Chapter 16

9.6K 176 3
                                    



Dessa's POV

Until now hindi ko parin maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Ron. I know, it is not love kasi naiinis talaga ako sa kanya. Napaka-arogante. And until now, the kiss... I can't get out of my head. Bigla bigla nalang lilitaw sa isip ko tapos bigla nalang bibilis ang tibok ng puso ko.

"Hey, bes. Hindi ka naman ata nakikinig sa akin eh". Natigil ako sa iniisip ko ng biglang magsalita si Charlene. Lingo nga pala ngayon at day-off ko. Oo, lingo lang talaga ang day-off ko parang mag tra training lang kelangan pa talaga ng 6 days a week.

"Ano bang sinasabi mo?" pero asa pa ako kung uulitin niya. Ayaw na ayaw niyan sa makulit at kung nasabi na niya once, never na niya itong uulitin kaya dapat makinig ka pero dahil magulo ang isip ko, hindi ko na siya napakinggan.

"Nevermind". See, I told you.

"Bakit ba kasi hindi mo ako in-inform na wala kang kasama sa bahay niyo at sinamahan kita! Ayan tuloy napahamak ka".

"Bakit, kaya mo silang labanan pag nandoon ka? Mas takot ka pa nga sa akin diba? Eh ayaw mo ngang mag-isa sa bahay niyo eh." Yeah right, makapag salita siyang samahan niya ako pero multo nga kinatatakutan niya. Killer pa kaya?

"Eh, kahit na! atleast may kasama ka diba?"

"Kasi nga nakalimutan ko ng tawagan ka. Emergency lang din naman yung pagiging alone ko sa bahay eh."

"Pero dapat next time, magsabi ka na agad huh! Pinag-alala mo ako eh. Di mo pa ako tinawagan na nasa ibang bahay ka na pala. Kelangan pa talagang ako yung unang makaalam?" I know, magtatampo na si bes.

"Bes, sorry na. unexpected naman lahat ng nangyari eh. Tapos yung sa paglipat ko ng bahay kina Ron, kailan lang yun nangyari. Don't worry, next time ikaw ang unang tatawagan ko kung sakali mang may kailangan ako".

"Sabi mo yan huh". Nasa fast food kami ngayon sa loob ng mall at syempre libre ni bes. Wala pa naman akong sweldo eh at higit sa lahat hindi pa binabalik ni dad yung mga cards ko. Kainis tuloy, hindi ko na magawa yung mga dating ginagawa ko.

"Did you already visit the foundation?" tanong ni bes sa akin.

"Paano naman ako pupunta doon eh wala pa nga yung credit cards and ATM ko?"

"Ayyyy oo nga pala bes but don't worry ako nalang bibisita at sasabihin kong busy ka".

Gusto ko narin sanang pumunta sa foundation eh kaya lang wala din sa time ko. Kung hindi ako uuwi ng alas siyete sa gabi galing opisina, papasok din naman ako ng mga 7:30, 6 days a week pa. Oh diba, san pa ako sisingit ng ibang schedule ko? Para ngang hindi na ako humihinga eh. Daig ko ang Presidente sa dami ng schedule.

Nasa gitna kami ng pag-uusap ng biglang may tumawag. And it's Ron.

"Yes?"

"Umuwi ka ng maaga, I have something to tell you".

"What? Eh dib a day-off ko? Bakit ka na naman nag papaka bossy diyan?"

"Just do what I said". Maawtoridad niyag sagot at pinatay niya na ang tawag. Nakakainis na talaga siya. Day off ko nga eh diba kaya dapat wala siyang pakialam kung san man ako magpunta ngayon.

"Oh bakit ganyan mukha mo?"

"Tumawag si Ron, pinapauwi ako ng maaga. May pag-uusapan daw kami". Nagtaas naman ng kilay si bes.

"Oh bakit ganyan itsura mo?" ako naman ngayon ang nagtanong sa kanya.

"Eh pinapauwi ka lang naman pala ng maaga, ganyan na mukha mo. Alam mo na baka nag-aalala na saiyo yun". Sabay ngisi niya.

My Life with the BOSS (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora