CQ-11

29.8K 668 21
                                    

CQ ELEVEN

''Tangina! Quinn Azula! Siguraduhin mong hindi noo ko ang tatamaan mo! Mumultuh—"

''Shut up, En." Pinasingkit ko ang mata at pilit inasinta ang mansanas sa ulo niya. ''You're distracting me, nawawala ang concentration ko."

''Oh my God, si Cali maiihi na!" Humagalpak ng tawa si Trek sa sinabi ni Sven. Sila ang may dala ng mansanas na iyan. Shooting target naman talaga dapat ang ilalagay ko sa ulunan niya. Pero apple nalang daw, sabi ni Hallister. I really don't kmow how did they get in here. Though, salamat pa din. Dahil sa mansanas.

''Stop moving, En!" Tumigil ako sa pag-asinta at sinamaan siya ng tingin. "Babaon ang arrow ko sa noo mo, sa kakagalaw mo."

''Stop moving?!" Pinandilatan ako ng hudyo. Halos matawa ako sa hitsura niyang namumutla at pinagpapawisan. ''How am I going to stop moving!? I'm fvcking scared here!"

"Don't you trust me?" Nginisihan ko siya. Inalis ko ang eyeglasses at sinukbit sa aking uniporme. Huminga siya ng malalim at pinikit ang kanyang mata.

''Dammit, Azula! Siguraduhin mo lang na hindi ka sasablay! Isasama talaga kita hanggang sa hukay!"

Umihit na naman ng tawa ang mga kaibigan niya. "Tangna Pare! Gagawin kong profile picture ang hitsura mo ngayon." Ani Sven na halos maiyak na. ''Para kang matatae na masusuka."

''Fvck you!—"

"Shut up, Hidalgo!"

Muli akong umasinta at tinuon ang lahat ng focus ko target. I won't miss it, I know it. Pero, naroon ang kaba na baka sumablay ako at tamaan ko si Cali. Though, I have to believe in me. Kaya ko 'to. Pinasingkit ko ang mata at ng sigurado na ako ay pinakawalan ko na ang palaso. Suminghap ang lahat, mayroong napatakip sa mata. Mayroong tinakpan ang bibig, mayroon ding tumalikod.

Nangingibabaw ang katahimikan, ilang beses napakurap-kurap si Hallister at Alcantara. Habang ako ay napahugot ng malalim na hininga. Kahit ako man ay saka pa maluwag na nakahinga ng marinig ko ang isang palakpak.

"Bullseye, Stratford."Ang boses ni Sir Dee ang bumasag sa katahimikan.

"Putangina! Buhay ka pa!" Sabay na sigaw ng dalawang ungas niyang kaibigan. Tinakbo nila si Cali at ikinawit ang kanilang mga braso sa leeg nito. Naghiyawan naman ang mga naroon at may nagtalunan pa. Parang mga tanga.

Umirap ako sa hangin at tinalikuran na sila. Basta ko nalamang inabot ang Pana kay Sir. At naglakad patungo sa exit ng lounge. Pagbukas ko ng double door ay bumungad sa akin ang pagmumukha ng malanding higad na si Morgianna.

"I didn't know na may tinatago ka palang kalandian sa katawan, Pres. Azula."

Tumaas ang kilay ko sa narinig. "Pinaglalaban mo?"

"Cali is not going to be yours! Akin lang siya!Ako lang ang gusto ni Tito para kay Cali, kaya sinasabi ko sa iyo! Hinding-Hin—Aw!"

Medyo nanakit ang palad ko sa pagsampal sa kanya. "May langaw kasi sa pisngi mo, dadapo sa labi mo. I just don't want the fly to touch your red lips. Nakakahiya naman sa labi mong inubos ang ata ang isang stick lipstick mamula lang." And I smiled at her.

Akma siyang susugod ng matigilan ang gaga at lumampas ang tingin sa likod ko.

"Cali! She slapped me!" Maarteng anito at akma akong hahaiin palayo sa pinto ngunit hindi ako payag sa balak niya, umiwas ako bago pa man siya makalapit sa akin.

Cali's Queen (Completed) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon