jake. Iniisip ko palang ang binabalak niya ay kinakabahan na ako, lalo na at kung maaalala ko ang minsan pambabastos niya sa akin

"Lumabas ka na diyan dahil paparating na si boss o kung ayaw mong pasukin pa kita diyan at tulungan sa panliligo mo?" Muli akong kinalibutan sa sinabi ng lalaki sa labas marahil ng banyo. Gusto ko mang magtagal pa sa loob ay hindi na maaari dahil baka totohanin niya ang sinab niya. Napaluha ako sa kalagayan ko. Makakaalis pa ba ako dito?

"Ano! Hindi ka pa lalabas diyan! Baka akala mo nagbibiro ako babae ka!"

"O...oo, pa..palabas na". Ayaw ko mang lumabas ay napilitan parin ako.

"Isuot mo ito". Sabay bato sa akin ng puting bestida na aabot hanggang kalahating hita ko. May kanipisan din pero okay na rin.

"Ba... bakit ganito ang susuotin ko?" Ayaw ko mang magtanong dahil sa natatakot ako ay sinubukan ko parin dala na rin ng kuryosidad ko.

"Iyan ang bilin ni boss. Wag nang maraming tanong. Magbihis ka na.... o gusto mong ako na ang mag bihis saiyo?" Umiling ako kasabay ng pagpatak ng bubutil butil ng aking luha. "O siya. Bilisan mo. Masyado kang iyakin". Pagkatapos niyang masabi iyon ay umalis na din siya. Napasalampak ako sa semento at tuluyang humagulgol sa iyak. This can't be. Ayaw ko pang mamatay. Please, somebody save me.



RON's POV


Napakamapangyarihan kong tao pero napakawalang kwenta ko dahil wala akong magawa para iligtas si Dessa. Hanggang ngayon ay wala parin kaming balita at hanggang ngayon ay wala paring tumatawag sa amin.

"Na track na naming sila". Mabilis akong lumapit sa pulis na incharge sa pangyayaring ito.

"Malayo ang hide out nila. Mga 1 oras ang aabutin by air".

"I don't fucking care about that time! Dessa is more important!"

"Pero hindi tayo sigurado kung anong plano nila. Kung ilan sila. Delikado sir".

"Hindi mo ba ako narinig! Ang sabi ko wala akong pakialam!"

"Dude, calm down. Walang magagawa yang galit mo". Cloud Instructed me. Binitiwan ko ang kwelyo ng pulis. Nagpalakad lakad ako at hindi ko na alam ang gagawin.

"I'm going to kill that bastard!" Siya rin ang suspect sa pagpatay sa kapatid ko pero hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang buong detalye kung paano siya pinatay, and now si Dessa naman ang isusunod niya? And for this time, hindi ko na alam ang gagawin ko kung siya man ay mawala din.



>>>>>> End will be fixed so soon.



>JaqeeBlue



My Life with the BOSS (Completed)Where stories live. Discover now