Chapter 45

7.8K 104 0
                                    



Dessa's POV


Pagkatapos ko ngang mag bihis at ayaw ko mang sundin ang inuutos ni Jake ay wala akong magawa dahil natatakot ako sa maaari niyang gawin.

Ngayon ko lang nakita ang lugar kung saan ako dinala. Masasabi kong nasa liblib kami dahil na rin sa mga punong kahoy na nakikita ko.

Naririto kami ngayon sa veranda ng bahay na pinagdalhan sa akin. Nakaupo at nakayuko. Si Jake naman ay nasa hindi kalayuan sa akin at nakapinid ang katawan sa railings ng veranda.

"I told you to come back. Sana hindi na umabot dito". Pambabasag niya ng katahimikan sa pagitan naming.

"Ano bang kailangan mo?" Nanginginig kong tanong.

Ngumisi naman siya at inilapit ang mukha sa mukha ko. Inilayo ko ito dahil nakakatakot ang paraan ng pag ngisi niya. Nakakapangilabaot.

"I want you to be back".

"Wala ng babalik saiyo dahil matagal na kitang kinalimutan".

"Is it because the scene you saw 2 years ago?" Inalala ko naman ang pangyayaring nadatnan ko sa oras na iyon. Pero hindi na ako nasasaktan ngayon.

"Wala na akong pakialam sa nangyari sa nakaraan. Masaya na ako ngayon".

"It is because of that Velasquez!" Nabigla ako sa pagsigaw niya na sanhi ng paggalaw ng upuan ng hindi sinasadya.

"Are you afraid of me?" At ngumisi siya. "That's good. Matakot ka sa akin".

"Hindi na kita makilala".

"I don't care. Basta ang gusto ko ngayon ay ang bumalik ka sa akin".

"Hinding hindi na ako babalik sa iyo kailanman. May babae ka ng iba hindi ba?''

"Yun ba? Wala na yo'n. Pinatay ko na". Bigla akong nagilabot sa paraan ng pag ngisi niya.

"Pi....pinatay?'

"Oo. Dahil wala naman na siyang pakinabang sa akin. Hindi siya tumupad sa usapan at ang bilis niyang mabuko. Tsk tsk, nakakaawa man ay wala akong magagawa".

"You... you really killed her?" Mas tumindi ang takot mo g maglabas siya ng baril at ikinasa iyon sa harap ko.

"Hindi ka ba naniniwala? Gusto mo patunayan ko ngayon din?"

Hindi ako nakaimik sa tanong niyang iyon. Tinawag niya ang isa sa tauhan niya at pinatayo sa harap ko.

"Pakisabi sa babaeng ito, masama ba ako?" Hindi naman ito umimik at nakikitaan ko ito ng takot.

"Alam mo kung ano ang pinaka ayaw ko Daryo?"

"B..boss..."

BANG!

Napasigaw ako sa putok ng baril. Naipikit ko ang aking mata at napatakip nalang ng tenga sa takot ko.

"Naniniwala ka na ba?" Tinignan ko siya at sa tabi niya ay ang duguang bangkay ng lalaki kanina.

"Ha.. hayop ka. Demonyo ka". Umiiyak at natatakot na hiyaw ko.

"Hindi ko mapigilan mula ng mapatay ang ama ko, naging ganito na rin ako at wala na akong pakialam".

"Demonyo ka parin!"

"Sinabi ko na wala akong pakialam at masaya ako dahil nakapaghiganti ako kay Velasquez". Tinignan ko siya at naroon parin ang malademonyo niyang ngiti.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang babaeng nakita mo sa araw na iyon ay si Ronalee Viel Velasquez, kapatid ni Ron. Kakambal for specific".

"You.. you killed her?"

"Yup! Pinatulan ko lang naman siya dahil kapatid siya ni Ron. Ron is very famous that time at nagtratrabaho ang ama ko sa kanila. My father was caught for his illegal transactions within Ron's company I only used her. She is just bait. Kung mawala man sa kumpanya ang ama ko, atleast meron siya. But she found it and also may hawak siyang mga ebidensya na makakapagpabagsak sa aming dalawa ng ama ko. I left with no choice; I need to kill her".

"Ron said she was raped several times did you also did that?" I asked with trembling voice.

"I just enjoyed what is being served". Doon na nagkarerahan ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko makakaya ang mga nalaman ko. Ang alam ko lang gayon ay matindi ang takot na nadarama ko. Sa tingin ko ay matutulad ako sa sinapit ng kapatid ni Ron. Hindi ko lubos maisip na naging parte ako ng buhay ng isang demonyo.

"Gagawin mo rin ba iyon sa akin?" Nag-unahan ng pumatak ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak dala ng takot. Nakita kong lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Nakita ko ring lumalapit siya sa akin. Bigla naman akong tumayo at nataranta.

"Huwag kang lalapit. Please lang. Huwag mo akong sasaktan". Patuloy sa ako sa pag-atras.

"I'm not going to hurt you". Umiling ako.

"How can you be so sure? You already killed someone! You are a killer!" Sa hindi ko inaasahan ay biglang nag-iba ang mood niya at mabilis siyang lumapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang panga ko.

"Na...nasa..saktan ako" Nahihirapan akong magsalita. Bumabaon rin an gang daliri niya sa pisngi ko.

"Do you want to try how evil I am?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay itinulak niya ako sa may pader. Tumama ang likod ko sa sementadong pader na agarang ikinahilo ko ngunit nananatili parin akong may malay. Lumapit ulit siya at sapilitan niya akong itinayo.

"I'm trying to be good on you but you'll always try to bring out the devil on me. Now, you will suffer! Kinaladkad niya ako at ipinasok sa silid na dati kong kinalalagyan.

"Itali niyo yan nang nakatayo! Huwag niyo yan bigyan ng kahit ano man!" Hindi pa man tuluyang naghihilom ang mga sugat na tinamo kahapon lang, nandito na naman ako at sasabak sa panibagong sakit.



>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Two more chapters J



>>JaqeeBlue

My Life with the BOSS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon