Kabanata Dalawamput Pito

1.3K 51 0
                                    

Agad na bumaba ng bahay si Owen at pinaandar ang sasakyan para sunduin si ram.

" Ano bang nangyari sayo at gabing gabi na ay naisipan mong puntahan ang anak mo. Binabalaan kita owen kung may balak kang hindi maganda. Ako ang makakalaban mo!"

" Wala akong gagawing masama. Alam ko na naguguluhan ka at hindi makapaniwala. Pero since na kapamilya ka dapat mo na sigurong malaman ang lihim ng ating angkan na kami ang nagmana."

" Ano bang pinagsasabi mo?!"

Habang naglalakbay, si ram na ang nagmaneho. Si owen naman ay nagkukuwento. Hindi halos makapaniwala si ram sa kanyang mga narinig sa kanyang pinsan. Pero hinayaan niya itong magkuwento.

" Hindi ko akalain na may ganito pala sa pamilya natin. Oo alam ko may mga time traveller talaga at may mga kuwento, pero ito sa pamilya natin. Grabe nakakagulat ito. Kaya pala sobrang lungkot mo noong namatay si lolo roman na noon mo palang nakita. Kaya kami noon takang taka. Lalo na ng isinuot mo sa kanya ang lumang relo pero ang brand ay sa panahong iyon. Sabi naman ni papa relo daw yun ni lolo na itinagong matagal. Tapos isinama mo pa ang gitara."

" Sa maniwala ka o hindi ram, binili ko ang gitarang iyon para kay oman at kuya fernan na kppatid niya. Akala ko noon ikaw si oman at si carmella ay si carmen. Pati mga kaibigan natin halos kahawig ng lahat ng mga kaibigan ko noong panahon bago ang pananakop ng hapon."

" Paano mo mapapatunayan iyan sa akin?"

" Itinago ko ang cellphone at ang mga kuhang larawan ko noong 1941 na napunta ako sa panahon ni lolo. Ipapakita ko yun sa iyo para lubos mong maintindihan at ng maniwala kana. Isa lang sasabihin ko, ni isa ay wala kang pagsasabihan na hindi natin kamaganak. Pero maski kamaganak pa man natin ay dapat siguro magisip ka muna kung dapat nga ba siyang pagtiwalaan ng lihim ng ating angkan."

" Sige makakaasa ka.....malapit na tayo sa bahay ng mga de dios."

" Salamat ram."

Tinawagan ni ram si lola rosario para ipaalam na darating sila ng papa ni camille. Agad naman inutusan ni lola rosario ang isang kasambahay para abangan sa gate sina ram at owen. Ilang saglit lang ay dumating ang mga ito. Agad na pinapasok ang dalawa ng kasambahay. Nakita nila si remus na nasa living rm ng bahay na nanonood ng tv. Agad nitong pinatay ang tv at nagbigay galang sa dalawang panauhin. Napansin ni remus na tila masama ang tingin sa kanya ni owen.

" Ano ka ni mrs de dios?"

Nabasa ni rem ang nasa isip ni owen kaya....

" Apo po. Huwag po kayong mag alala safe po dito si camille. Hindi po ako tulad ng naiisip ninyo."

Nabigla si owen at ram sa tinuran ni rem. Naisip niya na kakaiba nga pala ang pamilyang ito tulad nila.

" Bakit po pala kayo naparito?"

" Gusto ko lang makausap ang anak ko."

Bigla namang nagsalita si lola rosario na pababa ng hagdan.

" Magandang gabi sainyo. Inaasahan ko ito pero hindi ganito kabilis at gabing gabi na."

" Pasensya na po. Alam ko na po kasi ang tungkol sa inyo at gusto ko po na makausap ang anak ko."

" Samaktuwid napagtanto mo na iho kung ano ang iyong nagawa."

" Opo.....at labis po akong nag aalala sa aking mga anak lalo na kay camille."

" Hindi dito ang tamang lugar para sa pag uusapan natin. Doon tayo sa library ko para lubos tayong magkaintindihan at malinawan ang mga bagay bagay na gusto nating magkaroon ng kasagutan."

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon