Chapter 40

7.3K 103 0
                                    


Dess'as POV


Pumasok ako sa isang mausok at maingay na "The Oldies". Isa itong bar na pinamumunuan ng old couple. Pamilyar na sa akin ang bar na ito dahil naririnig ko ito sa mga classmates ko sa college pero ni minsan ay hindi ko pinuntahan dahil wala naman rason para pumunta ako dito. Ngayon meron na. Napabuntong hininga ako bago pumasok ng tuluyan sa loob ng bar. Medyo kinakabahan ako kasi first time kong pumasok dito at wala pa akong kasama. Gusto ko mang tawagan si bestfriend pero, mas gusto kong mapag isa.

Papunta na s asana ako sa counter at umupo doon pero napansin kong medyo marami ang nakatambay dito. inilibot ko ang paningin ko at nakita ang waiter.

"Ah, excuse me?"

"Yes maam?"

"May VIP rooms' ba kayo dito?"

"Yes maam. Ilan po ba kayo?"

"Ako lang".

"This way maam". Sinundan ko naman ang waiter at nakarating kami sa isang mga VIP nila dito. gusto ko ngang mapag isa at dahil sa alam kong delikado ang mag isa dito, pinili ko nalang ang VIP room.

"Do you have already your order maam?"

"Just give me a drink, yung hard". Medyo nag alangan ang waiter pero kalaunan ay sumunod nalang ito. Noon nagtataka ako kung bakit Tha Oldies ang pangalan ng bar na ito, nagyon alam ko na. Ang style kasi pang old model at ang mga tinugtog ng banda o ang ipinapatugtog ay mga lumang kanta gaya ngayon, Mr. Lonely ang nakasalang. Now, I also feel like I'm Mr. Lonely.... I have nobody... because he just left me.

Dumating na ang order ko at agad naman itong kinuha. Hindi na bago sa akin ang uminom pero, bago sa akin ang uminom ngayon na walang kasama at sa bar pa. Nagsalin ako ng alak sa aking baso at agad iyong ininom. Muntik pa akong maubo ng tuluyan ng nalunok ko ang alak dahil sa sobrang tapang nito. Hindi ko naman alam na ganito pala katapang ang alak na binigay sa akin.

Nagsalin muli ako at tuloy tuloy na uminom.



Charlene's POV


"Pwede ba! Wag mong ipilit na nagugustuhan na kita! Deal lang ito kaya wag kang maging tanga!". Kaharap ko ngayon ang Cloud De Vera na ito at ang kapal ng mukha niyang na iinlove na daw ako sa kanya.

"Come on! Wala namang mawawala saiyo kung aaminin mo diba?"

"Wala nga akong aaminin!"

"Eh bakit ka pumayag na makipag date sa akin kung ayaw mo sa akin?"

"For goodness sake! Ilang ulit ko ng sinabi saiyo na kagustuhan to ng Daddy ko at hindi ako".

"Don't put you're..." I stopped him when my phone rings.

"Wag kang maingay". Nakita kong si Dessa ang tumatawag at naalala kong bihira na kaming mag usap sa personal man o sa telepono lang.

"Hello De..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Beshpren... hik...". Lasing ba to?
"Lasing ka ba? Nasaan ka?"

"Hindyi akho lasheeengg.. hik.. uminom lang ako..."

"Dessa! Nasaan ka banda! Pupuntahan na kita".

"Dito ssa mashanda Ha ha ha". Matanda? Maganda?

"What? Saan ba banda yan! You need to say it clear... toot toot toot".

My Life with the BOSS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon