Chapter 22

8.4K 144 3
                                    




Dessa's POV


Hindi ko naiintindihan ang sarili ko dahil sa sakit na nararamdaman ko dahil sa hindi ako pinaniwalaan ni Ron. Hindi ako tanga para hindi malaman na nag kakagusto na ako sa kanya. Bakit sa kanya pa? Ano bang nakita ko sa kanya eh ang sungit sungit naman niya at napaka bastos. Hindi pa ba ako nadala sa nakaraan. Sa pananakit sa akin ni Jake? Kelangan ko naba siyang iwasan? Tama nga ang sinasabi ng iba na pag tumibok ang puso mo, hindi mo na maiiwasan ang mahulog at ang mahulog pa lalo.

"Maka pasok na nga sa loob". Ngayon para na rin akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Kanina pa ako dito sa labas ng bahay ni Ron pero nag dadalawang isip ako kung papasok ako dahil sa nangyari kanina. Hindi pa ako handang makita siya. Paano kung tanungin niya kung bakit ako umalis bigla bigla sa opisina? Sasabihin ko bang nasaktan ako dahil sa akala niya ako yung nagsinungaling?

Dahan dahan na lang akong pumasok. Ingat na ingat akong pihitin ang door knob ng kwarto ko baka marinig niya ako.

"Where did you go?" I froze. Nasa likod ko siya. What to do! What to do! Pinili ko nalang ang manahimik. Bakit? Hindi naman siguro obligado na sagutin ko lahat ng tanong niya.

"Kumain ka na?"

"Oo", pero hindi pa talaga ako kumain mula kaninang tanghali. Gago ka ba talaga? hindi ako nakakakain pag mabigat ang dinadala kong emosyon.

"Dessa, about what happen a while ago..."

"No, It's okay. Alam ko naman kung sino ang paniniwalaan mo eh. Sino nga ba siya kumpara sa akin? She's your childhood friend samantalang ako wala pa atang three weeks na magkakilala tayo''. Hindi ko na pinatapos ang dapat sana'y sasabihin niya at nasabi ko nalang ang mga salitang yan. Gano'n ba talaga pag nasasaktan ka? Masasabi mo lahat ng gusto mong sabihin.

"I'm sorry for not hearing you first but..."

"There is no need for that Ron, naiintindihan kita. Hindi mo kailangang mag explain".

"Will you let me ex..."

"Sige na, papasok na ako at matutulog. Ikaw din good night". Saka ako pumasok sa kwarto. Pagkasara ko ng pintuan ay napasandal ako sa likod nito. Mas lalo atang bumigat nararamdaman ko.

Hanggang kelan ba ako masasaktan ng dahil lang sa kulang ako sa pag mamahal?

Naisilang akong walang nasilayang ina. Daddy na lagi nalang busy sa trabaho at parang yun pa ang mas mahalaga sa kanya. Si Jake na unang minahal ko, linoko pa ako? At ngayon, mukha naman akong tanga na naghihintay sa pag ibig na mukhang wala namang mapapala. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hindi ko alam kung kelan naman ako mabibigyan ng halaga. Si Nanay Cora lang ang meron ako pero wala pa siya ngayon sa tabi ko. Ang best friend ko naman alam kong busy yun sa trabaho niya. Naitadhana na ba talaga akong mag isa sa buhay.

Pumunta akong kama na mabigat parin ang nararamdaman, maging sa pagtulog koy hindi parin ito nababawasan. Hindi ko pa naman siguro siya mahal diba? Siguro gusto ko lang siya? Sana nga. Kaya iiwasan ko nalang siya. Pipigilan ko nalang habang maaga pa.

"Kelan ba ako naging masaya?" yan ang huli kong nasabi sa sarili ko bago tuluyang nakatulog.

Ron's POV

I can't utter any single word after she left me here standing. I know she's really hurt for what I've said to her in office.

I'm such a bastard for hurting her again. Sinabi kong ayaw kong may nakikitang babaeng nasasaktan pero ako pa ngayon ang nanakit sa kanya. How can Nica lied to me? We were good friends but she lied to me!

My Life with the BOSS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon