Kabanata Dalawampu

1.2K 58 0
                                    

Samantala sa baba sa isang sulok ng bakuran ay kinakausap si Owen ng mga kaibigan nito sa pangunguna ni ram. Labis na galit ang nararamdaman ng mga ito kay ram na nakatungo lang itong nakaupo.

" Owen! Ano ba itong nangyayari sayo! Hindi kana nakakatuwa sa ginagawa mo sa anak mo na si camille. Hindi mo maikakaila samin na hindi pantay ang pagtingin mo sa kambal! Noon pa man ganyan kana kay camille! Hindi ka ba nagiisip parehong anak mo iyon!"

" Puwede ba ram gusto ko muna ng katahimikan!"

" My God owen! Sa nangyari sa pamilya mo at sa kakitiran ng utak mo hindi ka magkakaron ng katahimikan!"

" Wala kang pakialam dito vera, usapang pamilya ito. Asawa ka lang ng pinsan ko!"

Sa narinig ay agad na tumayo si ram at hinila si vera. Pati ang mag asawang renan at panyang ay napatayo na rin.

" Ganyan pala ang gusto mo owen?! Puwes simula ngayon hindi ka na namin pakikialaman! Narinig mo bang sinabi mo, asawa ko ang pinagsalitaan mo ng ganyan, parte siya ng pamilyang ito!"

" Pasensya na hindi ko sinasadya."

" Ayusin mo ang sarili mo! Hindi ka na namin kilala. At ang anak mong naiwan, mag ingat ka sa kanya! Bulag ka na at hindi mo nakikita ang pagbabago sa kanya! Nahulog ba talaga ang asawa mo o sinadyang ihulog?! At kung si camille nga may gawa nun, sa tingin mo kayang gawin yun ng anak mo na sobrang mahal niya ang kanyang ina?! Mag isip ka nga bago ka maniwala sa sinabi ng isa mong anak na noon pa man ay ugat ng pagaaway lagi ng kambal! Huwag kang magkaila alam mo yan!!!"

Agad na pumasok ng bahay ang apat para magbigay respeto sa patay nilang kaibigan at walang lingon na lumabas na ng bakuran para umuwi.
------------------------------------------------------
Samantala nakarating na din sina camille sa bahay ni lola rosario. Tahimik lang ito na hinayaan na lang ni remus at lola rosario.

" Lola, puwede po bang sa kuwarto po muna ako?"

" Sige lang iha, mamaya ipapatawag na lang kita para sa dinner."

" Sige po."

Agad na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay si camille na hinatid na lang ng tingin ni remus at lola rosario.

" Lola, ano po bang nangyari sa loob?"

" Ayun, nagkita na sila ng kakambal niya at ng ama niya."

" Tapos?"

" Tama nga ang kutob ko na may kakaiba din sa kakambal niya. Yung ama naman niya ay kakaiba, aba mas kinampihan pa yung isang anak niya na obvious naman doon na ito ang nagsisimula ng gulo!"

" Ano pong itsura ng kakambal niya?"

" Natural kamukha niya apo. Pareho silang maganda apo, pero ibang ganda meron ang kakambal niya. Matalim at mapagkunwaring ganda. Sa tingin ko apo sila ang matagal ko nang hinahanap na pamilya o angkan na aking nabasa sa mga librong naitago ng ating angkan. Hindi pa ako sigurado pero nabasa ko sa katauhan ng kakambal ni camille na may isa itong katauhan. Maging si camille ay meron apo nakita ko ito ng gabing dalhin mo siya dito. Napatunayan ko ito ng magiba kanina bigla ang behaviour ni camille. Nakuha niyang kalabanin ang kakambal niya at isang pangalan ang nasambit niya na tanging parang ako lang nakarinig."

" Ano po yun lola?"

" Dawak. Nabasa ko na yang pangalan na iyan sa isa sa mga libro sa library ko apo. Sa tingin ko apo nagkatotoo yung nakasaad sa mga librong naitala ng ating mga ninuno. Sa tingin ko ay may malaking kaugnayan ang angkan ni camille sa ating mga ninuno."

" Paano kayo nakakasiguro lola?"

