Kabanata Apatnaput Pito

1K 43 0
                                    

" Matagumpay na pagbabalik camille. Sa ngayon ay katahimikan na ang mamayani ating angkan. Napagtagumpayan mo ang isang misyon na tanging ikaw lamang ang makakagawa. Bagamat may nagbuwis ng buhay sa mga pinagdaanan mo at sa iyong misyon ang mga iyon ay kagustuhan ng dakilang manlilikha na tanging siya lamang ang nakakaalam kung bakit."

" Prinsesa Ma-ara, malungkot ang mawalan ng kapatid. Sa ngayon ay hindi pa rin ako mapalagay lalot si papa ay hindi pa rin nagigising."

" Alam ko ang iyong pinagdadaanan maging ako man noon ay nawalan ng kapatid at mga magulang. Ngunit ako ay nagpakatatag at pinamunuan ko ang aming baranggay na magisa. Mahirap at malungkot ang magisa, hanggang sa ako ay nakapagasawa na naging katuwang ko sa pamumuno ng aming barangay."

" Ha? Sino po ang napangasawa ninyo?"

" Si ma-dunong, ang punong mandirigma ng aking ama."

" Nakilala ko po siya sa aking paglalakbay sa inyong panahon. Sa paglakbay ko po doon ay nakita ko na mayroon pong pag-ibig na namamagitan sa inyo."

Napangiti si Prinsesa Ma-aram sa sinabi ni Camille.

" Ang iyong angkan camille ay galing sa aming dalawa ni ma-dunong. Nagkaroon kami noon ng sampung supling. Nang sila ay lumaki at nakapagasawa ay napunta na sa ibat ibang lugar."

" Masaya po ako na naging maganda ang iyong buhay pagkatapos ng lahat na nangyari sayo noon."

" Buksan mo ang pinto camille, nandyan ang iyong kaibigang lalaki na nakasama mo sa iyong paglalakbay."

Napakunot noo si camille sa sinabi ng lolo roman niya. Kaya agad niyang binuksan ang pinto at tumumba sa harap niya si Remus na nabigla at agad napatayo.

" Rem! Ano bang ginagawa mo diyan?!"

" Hehehe sori nag aalala kasi ako sayo, kaya sinundan kita. Kaso narinig ko may kinakausap ka na alam ko ay sila at tama nga ako."

" Eh bakit di ka pumasok na lang?!"

" Nagbantay ako baka kasi may pumasok na ibang tao na hindi nakakaalam."

Nakamasid laman si prinsesa ma-aram at si roman sa dalawa at napangiting palihim.

" Magandang gabi po sainyo."

" Magandang gabi din sayo ginoo. Masuwerte ka na nakakasalamuha at nakakausap mo kami."

" Pero bakit nga ba po?"

" Sapagkat nakikita kita sa hinaharap ni camille."

" Ho?! Gusto nyo pong sabihin ay may forever kami ni camille?!"

" Maaaring oo, maaari ding hindi. Lalo na kung mabago ang nakatakdang mangyari."

" Ganun! Napaka complicated naman ng status namin pala akala ko forever kaming magkakasama."

Agad kinurot ni camille sa tagiliran si remus ng palihim na ikinasigaw nito.

" Uulitin ko ginoo, ang sinabi ko lang ay nakikita kita sa hinaharap ni camille. Maliban doon ay wala na."

" Hindi po kami magkakaasawa at magkakaanak?!"

" Tumigil ka nga rem! Assuming ka na ha! Nagluluksa ako puro ka pa kabaliwan diyan!"

" Sorry huwag ka nang magalit. Ang daldal kasi ng bibig na ito eh!"

" Naparito kami camille para kunin na sayo ang orasang pinaglagyan ng ispirito ni Dawak."

" Po? Ay sandali lang po."

Agad kinuha ni camille ang sisidlang maliit kung saan naroon ang orasa. At ibinigay iyon kay Prinsesa ma-aram. Agad itong hinawakan ng prinsesa at binuksan. Inilabas ang orasang naging huling hantungan ng ispirito kanyang kapatid.

" Maraming salamat camille. Sa ngayon ay matatahimik na ang ating angkan na nasa Hora, wala na ring pangamba na mararamdaman ang mga darating pang henerasyon ng mga manlalakbay ng panahon at higit sa lahat ay magkakaroon na ring ng katahimikan ang ispirito ni dawak."

" Saan nyo po siya dadalhin?"

" Sa Hera, ang mundo ng mga ligaw na angkan ng mga manlalakbay ng panahon. Pinamumunuan ito ng mga manlalakbay ng panahon ng ibat ibang angkan na mula pa noong mga panahon."

" Pero lolo roman, nakita ko po na kasama ninyo ang ispirito ni oxana ng siya ay pumanaw?"

" Oo nga po nakita ko din po kayo at si oxana." ( Remus)

" May kakaiba ka talagang kakayahan ginoo.....Ang iyong kapatid camille ay nasa Hora na kasama ang iyong isang kapatid at iyong Ina. Doon ay masaya na sila, hindi nila kilala ang isat isa. Ang mga naging manlalakbay ng panahon lang ang nakakaalam pero ang kanilang pamilya na nakasama nila doon ay hindi magkakakilala. Nawawala lahat ng alaala pag ikaw ay pumasok na sa mundo ng Hora. Lahat ng pait, sakit ng kalooban ay mawawala pag ikaw ay nandoon na."

" Napakaganda po siguro doon."

" Pagdating ng panahon ay makakarating ka rin doon camille. Sa ngayon ay nagumpisa pa lang iyong misyon. Mayroon ka pang mga misyon at pagsubok na pagdaraanan. Magpakatatag ka at dapat maging handa sa pagdating ng panahon."

" Maraming salamat po. Gagampanan ko po ng maayos ang aking misyon."

" Ikaw man na ang manlalakbay ng panahon camille, nandito pa rin ako. Hindi ako mawawala hanggang sa ikaw ay mawala na rin sa mundong ito."

" Salamat po lolo roman."

" Mawalang galang na po sa inyo mga time traveller. Puwede po bang ako ay makasama palagi ni camille sa kanyang mga paglalakbay sa ibat ibang panahon pa?"

Napangiti si Prinsesa Ma-aram.

" Ginoo, tanging si camille ang nakakaalam kung ikaw nga ba ay karapat dapat sa paglipas ng panahon at pagdating ng araw."

" Kaasar naman, nakakakita nga ako ng ispirito diko naman nakikita ang future ko! Ay mali pala kasi nandito na ang future ko."

Sabay tingin kay camille na tumataas taas pa ang kilay. Sinimangutan lang siya ng dalaga at tumingin ulit sa dalawang manlalakbay ng panahon.

" Paano camille, hanggang sa muli nating pagkikita. Ang iyong dasal at hiling sa dakilang manlilikha ay iyong makakamtan lubos ka lang magtiwala sa kanya."

" Salamat po prinsesa ma-aram, lolo roman."

Agad na inilahad ng dalawa ang kanilang mga palad at agad itong naglaho.

" Wheeewww! Ang astig nyo talaga camille hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa lahat!"

" Umayos ka nga rem para kang bata!"

" Hmp! Sorry na nga. Labas na tayo andyan ang iba mong classmate hinahanap ka nila."

Inayos ni camille ang sarili at naglakad na silang palabas ng silid ni remus.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang