Kabanata Labing Siyam

1.2K 50 0
                                    

Sa paglabas ni camille ng bahay ay tila may isang bahagi ng puso ni rowen ang nasaling. Hinatid niya ito ng tanaw kasama ang mga ninong at ninang habang inaalo ng matandang hindi niya kakilala pero naging malaking palaisipan sa kanya ang binitiwan nitong salita.

Sa labas ng bakuran ay agad na nilapitan ni remus ang lola niya at si camille. Ipinakilala naman ni camille sa mga ninong at ninang ang binata. Nagusap ng ilang saglit at nagpasyang lumisan na sa lugar na iyon sina camille. Sobrang bigat ng pakiramdam niya at di na naman niya napigilang umiyak. Maging ang kanyang mga ninong at ninang at naiyak na rin sa nakikitang pagtangis ng dalaga.

Hindi nila alam ay nasa veranda sa taas ng bahay si owen at natatanaw ang nangyayari sa labas ng bakuran. Kitang kita niya kung paano ipinapakita ng kanyang mga kaibigan sa anak ang pagmamahal nila samantalang siya ay walang ginagawa para dito.

Rowens POV

Tama bang ginawa ko sa anak ko? Bakit parang may mali sa lahat ng nangyayari ngayon. Naging padadalos ba ako sa paghusga sa kanya at hindi man lang ito pinagbigyang kausapin at magpaliwanag. Masakit ang nangyari ito sakin
Nawala ang asawa ko sa isang iglap at sa kaarawan pa ng kambal. Ano bang parusa ito ng diyos sa akin, pagsubok ba ito ulit sa angkan namin at sa pamilya ko?. Walang alam ang asawa ko at ang mga anak ko sa lihim ng aming angkan, ngunit akoy naguguluhan sa mga nangyayari. Panginoon ano po bang pagsubok ito,wala po akong makuhang sagot sa mga nangyayaring ito. Lolo Roman nasaan ka na ba? Ano bang nangyayaring ito at tila nagkakagulo ang aking pamilya. Sa nangyari kanina ay nakakabagabag ang naging reaksyon ni oxana sa matanda. Tila may matindi siyang galit dito. Maging ang anak kong si camille ay tila nag iba nang bigla niyang labanan ang kakambal niya na hindi naman niya ginagawa.

Bakit kaya tila wala akong kakampi sa nangyaring ito, may mali ba sa akin. Sa nakita kong reaksyon ni oxana sa pagkamatay ng mama niya ay may tila kakaiba sa kanya. Wala akong makitang sensiridad sa kanyang pagdadalamhati. Tila may ngiti sa gilid ng kanyang mga mata ang pangyayari. Siya ba talaga ang itinakda o nagkamali ako sa pagakalang siya. Diyos ng mga manlalakbay ng panahon sana naman po ay mabigyang linaw ang lahat ng ito.

Dahil sa mga bumabagabag kay rowen at sa estado pa ng pagdadalamhati ay tila mababaliw na rin siya sa pagiisip. Kaya nagpasya siyang lumabas ng kuwarto para harapin ang mga tao sa burol. Nang nasa tapat na siya ng kuwarto ng anak na si oxana ay naulunigan niya itong tila may kinakausap. Lumapit siya sa pinto at pinakinggan ito.

" KARATAN MAGPAKITA KA SA AKIN! MAY KATANUNGAN AKO NA DAPAT MONG SAGUTIN! MAGPAPAKITA KA SA AKIN!!!"

Isang iglap ay biglang lumitaw ang tila aninong itim sa paningin ni Oxana.

" HANGGANG NGAYON WALA KA PA RING PAG GALANG SA LUMIKHA MULI SAYO DAWAK! MASYADO KANG TIWALA SA SARILI MO NA KAYA MO ANG LAHAT!"

" ANG DAMI MONG SINASABI KARATAN! WALA AKONG PANAHON SA GANYAN! GUSTO KO LANG LINAWIN SAYO ANG LAHAT KUNG KILALA MO ANG BABAENG MATANDA NA GUSTONG KUMALABAN SA AKIN AT TILA KAKAMPI ITO NI MA-ARAM!"

