Kabanata Labing Anim

1.5K 53 3
                                    

Alas Otso ng magising si camille. Agad siyang bumangon at naligo. Naghalungkat sa cabinet ng puwede niyang maisusuot. Pagkatapos ay agad siyang lumabas ng kuwarto at bumaba. Sa baba ay agad siyang binati ng mga kasambahay na abala sa kani kanilang gawain. Nakita siya ni Manang Flora at agad siyang tinawag para ipaalam umalis si Rosario.

" Iha mag breakfast kana, umalis si Mam Rosario may kailangan daw siyang ayusin sa bayan kasama ang isa niyang kapatid, galing sa barrio, ayun kaalis lang. Sabi naman ni Rem ay babalik siya agad nag jogging lang sa paligid iyon. Sabay daw kayong mag breakfast."

" Ah ganun po, sige po tulungan ko na kayo sa kitchen para mag prepare po."

" Naku iha, tapos na hintayin mo na lang si rem sa veranda."

Nang biglang may nagsalita sa may labas ng pinto ng bahay.

" Nandito na ako."

Napatingin naman si Camille sa likod niya at nakita niya si Rem na pawis na pawis sa suot nitong sandong puti at jogging shorts na asul. Gulo gulo ang buhok ngunit hindi maitatago ang ganda nitong lalaki. Noon lang napagmasdan ng mabuti ni camille si rem at napansin niya na sa kabila ng kulay nitong tan ay mestisuhin ang itsura nito. Lumapit rem kay camille at hinawakan ang labi nito.

" Baka mapasukan ng langaw hehe."

Tila nahiya naman si camille kay rem at agad sumunod ito kay manang sa kitchen.

Sinundan ng tingin ni rem si camille ng tingin bago umakyat at sumigaw na magsa shower muna siya. Napangiti si rem sa nakita niya. Pakiramdam niya ay tila nagugustuhan din siya ni camille. Ngunit siya ay mas lalo niya itong nagugustuhan lalo na ng makita niya itong nakatalikod ay alam niyang napakaganda. Lalo na ng malapitan niya at maamoy ang bango nito dahil bagong ligo. Nadagdagan pa ang kanyang nararamdaman ng hindi niya sinasadya na hawakan ang labi nito na tila napakasarap halikan. Agad niyang pinatay sa isip niya ang mga isiping iyon dahil hindi maganda na pagisipan ng ganun si camille. Pagkatapos maligo ay agad siyang bumaba para sumabay na sa breakfast kay camille.

" Iho upo ka na diyan. Kanina ka pa hinihintay ni camille."

" Talaga hinihintay mo ako?!"

" Ah eh hindi naman masyado rem."

" Aww akala ko naman hinihintay mo talaga ako. Na miss nga kita eh."

" Loko ka rem miss agad. Kagabi lang tayo nagkakilala."

" Im just telling you the truth camille."

Tumingin pa ito na nakangiti at pataas taas ng kilay kay camille.

" Mag breakfast kana kaya, kanina pa iyan naghihintay sayo."

Habang kumakain ay patingin tingin si rem kay camille na ikinaasiwa naman nito kaya nanatili siyang nakayuko.

Nang matapos mag almusal ay isinama siya ni rem maglibot sa labas ng bahay. Nakita ni camille na napakaganda pala ng bahay maging sa labas. Ang bakuran ay tila isang resort na natataniman ng ibat ibang halaman at mga puno. May mga ilang bahay din na nasa labas ng bakuran na tila ipinasadyang ipagawang tila bakasyunan. Napakaganda ng paligid at napakapayapa. Ipinakita ni rem kay camille kung saan niya ito nakita.

" Diyan kita nakita sa kubol na iyan. Tambayan ko kasi iyan presko. Dumaan kasi ako sa shortcut mula sa bahay ng pinsan ko sa barrio sa baba. Pero may kalsada dito na maluwag papunta sa kalsada sa harap ng bahay ng lola, ngunit lupa pa. Hanggang dun pa lang kasi sa baba bungad papunta dito ang sementado. Pero may mga sasakyan na nakakaakyat dito."

" Alam mo ang ganda nitong lugar ninyo. Napaka presko at ayan o kitang kita si Daragang Magayon."

" katulad mo si mayon, dalagang maganda. Napakaganda niyang tignan ngunit hindi mo alam kung ano ang nasa loob, ang daming misteryo at lihim. Ngunit kapag nagalit boommmmm sabog ang tamaan ng mga bato at lava kapag pumutok."

THE GLASSHOUR 2Where stories live. Discover now