Kabanata Tatlumput Apat

1.1K 45 0
                                    

Nagising si remus sa tubig na dumadampi sa mukha niya. Mainit na sikat ng araw ang tumama sa kanyang mukha tumihaya siya sa pagkakadapa.
At tumambad sa kanyang paningin ang magandang tanawin ng dagat at dalampasigan. Nakita niya si camille na nakaupo sa buhangin na nakatingin sa dagat. Agad siyang tumayo at nakita niya ang kanyang cellphone na hawak kanina lang na nasa buhanginan. Agad niyang dinampot ito at lumapit sa dalaga.

" Nandito na ba tayo sa nakaraang panahon?"

Tumango lang ito habang nakamasid lang sa dagat at sa mga islang natatanaw niya.

Umusog pa ng konti si remus sa tabi ni camille at walang sabi sabing hinawakan ang kamay nito na ikinagulat ng dalaga.

" Pasensya na hehehe baka may makakita sa akin kaya humawak ako. Di ba sabi mo hawakan ko lang kamay mo para hindi ako makita ng tao."

Iwinaksi ng dalaga ang kamay ni remus at tumayo.

" Sa palagay mo ba may makakakita sa atin dito?! Wala pang masyadong tao sa lugar na ito kaya normal lang rem, kalma ka lang."

" Pamilyar sa akin ang lugar na ito at yang mga islang iyan?"

" Ito ang pinakasikat na beach resort sa panahon at lugar natin rem. Ito ang lumang itsura niya sa panahong ito. Mas maganda at payapa pala kesa sa bagong panahon."

" Oo nga! Yang mga islang iyan, nag island hopping na kami diyan ng mga pinsan ko! Grabe kukuhanan ko ng larawan ito, selfie tayo dali hahaha!"

" Nakuha mo pang tumawa! Nasa misyon tayo hindi ito bakasyon!"

" Ang kj naman!"

Ngunit habang naglalakad sa buhanginan si camille ay doon lang niya napansin ang kasuotan nito na sinaunang kasuotan ng mga babae. Kinuhanan ito ni rem ng video at larawan. Gandang ganda siya sa itsura nito sa kasuotan.

" Alam ko ang ginagawa mo rem! Hindi mo ba napansin ang iyong kasuotan hahaha!"

Doon lang tinignan ni rem ang kanyang suot, kaya pala pakiramdam niya ay presko sa katawan.

" Waaaaaahhh! Bakit ganito! Bakit bahag!"

" Natural! Iyan ang kasuotan ng lalaki sa panahong ito hahaha! Bagay sayo rem, ang hot mo sa ganyang kasuotan hahaha!"

" Grabe camille! Nagbago ka talaga, ibang iba ka na maging sa pananalita at sa mga titig mo sa akin, may pagnanasa hahaha!"

Ilang dipa lang ang layo ni camille kay rem at nagulat ito ng maglaho ang dalaga. Nagulat siya ng nasa likod na niya ito at may ibinulong sa kanyang tenga na animoy dikit na ang labi.

" Ganun ba rem, hot kana sa lagay na iyan?! Puwes pagiinitin pa kita!"

Lumayo ng ilang dipa si camille at ibinuka ang palad. Nabuo doon ang maliit na bolang apoy na umiikot ikot pa. Nakangising tumingin si camille sa kanya. Kinabahan ito at umatras..

" Huh!? Camille, huwag mong sabihing....? Huwag kang magbibiro ng ganyan, apoy iyan baka masunog ako!"

" Di ba hot ka kamo?! Puwes itong sayo hahaha!"

Agad itinapon ni camille ang bolang apoy at tumama ito sa laylayan ng bahag na suot ni remus na napatalon pa na hawak ang kanyang pagkalalaki na tumakbo sa dagat. Halos mamatay naman sa katatawa ang dalaga sa reaksyon ng binata na nagsisisigaw sa pagkabigla.

Nakasimangot na umahon si rem at mabilis na lumapit kay camille na ikinabigla ng dalaga ng hawakan siya sa magkabilang balikat at hinalikang mabilis sa labi at tumakbong humahalakhak.

" Yan ang ganti ko sayo hahaha!"

Ngunit hindi pa man nakalayo ng takbo si rem ay nasa harap na niya ulit ang tungkod ni camille na nakasentro sa kanyang noo. Hindi ito nakagalaw sa pagkabigla at lumuhod sa harap ng tungkod.

" Soorryyyyy na po! Pakisabi sa boss nyo sorry na plssss!"

" Tumayo ka diyan rem! Para kang tanga! Walang itinakdang ganyan. Magseryoso ka nga!"

" Nandito na tayo sa panahon ni ma-aram at dawak at sa lalong madaling panahon ay kailangang maisagawa na natin ang lahat."

" Ngunit paano? Saan natin hahanapin sila?"

" Sumunod ka sa akin, kailangan nating maglakad lakad sa lugar na ito. Alam ko na dito lang ang pamayanan, banwa o baranggay kung anuman tawag nila noon."

" Hindi tayo, mag iinvisible para makarating agad doon?"

" Hindi na! Ang dami mong reklamo nandito na nga tayo at ang kailangan nating gawin ay hanapin ang lugar nila."

Naglakad ang dalawa sa dalampasigan halos dalawang oras na silang naglalakad ngunit wala silang makita man lang na bakas ng isang baranggay."

" Pahinga muna tayo camille, nakakapagod uhaw na uhaw na ako wala man lang tubig na maiinom."

" Ayan o, puwede na iyan."

" Buko? Oo nga! Pero hindi ako marunong umakyat diyan."

" Eh sinong aakyat ako?! Kalalaki mong tao ang hina mo naman."

" Eh kasi nga isa pa, nakakaasiwa ang suot ko bahag. Gamitin mo na lang ang kakayahan mo sige na."

" Ayoko nga! Gagamitin ko lang kapag kinakailangan."

" Grabe pati pala kapangyarihan tinitipid na rin hahaha!"

" Eh kung ikaw kaya ang gumamit ng kakayahan mo, sige nga ipakita mo sakin ngayon."

Lumayo si remus sa puno ng niyog at pumuwesto sa harap nito na nakataas ang kamay na tila minamagic ang bunga ng niyog.

" Abrakadabra niyog mahulog ka!"

Ilang ulit ginawa ni remus pero wala pa rin kaya ngiting ngiti sa kanya ang dalaga. Sumunod na ginawa niya ay tila nag ko concentrate na nakapikit. Ngunit wala pa rin na ikinatawa na ni camille.

" Wala eh. Mahina ka pala rem hahaha."

" Hindi ako mahina kaya ko yan!"

Agad nilapitan ni remus ang puno ng niyog at inakyat ito. Hirap na hirap siya kaya ng nasa kalahati na ito ay nadulas at nalaglag na siya sa buhangin na agad dinaluhan ni camille.

" Arayyyyy arayyyy tulungan mo ako ansakit hilutin mo camille ang likod ko arayyy ahhhh!"

" Hindi ako uto uto nababasa ko ang sa utak mo rem! Umayos ka!"

Lumitaw ang sibat ni camille at itinuon ito sa isang buwig ng bunga ng niyog at sinibat ito. Agad nalaglag ang ilang bunga at dinampot ito ng dalaga. Lumitaw naman ang kanyang itak at isang taga lang ay natapyas ang ibabaw na bahagi ng bunga ng niyog para mainom ang tubig sa loob nito. Ibinigay ito sa nakangiting si remus na nakaupo sa buhangin.

" Salamat, ang thoughtful pala ng magiging misis ko hehehe."

" Gusto mo tapyasin ko yang nguso mo, dami mong alam!"

" Ito naman di na mabiro. Puwedeng pahiram ng itak gagawa ako pangkayod ng buko sa loob para makain natin."

" Ako na kaya ko yan."

Gumawa ng dalawang pangkayod si camille at nagbukas pa siya ng maraming buko. Naka tig tatlo sila ni ram at nagpasya muling maglakbay sa dalampalasigan. Hanggang sa may nakita silang tila mga bangka o balangay sa gitna ng dagat kaya agad silang lumayo sa dalamapasigan.

" Sa palagay ko rem, malapit na tayo sa lugar na pakay natin."
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Where stories live. Discover now