Kabanata Dalawamput Isa

1.4K 56 3
                                    

Hello sa lahat ng silent readers na patuloy na nagbabasa. Masaya po ako na patuloy ang suporta nyo sa Bk 2 ng The Glasshour. Pasensya na po kung dati 2 chaps per day ang update ko, naging busy lamang po for the past few days.

Sa mga kaibigan ko dito sa watty na alam kung sobrang busy din ay sana palagi kayong safe at happy.

PrettyBrokenEyes,jessaya_chan91,_lady_lyn_,GeoMarLou,Adamant,Flaresitri.

May mga stories din po sila,sana po ay mabasa nyo din at suportahan. :)
------------------------------------------------------

Pagkatapos ng hapunan ay agad tumuloy sa kanyang kuwarto si camille para magpahinga. Kahit anong pilit niyang ipikit ang mga mata para makatulog ay hindi niya magawa. Nanatiling nasa kanyang isipan ang mga naganap at patuloy siyang nalulungkot. Ngunit nangangamba at nababagabag sa kabila ng lahat. Isang palaisipan sa kanya ang nasabi ni lola rosario ang mga katagang binitiwan nito kay oxana na tila kilala niya ito.

" Nera?"

" Ano yun camille?"

" Tama ba ang nangyari kanina na pumunta ako sa burol ni mama?"

" Walang mali sa ginawa mo, at kung may mali man doon sa mga naganap ang dahilan ay ang iyong kapatid na si oxana na ngayon ay si dawak. Tama ang lola rosario mo na nabubulagan ang iyong ama."

" Ayoko munang isipin ang papa ko nera kung nabubulagan ba siya. Sa ngayon ay palaisipan sa akin ang mga sinabi ni lola kay oxana kanina at ang sinabi niyang kaugnayan ng angkan ko sa mga ninuno niya."

" Nasabi ko na dati na may kaugnayan ako sayo camille sa dahilang ako ay naglingkod sa inyong angkan noong unang panahon. Si Rosario naman ay galing sa aking angkan na sumunod na mga henerasyon. Siya ang nagtataglay ng kakayahan namin,nagmana ng lahat ng karunungan at nagtago at nangangalaga ng mga datos na naitala ng aming angkan."

" Masasabi nyo po bang babaylan din si lola rosario."

" Maari camille, pero sa panahon ngayon ay iba na ang tawag sa mga katulad namin. Noong panahon kasi ang mga babaylan ay tinawag na mga mangkukulam ng mga kastila dahil salungat ito sa paniniwala nilang kristiyanismo na pinapalaganap dito sa Pilipinas. Pilit tinatanggal ng mga kastila ang paniniwala ng mga pilipino sa babaylan. Totoong maraming napatay na babaylan noon dahil may kakaibang ginagawa ang mga ito."

" Ano po ang mga iyon?"

" Sila ang mga babaylang sa itim na anito naniniwala. Ang mga ginagawa nilang ritwal ay ang pangungulam tulad ng pang babarang, at yung pag gamit ng kawangis ng taong gusto nilang patayin. Sila ang mga babaylang mangkukulam na sumunod sa yapak ni dawak noong unang panahon matapos itong mamatay. Ang mga alagad naman niya ang nagpatuloy."

" Pero si lola rosario po sinabi nyo na mangkukulam siya."

" Tama camille....katulad ng sabi ko dalawang klase ang mangkukulam, yung gumagawa nito at yung kokontra ng ginawa nila. Yung mga kumokontra ng ginawang masama ng isang mangkukulam ay tinatawag ng albularyo sa panahong ito."

" Kung ganun po mangkukulam na albularyo si lola rosario."

" Tama camille, noong panahon ay babaylang manggagamot ako, pisikal at ispiritwal. Maraming nagkasakit na pisikal man at ispiritwal noon na kagagawan ng masasamang mangkukulam na aking nagamot. Ang mga paraang iyon ay naitala ko at nagpasalin salin sa bawat henerasyon. At ngayon nga ay ang lola rosario mo ang nagtataglay. Ang apo niyang si remus ang nakikita kong magmamana ng lahat na aming nalalaman. Nakikita ko sa katauhan niya ang pagkakaroon ng interes sa mga bagay na meron kami maski na sa murang edad niya ngayon. Lahi sila ng mabubuting mangkukulam."

" May sinabi si lola rosario na kaugnayan ng angkan ko sa ninuno niya, maari ba akong umamin kapag siya ay nagtanong sa akin kapag siya ay may madiskubre?"

" Mangyayari iyon camille, sa ngayon pa nga lang ay tila naaalala niya ang pangalang dawak. Nabasa niya iyon sa mga librong pagmamay ari ng aming angkan na nailimbag ng paulit ulit. Doon ay makikita niya ang pangalan ko. Hindi mo kailangang magsinungaling sa kanya camille dahil nakatakdang magkrus talaga ang inyong landas dahil may kaugnayan ang inyong mga angkan noon pa mang unang panahon."

" Salamat nera, nangangamba lang kasi ako dahil ayokong magsinungaling sa kanila."

" Isa kang mabuting nilalang camille kaya karapat dapat kang maging manlalakbay ng panahon."

" Nasaan na nga po pala si lolo oman, yung manlalakbay ng panahon?"

" Nasa kanilang mundo dito sa lupa siya camille. Kasama ang mga iba pang manlalakbay ng panahon na may mga misyon na hindi pa tapos bago sila makapunta sa mundong nakalaan sa mga angkan ng mga manlalakbay ng panahon."

" Nakakamangha naman po pala ang pinanggalingan kong angkan at maging kayo."

" Pinagpala ng dakilang manlilikha ang ating angkan kaya tayo ay nabigyan ng kakayahang taglay. Ang kasalukuyang manlalakbay ng panahon ay magpapakita sa iyo sa tamang panahon camille. Uulitin ko, may pagsubok ka pang pagdadaanan na siyang nakatakdang mangyari kaya dapat maging malakas ka at matatag. Sa mga mangyayari sa iyo ay maaring mamayani ang pagsubok na hindi kaaya aya ngunit alam kong makakayanan at malalagpasan mo ito."

" Natatakot ako nera sa mga maaring mangyari na hindi maganda."

" Magpakatatag ka camille kakayanin mo ang lahat. Si prinsesa ma-aram ay nasa katauhan mo hindi niya hahayaang mapahamak ka."

" Bakit hindi ko po nakikita si prinsesa ma-aram?"

" May takdang panahon camille at iyon ay sa tulong ng manlalakbay ng panahon. Sa ngayon ay dapat kang maging matatag huwag kang panghinaan ng loob."

" Sana nga nera, sana nga...."

Umayos ulit ng higa si camille para bumalik sa pagtulog, lumipas ang ilang sandali ay tila dinadala na siya ng kanyang diwa sa isang lugar, hanggang sa may naramdaman siyang tila may dahan dahang umupo sa kama kung saan ay nakatagilid siyang nakahiga. Pakiramdam niya ay pamilyar sa kanya ang umupo at tila gusto niya itong lingunin pero hindi siya makagalaw. Hanggang sa naramdaman niya ang tila mabining haplos sa kanyang mga mga braso, balikat at buhok. Paulit ulit ang mabining paghaplos nito sa kanyang buhok na lalong nagbigay ng lungkot at kasiyahan sa kanyang pakiramdam.

" MAMAAAAA!"

Napabangon si camille sa pagkahiga at muling napaiyak sa tila totoong pangyayari na sa kanya ay panaginip lang. Nang kumalma ay dahan dahan siyang bumaba ng kama para lumabas ng kuwarto para kumuha ng tubig dahil nauhaw siya. Pagtingin niya sa orasan ay mag aalas onse pa lang ng gabi. Bumaba siya ng hagdan at nagtungo sa kusina para uminom. Habang naglalakad siya ay narinig niya sa library ni lola rosario na tila may naguusap.

" Lola itong librong ito yata ang hinahanap natin. May nakalagay na " Babaylan" sa cover pero lumang luma na at kakaiba po ang lenguwahe ang pagkakasulat."

" Sinaunang baybayin yan apo. Pero nailimbag na yan sa tagalog noon pa man. Maghanap ka pa at siguradong makikita natin ang isa pang katulad niyan na tagalog. Akin na muna iyan at marunong akong umintindi niyan."

" Sige po lola, exciting ito hehehe."

Tumingin ang matanda sa pinto at kapagkuwan ay napangiti at nagsalita.

" Camille iha, maari kang pumasok dito sa loob tuloy ka."

" Pasensya na po lola, narinig ko po kasi may nagsasalita akala ko po kung sino kaya lumapit po ako."

" Its ok lang iha....mabuti na nga na andito ka para kung may katanungan ako sayo."

Pumasok si camille sa loob at umupo sa sofa na inuupuan ni remus na abala sa pagtingin sa mga libro. Si lola rosario naman ay sinimulang basahin ang librong may sinaunang baybayin. Alam niya itong basahin sa dahilang pinag aralan niya ito. Sinimulang buklatin ulit ito ng matanda na tila may hinahanap sa naturang aklat. Hanggang sa nanlaki ang mata nito sa isang pahina na may simbolo na tila iginuhit lamang. Napatingin ito kay camille na nakikipagusap kay remus. Muli nitong ibinalik ang atensyon sa binabasa na tila kabisado na niya at inaalala na lamang ang nasa aklat.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon