Kabanata Labing Walo

1.1K 53 1
                                    

Paglabas ni camille ng kotse ay agad na napatingin sa kanya ang ilang tao na papasok sa gate nila. Sa tingin niya ay mga kabaryo nila. Agad itong nagbulungan pagkakita sa dalaga. Napayuko na lang ang dalaga napansin ito ni lola rosario at agad nitong hinawakan sa kamay ang dalaga para sabayan sa pagpasok ng bakuran. Naiwan naman sa kotse si remus na hindi na nagpumilit na sumama sa loob.

May ilang tao na nasa kanilang bakuran na nag uusap usap ang iba naman ay nasa veranda. Tuloy tuloy lang na pumasok si camille at nang makapasok siya sa kabahayan ay nakita agad niya ang kabaong na puti na may mga bulaklak sa ibabaw. Isang malaking kuwadro naman na larawan ng kanyang mama ang nasa gilid nito.

Agad bumuhos ang kanyang luha at patakbong yumakap sa kabaong ng ina. Halos mamatay na rin sa sobrang pagdadalamhati si camille sa pagtangis sa ina. Habang hindi niya naririnig ang bulungan ng mga tao na hindi nakaligtas sa pandinig ni lola rosario.

" Alam mo hindi ako makapaniwala na si Camille ang dahilan ng pagkahulog ni Carmella sa hagdan, balita kasi inaway daw ni camille si oxana sa may hagdan nung umaawat ang mama nila ay naitulak daw ni camille ito kaya nahulog. Sa tingin ko may mali dun, eh kilala ko yan si camille hindi palaaway madami kayang kaibigan iyan."

" Naku mare malay ba natin na may kasamaan din palang ugali itong si camille, hindi lang ipinapakita, plastik kumbaga nasa loob ang kulo."

Bigla naman sumabat si lola rosario sa dalawang babaeng naguusap.

" Mawalang galang na po mga ale, huwag po tayong manghusga ng kapwa lalot hindi natin kilala ng mabuti ang taong pinaguusapan natin at isa pa wala tayong alam sa totoong nangyari."

Nanahimik naman ang dalawang babae. Habang patuloy sa pagiyak si camille ay dumating naman ang kanyang mga ninang na si vera at panyang kasama ang mga asawang si ram at renan. Agad itong tumakbo palapit kay camille na umiiyak. Niyakap ng dalawa si camille.

" Camille saan ka ba nagpunta kagabi? Halos hinanap ka na namin sa buong baryo at bayan nakarating na kami."

" Sorry po ninang, ninong, pinag alala ko kayo. Minabuti ko po na lumayo muna kasi galit po si papa sa akin. Pinalayas na po niya ako dito."

" Ano! Tarantadong Rowen na yan! Hindi ba niya alam na napaka delikado ng ginawa niya sayo! Ikunuwento na samin ni manang ang lahat at hindi kami naniniwala sa nangyaring pagkakahulog ng mama mo!"

" Ninong Ram, wala po talaga akong kasalanan sa nangyari kay mama. Si Oxana po ang may kasalanan ng lahat. Siya po ang nang away sakin. Gusto niya po akong ihulog sa hagdan dahil sa galit. Nakita po ni mama kaya umawat po siya. Ng umaawat na po ito ay itinulak po niya si mama para mahulog sa hagdan. Ninang, ninong huwag nyo pong sabihin kay papa kasi di po maniniwala iyon lalong magagalit iyon sa akin. Sinaktan po niya ako at ni oxana kagabi bago ako pinalayas dito."

Sa narinig ay agad tinignan ni ram ang braso ni camille at sa mukha, dun lang niya napansin ang mga pasa nito. Dahil dun ay susugod na sana ito sa taas ng bahay para komprontahin si owen pero pinigilan ni renan.

" Huwag na ram lalo lang magkakagulo."

" Ninong ayoko po sanang pumunta dito pero pinilit po ako ni lola rosario na pumunta sila po ng apo niya kumupkop muna sa akin."

Nilapitan ni camille si lola rosario at ipinakilala sa mga ninong at ninang niya.

" Ninong ram, gusto ko po sanang bantayan nyo si papa dito. Alam ko pong labis ang pagdadalamhati niya sa pagkawala ni mama. Baka po kasi kung ano gawin niya."

" Huwag kang mag alala camille nandito kami ng mga ninang at ninong mo. Pamilya ka na namin, gusto rin kasi namin lubos ma maintindihan ang nangyari kay carmella. Sa sinabi mo ay tila naguguluhan kami lalo sa pagkatao ni oxana. Sa totoo lang camille kakaiba na siya, mas nadagdagan pa ito kagabi na tila wala lang sa kanya ang pagkamatay ng mama mo. Umiiyak siya pero kitang kita na hindi ito totoo. May pagkakataon pang nakita ni vera at panyang na tila tumatawa sa morgue ang kakambal mo. Parang nababaliw ito o may alter ego na hindi namin maintindihan."

THE GLASSHOUR 2Where stories live. Discover now