" HINDI KO OBLIGASYON NA IPAALAM SAYO KUNG SINO SIYA DAWAK AT KUNG ANO ANG KAUGNAYAN NIYA KAY MA- ARAM."

" BAKIT HINDI?!!"

" SA DAHILANG ANG MULI KANG IBALIK SA MUNDONG ITO SA PAGDATING NG IKA SANDAANG MANLALAKBAY NG PANAHON LANG ANG HILING MO SA AKIN! WALA AKONG MAARING IBIGAY NA IBA PANG KAHILINGAN MO SA AKIN DAHIL ANG LAHAT NG KAHILINGAN AY MAY KAPALIT!"

Sa labas ng pinto ay sumilip si Rowen sa loob ng kuwarto ng anak. Nagulat siya ng makitang nakaupo lang ito sa kama at walang kinakausap pero ito ay nagsasalita. Agad niyang isinara ng dahan dahan ang pinto at agad na naglakad para bumaba ng hagdan.

Lingid sa kaalaman ni rowen ay naramdaman siya ni oxana.

" ANG PANGAHAS KONG AMA SA PANAHONG ITO! HAHAHAH KAWAWANG NILALANG MADALING LINLANGIN!"

" ISA SIYANG ANGKAN NG MGA MANLALAKBAY NG PANAHON DAWAK NGUNIT HINDI SIYA ITINAKDA SA KANILANG ANGKAN! MAY PANAHONG MAKAKAHARAP NIYA ANG DATING ITINAKDA KAYA MAG INGAT KA!"

" ANO PA BANG DAPAT KUNG GAWIN PARA TULUYAN NG MAGLAHO ANG MGA ANGKAN NI MA-ARAM?!"

" MASYADO KANG NAGMAMADALI DAWAK! KAY MA-ARAM NGA TILA NAHIHIRAPAN KA UBUSIN PA SILA HAHAAHAHA!"

" ANONG KLASE KANG PANGINOON KUNG WALA KANG TIWALA SA NILIKHA MO?! ITIM NA ANITO KA TAPOS WALA KANG KAKAYAHAN IBIGAY SA AKIN ANG LAHAT NG AKING KAHILINGAN?!"

" ITIM NA ANITO LANG AKO DAWAK HINDI AKO DIYOS NG KADILIMAN NA SIYANG AKING PANGINOON! SA KANYA KO HINILING NA KUNIN ANG KALULUWA MO NG MAMATAY KA PARA TUPARIN ANG KAHILINGAN MO SA AKIN NGAYON!"

" WALA AKONG PANAHON PARA SA MGA SINASABI MO ANG GUSTO KO LANG MALAMAN AY KUNG PAANO KO MAPAPATAY SI MA- ARAM AT NGAYON PANG TILA MAY KAKAMPI SIYA!"

" MAARI KONG PAGBIGYAN ANG ISA MO PANG KAHILINGAN DAWAK PERO SA ISANG KONDISYON!"

" SABIHIN MO NGAYON NA!"

" PATAYIN MO ANG AMA MO AT ANG LAHAT SA PAMILYA NIYA!"

" IYON LANG BA? HAHAHAHA MASUSUNOD KARATAN! NGUNIT UNTI UNTI DAHIL AKOY MAARING MASUKOL SA AKING MGA MAAARING GAWIN! MAARING ISA ISA PAGKATAPOS MAILIBING NG BABAENG PINATAY KO PA LANG!"

" HAHAHA WALA KA NANG KASING SAMA DAWAK! SA AKING PANGINOON KA NA TALAGA MAPUPUNTA HAHAHA! NGUNIT SA NGAYON HINDI KO MUNA IBIBIGAY ANG MAARING IBIGAY KO SAYONG KAKAYAHAN! KAPAG NAGAWA MO NA ANG MGA PINAPAGAWA KO AY SAKA MO LANG MAKUKUHA ITO!"

" MASUSUNOD KARATAN! KAILANGAN KO PANG GALINGAN ANG AKING PAGKUKUNWARI LALO NA SA MGA TAO! SA NGAYON AY ALAM KONG MAY PAGDUDUDA ANG MALALAPIT SA PAMILYANG ITO KAYA PATI SILA AY MADADAMAY DITO! ISA PANG KAILANGAN KONG AALAMIN AY KUNG SINO ANG MATANDANG IYON! MAY TILA MAKAPANGYARIHANG PUWERSA ANG LUMULUKOB SA KANYANG PAGKATAO KATULAD NI MA-ARAM! ALAM KONG KAKAIBA SIYA PERO HINDI KO ITO MABASA!"

" SA DAHILANG MAHINA KA TALAGA OXANA HAHAHA!"

" HINDI AKO MAHINA KARATAN PATUTUNAYAN KO YAN SAYO PAG NAKUHA KO NA ANG ISA KO PANG HILING SAYO!"

" PATUNAYAN MO! ISA LANG MASASABI KO, ANG ANGKAN NG MATANDANG IYON AY KABILANG DIN SA NAGLINGKOD SA INYONG ANGKAN NOONG UNANG PANAHON!"

" ISA DIN SIYANG BABAYLAN?!"

" OO NGUNIT KAKAIBANG KLASENG BABAYLAN! MAY KAKAIBANG KAKAYAHAN DIN SILA NA TILA SA MGA MANGKUKULAM NGUNIT NASA PANIG SILA NG KABUTIHAN. SILA ANG KUMUKONTRA SA MGA GAWAING DI MABUTI NG MGA MANGKUKULAM NA MASASAMA! ANG DAKILANG MANLILIKHA DIN ANG NAGBIGAY SA KANILANG UNANG NINUNO NG KAKAYAHANG IYON. KASABAY NG PAGBIBIGAY NIYON AY ANG PAGKAKALOOB DIN NIYA NG KAKAYAHAN NG IKASANDAANG MANLALAKBAY NG PANAHON ANG KATULAD NG KAY MA-ARAM AT KAY NERA!ANG TAWAG SA MGA TULAD NILA NGAYONG PANAHON AY MGA ALBULARYO. ANG MGA TULAD NG MATANDANG IYON MAS HIGIT ANG KAKAYAHAN SA MGA ALBULARYO NGAYON."

" SI NERA?! PAANONG HINDI KO NAAMOY NA ANG MATANDANG IYON AY ANGKAN NI NERA?!"

" ISA IYON SA MGA KAKAYAHAN NILA! GUSTO KONG IPAALALA SAYO DAWAK NA ANG MGA KAPATID MO AY MAY KAKAIBANG KAKAYAHAN! NGUNIT HIGIT SI MA- ARAM! IKAW AY ISA LAMANG HAMAK NA MANGKUKULAM NOONG UNANG PANAHON KAYA WALA KANG KAKAYAHANG TULAD SA KANILA!"

" HINDIIIII! AKO DAPAT PINAKAMAKAPAMGYARIHAN SA KANILA AKO LANGGG!!!!!"

" NGUNIT DAHIL SA PAGSAMBA MO SA AKIN IKAW AY AKING PINAGBIGYAN NG IYONG KAHILINGAN! NGUNIT HINDI LAHAT DAHIL BAWAT KAHILINGAN SA AKING PANGINOON AY MAY KAPALIT!"

" ANO PA MAN IYAN KAILANGANG AKO ANG PINAKAMAKAPANGYARIHAN SA LAHAT!"

" HAHAHAHA MASUSUNOD DAWAK HANGGANG SA MULING PAGKIKITA!"

Agad na naglaho ang aninong itim at naiwan ang tila nagiisip na malalim na si oxana. Bakas sa mukha ang tila tuminding pagnananais na patayin ang mga angkan ng manlalakbay ng panahon lalong lalo na si Camille na ang itinakda.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang