Kabanata Apatnaput Dalawa

1.1K 37 2
                                    

Nagsimulang kumilos ang lahat ng mga mandirigma. Ikinulong nilang pansamantala si Dawak kasama ang ilang tagasunod niyang babae na mga apat. Lahat ng mga ito ay nakatali katulad ni dawak. Ang mga mandirigma naman niya ay nakakulong sa hiwalay na hawla. Makikitang ang ibang mga tao ay lumalapit sa kanila at binabato sila.

------------------------------------------------------

" Mahal na prinsesa, batid ko po na labis pa ang inyong pagdadalamhati. Pero may kaugalian po tayong sinusunod na mula pa sa ating mga ninuno. Ang mga patay po ay dapat mailibing sa loob ng araw mismo ng kamatayan nila."

" Alam ko nera. Hindi lang ako makapaniwala pang lubusan sa napakabilis na pangyayari sa aking mga mahal sa buhay. Sa isang iglap ay nawala sila at naiwan akong magisa. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang responsibilidad na iniwan ni ama."

" Katulad ng iyong ama ay isa kang magaling at matapang na tao at babae prinsesa ma-aram. Taglay mo ang katangian ng isang pinuno."

" Sana nga nera, sana nga magampanan ko ito ng maayos. Katulad ngayong may isa pang iniatang na tungkulin sa akin ang Diyos ng Manlalakbay ng Panahon noong nakaraang araw ng magpunta kami ng aking kapatid na si Tala sa gubat."

" Alam ko po ang lahat ng kaganapan, nakasunod po ako sa inyo noon at narinig at nakita ko po lahat. Maging si prinsesa dawak ay aking nakita sa lugar na iyon. Batid ko na alam niya ang kaganapan kaya marahil ganun na lang ang galit niya sa inyo."

" Magiging isa daw akong manlalakbay ng panahon kapag ako ay pumanaw na sa mundong ito. Ako ang kauna-unahan sa aming angkan. Ngunit sinabi niya na magkakaroon daw ako ng kaugnayan sa pagdating ng ikasaandaang manlalakbay ng panahon sa hinaharap. Naguguluhan pa ako nera, bago sa akin ang mga ganitong bagay."

" Naiintindihan ko po kayo mahal na prinsesa. Pero alam ko po na ang lahat ng ito ay marahil pagsubok sa inyo ng dakilang manlilikha."

" Sana gabayan ako ng ating dakilang manlilikha sa mga pagdaraanan ko na pagsubok."

" Si prinsesa dawak po ay tuluyan ng nasa ilalim ng kapangyarihan ng anitong itim. Lubha na po talagang mapanganib ang mga gaya niya. Tila po hindi na siya isang normal na tao. Masamang ispirito ang lumulukob sa kanya na lumalason sa kanyang isipan at buong pagkatao. May kakayahan po ako na magpaalis ng mga masasamang ispirito sa katawan ng tao. Pero kay prinsesa dawak ay parang lubhang napakahirap gawin."

" Mga bata pa tayo nera ay ganyan na si dawak. Kaya alam ko na bata pa ay nasa katauhan na niya ang pagiging kakaiba niyang mga ginagawa."

" Napakalungkot po na nagawa niya ito sa inyong pamilya. Hindi na ito gawain ng isang mabuting tao."

Tumayo si ma-aram at naglakad patungo sa bintana ng kanyang silid. Kitang kita niya si dawak na tila nagliliyab ang mata na nakatingin sa kanya sa loob ng hawla. Nakaramdam siya ng awa sa kapatid pero ang taong bayan na ang nagpasya sa parusa nito.

Tumalikod siyang muli at hinarap si nera.

" Nakahanda na ba ang paglilibingan ni ama,ina at tala nera?"

" Nakahanda na po mahal na prinsesa. May pinapunta na po akong mga mandirigma sa yungib ng mga ispiritong maglalakbay sa kabilang mundo. Inihahanda na po nila ang paglalagakan ng katawan ng iyong mga mahal sa buhay. Ginagawa na rin po ang ataul na paglalagyan sa kanila at ang mga bagay na babaunin nila sa paglalakbay sa kabilang mundo."

" Maraming salamat nera.....kumusta naman pala ma-dunong, ang mga tinamo niyang sugat?"

" Maayos na po ang kanyang kalagayan. Inaasikaso po siya kasama ang mga mandirigmang nasugatan ng ating mga babaylang manggagamot. Sa kasalukuyan po ay nagpapahinga na siya."

Samantala si camille at remus naman ay nakakuha ng pagkakataon na makaupo at makapagpahinga sa isang kubol malapit sa dagat. Tanaw nila ang ilang mandirigma at mamamayan na tulong-tulong sa paghahanda ng lugar malapit sa dalampasigan kung saan isasagawa ang gagawing pagpapataw ng kaparusahan sa grupo ni dawak. Tulong-tulong sila sa pagbubuhat ng mga pinutol na malalaking puno ng niyog na may sukat na pitong piye at ibinaong patayo sa lupa. Kung bibilangin ay mahigit sampu ito. Habang ang ilang kalalakihan naman ay nangunguha ng mga tuyong dahon, mga sanga at mga kahoy na inilalagay sa paanan ng mga nakatayong puno ng niyog. Nagliliwanag ang paligid dahil sa mga sulo.

" Ito na ang nakatala sa datos ni nera ang kamatayan ni dawak. Nakakaawa kung tutuusin camille ang kinahantungan niya. Sa panahon natin ay death penalty na maituturing ito. Hindi makatao pero ang ginawa nila ay lubhang hindi rin makatao."

" Tama rem, nakaraang panahon man ito pero may batas ng sinusunod ang mga tao dito. Katulad ng paniniwala at mga tradisyon, ito ay kanilang sinusunod lalo na kung batas ng kanilang pinuno."

" Hindi ka pa ba pagod, mahiga ka muna, dito ka umunan sa hita ko."

Dahil sa pagod ay napilitang sumunod si camille kay remus na ikinatuwa at ikinangiti ng binata.

" Kaninang bago lang magtanghalian tayo dito rem pero ang dami ng nangyari. Ganito pala kabilis ang mga naganap noon."

" Yung ginawa nating pagliligtas sa mga bata, yun kaya talaga ang nangyari noon?"

Saglit na napatigil si camille at napaupo. Agad niyang inisip na lumitaw ang lampara at iniharap sa kanya ang isang side nito. At muling pumikit para ipakita sa kanya ang naganap noon. Umilaw ito at agad nilang nakita ang nakaraang pangyayari kung paano nakaligtas ang mga bata. Makikitang sina ma-dunong ang nakapagligtas sa mga bata sa yungib at makikitang sa kanilang paglalakbay pabalik ay nakasalubong nila ang grupo ni dawak at nagsimula ang labanan kung saan natalo si dawak ng dumating na si ma-aram.

" Halos kapareho lang pala ng nangyari ngayon ang nangyari noon."

Agad pinaglaho ni camille ang lampara at muling umunan sa hita ni remus.

" Sa ngayon hihintayin na lang natin ang magaganap mamaya. Madaling araw na sa palagay ko at sabi ni prinsesa maaram sa pagsikat ng araw isasagawa ang parusa."

" Ngayon lang ako makakakita ng ganito, akala ko sa mga movies lang pero nangyari din pala ito sa kasaysayan natin. Sa mga movies kasi di ba kalimitan mga bad witches na nahuhuli ay sinusunog. Marahil may katotohanan nga ang mga iyon sa masasaksihan natin ngayon. Teka paano pala natin isasabit sa leeg ni dawak ang kuwintas na orasa?!"

" Madali na lang iyon. Bago maisagawa ni dawak ang kanyang sumpa ay paglalahuin ko ang sarili ko para isabit sa kanya ang orasa."

" Ayos! Ang dali lang pala. Sana magtagumpay tayo. Pero paano pag gumawa ng paraan ang anitong sinasamba ni dawak?"

" Nagtagumpay siya noon pero hindi sa pagkakataong ito.kung ang hinaharap naman ni dawak ang iisipin mo, wala ring problemang mangyayari. Namatay na siya noon kaya wala siyang naging buhay sa hinaharap. Mababago lang ang paraan kung paano at saan mapupunta ang kanyang ispirito."

Hanggang sa napapikit si camille at tuluyan na itong nakaidlip. Si remus naman ay tuluyan na ring tinalo ng antok at nakatulog sa pagkakasandig sa dingding. Hanggang sa bigla silang nagising sa tunog ng tambuli.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
--------------------------

THE GLASSHOUR 2Where stories live. Discover now