" Yung marka sa may balikat niya."

" Hindi ko nga nakita iyon lola eh."

" Mamaya after dinner, samahan mo ako sa library may hahanapin tayo. At sa palagay ko ito na din ang tamang panahon para ipagtapat ko sa iyo ang isang kakayahan ng ating angkan apo."

Ilang sandali pa ay tinawag na sila ni manang flora para mag hapunan. Agad na umakyat si remus at kinatok si camille na agad naman nitong binuksan.

" Ah eh camille, halika na sa baba mag dinner na tayo."

" Sige rem, susunod na lang ako mauna kana."

" Ok sige, baba ka agad ha?"

Ngumiti na tumango si camille. Tila naman na magnet si remus sa ngiting iyon ni camille kaya.di agad siya nakagalaw para bumaba.

" Uy sabi ko sunod na lang ako."

" Ha?! Oo nga pala sige una na ako hehehe."

Bumabang kakamot kamot sa ulo si remus dahil sa hiya kay camille. Ilang sagliy lang ay bumaba na rin ito at sumabay sa maglola para sa dinner.

" Kain ka na iha, huwag kang mahiya katulad ng sinabi ko at ipinangako ko sa mga ninang at ninong mo parte kana ng pamilyang ito."

" Salamat po lola."

Habang kumakain ay namamayani ang katahimikan. Pero si lola rosario ay hindi makatiis sa nararamdaman at may gustong linawin at itanong kay camille.

" Iha, yung kanina na nangyari na nilabanan mo ang kakambal mo, kagustuhan mo ba iyon?"

Nabigla si camille sa tanong ng matanda kaya sinagot niya ito ng totoo dahil hindi niya ugaling magsinungaling.

" Sa totoo po lola ay ayaw ko sanang patulan si oxana pero may tila gustong lumaban sa kanya sa kalooban ko. Yung nangyari po sa kanya ay diko namalayan. Basta na lang po nakita ko na siya na nakasalampak sa lapag."

" Alam ko yun iha.....tila nawala ka nga sa sarili mo at natuto kang lumaban na sa tingin ko naman ay nasa lugar. May binanggit kang pangalan kanina na narinig ko. Pero ang iba ay tila hindi nila napansin. May sinabi kang Dawak sa kakambal mo."

" Po?!"

Nabigla si camille sa nasabing pangalan ni lola rosario pero nanatili muna siyang tahimik. Iniisip niya ang pinagusapan nila ni nera at ng manlalakbay ng panahon na nagpakita sa kanya.

" Hindi ko po kasi alam kung nasabi ko iyon, katulad nga po ng sinabi ko diko namalayan mga nangyari kanina. Ang alam ko lang ay ng nasuntok ni ninong si papa."

" Alam ko iha.....hindi na kita pipilitin. Pero isa lang masasabi ko parehong may ibang katauhan na kumukontrol sa inyong dalawa ng kakambal mo. Sa kakambal mo ay tila isa itong hindi matahimik na nilalang na puno ng poot at paghihiganti. Pero saiyo ay nararamdaman kong mabuti itong nilalang. Aaminin ko iha yung pangalang Dawak ay tila pamilyar sa akin. Sa tingin ko may malaking kaugnayan ang aming mga ninuno sa inyong angkan."

" Po?"

" Sa ngayon diko pa masyadong makumpirma iha pero, gagawin ko ang lahat para magkaroon ng kasagutan itong mga gumugulo saiyo at pati na rin sa akin. Dahil maging ako ay hindi rin matatahimik."

Si remus naman ay nananatili lang na nakikinig sa usapan ng dalawa.

" Sa ngayon iha ay makakabuting huwag ka na munang papakita sa inyong bahay dahil everytime na makikita ka ng iyong kakambal ay gagawa at gagawa iyon ng gulo. Aalamin ko lahat ng nangyayari doon, uupa ako ng tauhan para malaman lahat ng nangyayari sa pamilya mo. Limang araw ang burol ng mama mo at sa huling gabi o libing na lang tayo pupunta doon. Sa ngayon ang gagawin natin ay aalamin itong misteryong meron sa pamilya ninyo.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin