Kabanata Sampu

1.3K 58 3
                                    

Sa silid ni Oxana ay agad itong napabalikwas ng gising. Tinignan ang paligid niya at isang makahulugang ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi.

Oxana/Dawak POV

Hahahaha! Sa wakas ito na ang pinakahihintay kong panahon! Ito na ang panahon ng paghihiganti ko sa inyo mga angkan ng manlalakbay ng panahon! Hindi na kayo mamayani at dadami sa mundo! Sisirain ko kayo pati ang darating nyong henerasyon hahaha!

" Senyorita Oxana, breakfast na po, pinapatawag na kayo ng mama at papa ninyo."

Punyetang mga ito!!!

" Oo, bababa na kamo ako."

Naglakad patungo sa salamin si Oxana at isang ngiting puno ng kasamaan ang makikita sa salamin. Ang nakikita niya ay ang itsura niya noong si Dawak pa siya. Ngunit may tila isang pagkatao ang gustong kumawala sa kanyang kontrol at makikita iyon sa kaloob looban ng kanyang mga mata.

Ngayong malinaw na sa akin ang lahat hahaha para akong bagong ipanganak na sanggol. Malapit ko nang maisakatuparan ang aking paghihiganti sa inyo Ma-aram at ang itinakda! Papatayin ko siya kasama ng angkan ninyo hahaha.

Inayos ni Oxana ang sarili at binago ang ekspresyon ng mukha. Dahan dahang naglakad palabas ng kuwarto at bumaba para sumabay sa breakfast ng pamilya. Lumapit siya at nakayukong umupo.

" Happy Bday anak...ok ka na ba? Tungkol sa kahapon, kalimutan mo na iyon. Birthday nyo ngayon ng kapatid mo kaya dapat maayos tayo. Walang galit at walang problema."

" Ok mama!"

Hindi makapaniwala si Camille na ganun sumagot si Oxana sa mama niya. Pero hindi na lang siya kumibo sa dahilang baka magkabanggaan na naman sila.

" Happy Bday Oxana."

" Salamat sayo...kapatid!"

Natigilan naman si camille ang papa at mama niya. Pakiramdam nila ay kakaiba si oxana.

" Mamayang alas singko tutungo na tayo sa bayan ha. Dahil alas sais ang party ninyo. Ok na ba ang lahat na kailangan ninyo?"

" Ok na po papa. Yung damit ko po, maayos naman alang problema."

" Sayo oxana may problema ba?"

" Kayo ang problema ko!!!( pabulong na sabi nito na hindi nakaligtas sa pandinig ni camille) Walang problema ok lang!" Saka tumitig na nakangisi kay camille.

Oxanas POV

Huling araw nyo na ito nakatakda at mamatay kayong lahat! Uunahin kita kasunod ang pamilya mo!

------------------------------------------------------
Dumaan ang mga oras at naging abala lang si Camille sa pag txt at tawag sa mga kaibigang imbitado para sa bday niya para siguraduhing makakapunta. Si Oxana naman ay may kung anong ritwal ang ginagawa sa kuwarto na ayaw magpaistorbo. Hanggang sa sumapit ang oras ng pag alis ng pamilya para sa party. Nakapag ayos na si Camille ng sarili at isinuot na ang kasuotang bumagay sa kanya isa itong kulay bughaw na cocktail dress at maayos na nakapusod ang buhok. Nasa may dulo na siya ng hagdan ng tinawag siya ng kanyang mama at isinuot sa leeg ang isang kuwintas na may pendant na maliit na kalapating ginto. Eksaktong labas naman ni Oxana na ikinabigla ng dalawa ang kasuotan nito na pulos kulay itim at mahaba na tila sa mangkukulam at itim na lipstick na lalong nagpadilim sa aura nito.

" Diyosko naman anak! Ano ba yang suot mo! Hindi iyan ang damit na susuotin mo. Pareho kayo ni camille di ba?!"

" Eh sa ayoko nun ang pangit hindi bagay sa akin! Mas maganda ito!"

" Alam mo hindi akma ang kasuotan mo sa bday party para kang aattend ng holloween party. Magpalit ka ha! Pagbalik ko nakapagpalit ka na. Sandali babalik ako ng kuwarto naiwan ko yung ibibigay ko sa iyo."

THE GLASSHOUR 2Where stories live. Discover now