Kabanata Dalawamput Dalawa

1.4K 55 0
                                    

Hello po sa lahat ng readers, im sooo happy na umabot na po ng 2k + reads ang The Glasshour at ito naman pong Book 2 ay umabot na ng 1.1k + reads. Maraming salamat po :).
------------------------------------------------------

Masusing binasa ni lola rosario ang ilang pahina ng aklat na tila lumang luma na malaki at makapal ito. Kung iyong babasahin ay hindi lang araw ang gugugulin mo kundi buwan para mabasa lahat.

Lumapit si rem sa lola niya at nagtanong.

" La, ilang taon na po kaya ang librong iyan?"

" Hindi ko alam apo, pero ang nakatalang datos dito ay daang taon. Di ko alam kung anong taon ito nilimbag. Naabutan ko na lang na ang mama ko ang nagtatago nito. Sabi niya marami nang nauna pang tulad nito na nasira na sa pagdaan ng panahon ngunit nililimbag na lang ulit ng ating mga ninuno ang nilalaman nito. Maraming sumunod na libro na ang nilalaman ay ang mga pangyayari sa buhay nila noon. Pero ang isang ito ang kauna unahang pangyayari sa kanilang angkan noong panahon ng ating ninunong ang pangalan ay nera."

Nabigla si camille sa pangalang binanggit ni lola rosario pero nanatiling nakikinig siya.

" Si Nera apo ay ang unang babaylang may kakaibang katangiang taglay sa ating naunang ninuno noong panahon. Siya ay tagapaglingkod sa isang maharlikang pamilya. At ang anak ng datu na si datu rawan ay may anak na tatlong babae. Ang panganay na si maaram ang siyang lubos niyang pinaglingkuran."

Sa narinig ay lalo pang nagkaroon ng interes si camille. Napapatunayan na niya na totoo ang mga sinabi sa kanya ni nera.

" Kay nera tayo galing apo. Isa siyang babaylan na mangkukulam."

" WHATTTT! MANGKUKULAM AS IN WITCH!?"

" Bakit ka nagugulat apo, di ba iyan naman ang inaasahan mo hahaha."

" Diko kasi inaasahan lola na may katotohanan ang lahat ng biro ko."

" Hindi ka dapat magulat apo. Tanggapin mo ang katotohanang may lahi kang mangkukulam."

" Pero nakakatakot po lola lalo na kapag nalaman ng mga tao na mangkukulam tayo."

" Diyan ka nagkakamali apo. Hindi mo pa nga alam na dalawang uri ang mangkukulam. Yung gumagawa ng masama sa tao at yung kokontra dito na nasa panig ng kabutihan.....at tayo iyon apo. Tayo ay mangkukulam na albularyo apo. Tulad ni Nera at ng iba pa nating ninuno ay nagtataglay din ako ng kakaibang katangian. Nadagdagan pa ito ng pagaralan ko ang mga nakatala sa mga aklat na narito sa kuwartong ito."

" Kung ganun po ba lola ay magiging tulad mo ako?"

" Maaring hindi maaring oo....sa ngayon nakikita ko na tila may alinlangan ka sa iyong mga nalaman. Pero apo oras na matutunan at malaman mo lahat.....mamahalin mo ang ating angkan. Isa pang palatandaan na ikaw nga ay susunod sa yapak ko ay ang mga pagbabago sa iyong sarili kapag ikaw ay nasa pag iisa at panganib doon mo makikita ang iyong kakayahan.

" Pero lola sa palagay nyo po karapat dapat ba akong maging isang tulad ninyo?alam ko pong hindi ito ang buhay ko, pero hindi po sarado ang isip ko, bukas po ako sa lahat ng posibilidad na maaring mangyari sa buhay ng bawat isang tao."

" Isa yan sa mga katangian na dapat mong taglayin apo. Alam kong luko luko ka pero nakikita kung mabuti ang iyong kalooban."

" Wow la ha dramahan na ba ito hahaha!"

" Baka ikaw ang magdrama kapag kinulam kita apo hahaha!"

" Joke lang la hahaha! Pero sa totoo lang la, interesado ako sa ganito. Mahilig kasi ako sa fantasy at mga supernaturals."

THE GLASSHOUR 2Where stories live. Discover now