Chapter 41

7.5K 106 0
                                    



Dessa's POV


Nagising ako na mabigat ang ulo at hilong hilo. Hang over! Halos hindi ko na maimulat ang aking mata sa tindi ng sakit nito. Pero nang naalala ko ang dahilan ng pag lalasing ko ay parang nawala ang sakit ng ulo ko at bumaba iyon patungo sa dibdib ko at doon naman kumirot ng husto. Mas gusto ko pa yatang sumakit na lahat ng katawan ko, pero walang papantay ang sakit na nararamdaman ko simula pa kahapon. Kelan 'to matatapos?

Napansin kong hindi ito ang kwarto, tinignan ko ang damit ko at yun padin naman ang suot ko mula kagabi. Pero...nasaan ako? Mula sa pangangamba ay napalitan ng kapanatagan ang loob ko ng bumukas ang pinto at pumasok ang bestfriend ko.

"O, inumin mo ito para mabawasan ang sakit ng ulo mo". Sabay abot niya sa akin ng gamot at tubig na dala niya. Hindi ko alam pero mukhang napaka seryoso niya ngayon. Pagkatapos kong inumin ito ay kinuha din niya agad.

"bakit ka uminom?" Diretso niyang tanong. Hindi ko alam kug saan ako magsisimula. Sasabihin ko bang hiniwalayan ako ni Ron samantalang hindi ko naman sinabi sa kanya na boyfriend ko na siya.

"Kelan naging kayo ni Ron?"

"Alam mo?"

"Kagabi lang". Maikli niyang sagot sa napakaseryosong tinig. Yumuko ako at nagsalita.

"2 months na kami". Sabi ko sa mahinang tinig.

"And you didn't bother to tell me?" Now, she's mad.

"Bes, sorry na. Hindi ko kasi nasabi saiyo kasi alam kong busy ka. Hindi na nga tayo masyadong nag uusap eh". Mahaba kong pahayag.

"At kung hindi pa kayo naghiwalay, wala kang balak sabihin sa akin?" Yumuko ako at napahikbi.

"Mabuti nga hindi ko na sinabi saiyo dahil hindi rin naman pala kami magtatagal". Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa akin at naupo sa kama malapit sa akin.

"What happened?" Inangat ko ang mukha ko at nakita ko ang mukha niyang nag aalala.

"I... I really don't know. Last week...okay pa kami, until naramdaman ko nalang na parang lumalayo siya sa akin pero hindi ko yu pinansin dahil kinukumbinsi ko ang sarili ko na busy lang siya sa trabaho niya". Kwento ko habang umaagos ang aking mga luha mula sa aking mata.

"That's it? Wala na siyang reason?" Umiling ako.

"I caught him kissing someone. Then.... I gave him the chance to explain but he broke up with me".

"That bastard! Mapapatay ko yon! Siya na nga tong huli sa akto siya pa ang may ganang makipag hiwalay?"

"Then...." Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang sasabihin ko.

"Meron pa? Sabihin mo na! Wag ka nang mag abalang mag lihim sa akin dahil malilintikan ka rin sa akin!" I can see that Cha is really mad.

"Nakikipag hiwalay siya sa akin kasi..... kasi". Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil nag aalangan ako.

"WHAT! Spill it now Dessa!"

"Hindi pa ako handag mag ka anak". There... I said it.

"WHAT! The nerve of that guy! Mapapatay ko na talaga yun! Ang taas pa naman ng respeto ko sa kanya".

"Pero bes... I think, there is something wrong".

"At ano naman yon ha? Sapat na ba iyon para tratuhin ka niya ng ganito?" Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Tama! Kahit naman sigurong anong rason niya ay hindi yun sapat na rason para itapon nalang niya ako ng basta basta.

My Life with the BOSS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon