Kabanata Lima

1.4K 63 0
                                    

" OXANA!"

Agad tinulungan ni Rowen ang anak na bunso na tila nagpapaawa na naman sa ama at bigla na lang umiyak.

" Ano bang ginagawa mo sa kapatid mo camille!"

" Papa, wala po akong ginagawang masama sa kanya, siya po itong susugod sa akin kaso nakaiwas ako at natumba siya."

" Papa, siya po may kasalanan eh. Gusto ko lang naman hawakan ang mga alaga niyang kalapati ngunit madamot po siya at itinulak niya ako!"

" Papa hindi po totoo iyan, nagsisinungaling po siya. Gusto niya pong patayin ang mga kalapati ko kaya inagaw ko po sa kanya at siya ang sumugod sa akin."

" Hindi po totoo yan papa. Tignan nyo po dumudugo na ang braso ko dahil sa kanya."

" Nakita mo nang ginawa mo camille! Nasaktan mo ang kapatid mo! Nagparatang ka agad sa kanya na hindi mo kinakausap!"

" Papa, kinausap ko po siya....sadyang iba lang po ang mga sinasabi niya sa inyo."

" Anong gusto mong palabasin Camille na sinungaling ako!"

" Ikaw nang nagsabi niyan Oxana hindi ako! Sumusobra ka na!"

" Tumigil na kayo! Hindi ba kayo magkasundo! Magkapatid kayo at kambal dapat magkasundo kayo!"

" Papa, maniwala kayo sa akin. Sobra sobra na po ang pagsisinungaling sa inyo ni Oxana."

" Tumigil kana Camille! Halika na dito Oxana gagamutin natin iyan.

Napabuntunghininga na lang si Camille. Nilingon pa siya ni oxana na nakangiting nakataas ang kilay bago tumalikod sa kanya.

Camilles POV

Lagi na lang bang ganito? Ako ang hindi pinapakinggan at pinapaniwalaan ni papa. Ano bang meron kay oxana at tila ito ang mas paborito niya sa amin. Dapat nga hindi ganun, dapat pantay ang tingin niya sa amin. Ngunit palaging ako ang may kasalanan sa aming dalawa. Porke ba ako ang panganay at dapat pagbigyan ko siya?. Sobrang sobra na ang ginagawang kasinungalingan ni Oxana. Nakakabahala na ang ipinapakita niyang masamang ugali.

Pero ano itong nagawa ko kanina? Tila naging isa akong hangin na naglaho at agad nandun ako sa kulungan ng kalapati at agad kong naagawa ang mga ito bago mapatay ni oxana. Buti hindi niya nahalata na naglaho ako. Ano ba iyon? May kakaiba ba sa akin na hindi ko nalalaman?.

------------------------------------------------------

Kinagabihan....

" Anak ano na naman ba ang nangyari at tila nagaway na naman kayo ni Camille? Hindi na ba kayo magkakasundo? Maliit pa kayo ganyan na."

" Siyang tanungin mo mama hindi ako!"

" Camille anak, ano ito, sinaktan mo ba ang kapatid mo?"

" Mama, kilala nyo po ako, hindi ko kayang manakit ng kapwa. Ni minsan wala akong sinaktan maging sa mga kalaro ko noon."

" Ang galing mo rin Camille ah! Anong gusto mong palabasin ako ang sinungaling sa ating dalawa!"

Umakto pang tila naiiyak na naman kunwari si Oxana.

" Katulad ng sinabi ko kanina oxana, hindi ko ugaling magsinungaling at gumawa ng kuwento."

Pagkasabi niyon ay muling itinuloy ni camille ang pagkain. Ngunit hindi pa rin nagpapatalo si Oxana. Ibinato nito ang kutsara kay camille. Na ikinabigla ng mama at papa niya. Pero hindi si Camille.Alam niyang ganun kalala ang kapatid niya at gagawa at gagawa ng eksena para mapansin.

" Anak! Ano yan! That is too much! Ate mo siya at nasa hapag tayo ng pagkain at dapat mong igalang ang grasya ng diyos!"

" Ahhhhhhhh! Puro ka camille! Diyos at grasya! Nakakasuka ka na!"

Dahil dun ay nasampal ni carmela si Oxana na katabi lang niya, na ikinabigla naman ni Rowen. Nabigla si Carmella sa ginawa pero nanatiling matatag.

" Hindi kita pinalaking ganyan Oxana! Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ugaling ganyan! Kakaiba ka! Wala akong nakikitang pagmamahal sa puso mo kundi pagkasuklam! Mama mo ako nakukuha mo akong sagutin ng ganun!"

" Hon! Tama na, pagpasensyahan mo na bata pa kasi."

" Kinakampihan mo na naman siya owen! My God! Kelan mo siya pangangaralan pag matanda na siya at kung kelan nagsasanga na ang sungay!"

" Hindi sa ganun hon."

" Mama, papa tama na po."

" Hindi camille, gusto ko lang ipamukha dito sa ama mo na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kakampihan niya ang kapatid mo."

Lingid sa mag asawa ay nakangising nakamasid si Oxana sa kanila na hindi naman nakaligtas sa paningin ni Camille.

" Oxana? Anong nakakatawa sa pag aaway ng magulang natin?"

Nagulat si Oxana na agad nagbago ng ekspresyon na tila naapi at iiyak ng tinignan siya ng kanyang mama at papa.

" Hindi ka talaga magbabago oxana, magaling kang magbalatkayo."

Lumapit naman dito si Owen at inalo alo ang bunsong anak.

" Sige na anak ituloy mo na ang pagkain mo."

Napailing na lang si carmella sa ginawa ng asawa. Tahimik na itinuloy ng pamilya ang pagkain. Pero hindi nakaligtas kay camille ang matatalim na tingin sa kanya ni Oxana.

Pagkatapos ng hapunan ay nagpahinga na ang lahat maliban kay owen na tumuloy sa balkonahe ng bahay para manigarilyo at magmuni muni.

OWENS POV

Ano ba itong nangyayari sa mga anak ko...tila mas lalong lumalala ang hindi nila pagkakasundo. Nagbubulag bulagan lang ba ako sa totoong ipinapakitang kakaibang ugali ni Oxana o iyon talaga siya. Siya ba talaga ang itinakdang ika isaandaang manlalakbay ng panahon ng aming angkan o nagkamali ako.
Alam kung may kakaiba sa kanya noong maliit pa ito kaya sa kanya ko ibinigay ang pangalang oxana na sa pag aakalang siya ang nakatakda. Nagkamali ba ako? God! Anong gagawin ko! Diyos ng mga manlalakbay gabayan niyo naman ang mga anak ko. Mahirap itong bagay na ito na hanggang ngayon ay tila nagangapa ako kung sino ba talaga. Sa palagay ko rin ay hindi na kami magkakaanak ni Ella kahit anong pagpupursigi naming magkaanak muli ngunit wala talaga. Si Oxana, alam kung kakaiba siya, ngunit ang kanyang mga ginagawa ay gawain kaya ng isang itinakda? Hindi ako makapaniwalang sasagutin niya ng ganun ang kapatid at higit sa lahat ang mama niya. May hindi ba ako nalalaman pa sa pagkatao ng anak ko?. Si Camille, wala akong nakikitang kakaiba sa kanya kundi ang pagiging mabait at mahinahon na bata mula pa noon. Palagi siyang nagpapakumbaba sa kapwa at higit sa lahat sa amin. Palagi niyang inaalala ang mga maling gawa ng kakambal niya. Ngunit bakit ganun si Oxana sa kanya. Nakakabahala na ito, may kailangan ba akong malaman sa pagkatao ng bawat isa sa kanila. Ngunit kanino, kailan at saan ko makukuha ang kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa akin.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Where stories live. Discover now