Kabanata Labing Dalawa

1.3K 52 0
                                    

Someones POV

Umulan pa! Kamalas naman. Nagaalala na sigurado si lola. Kung bakit pa kasi sumama pa ako sa pinsan ko sa birthday party na iyon. Ayun sa kamalasan pa hindi natuloy ang party.

Ano kayang nangyari sa may birthday? Ang narinig ko may nangyari daw sa pamilya. Kambal pala ang celebrant at maganda daw pareho, pero mas maganda daw yung panganay sa kambal. Kawawa naman kung may masamang nangyari sana ok lang sila.

Naknang amputik na ng daan hahaha. Wala na ang porma ko hahaha. Ang hirap naman kasi nitong lugar ni lola nasa gubat. Malayo sa highway at lupa na ang kalsada papunta sa lugar niya. Buti na lang may generator sila at solar power kaya may kuryente. Hightech talaga si lola hahaha.

Ayun natatanaw ko na ang kubol na tambayan ko.

Teka may tao yata sa papag....baka nagpatila ng ulan. Mabuti pa lapitan ko...

Ha! Babae ito ah! Bata pa at tila galing sa isang okasyon.

" Miss!miss! Gising! Uy miss gising baka mapaano ka dito! May mga ahas na gumagala dito! Uy gising!"

Ayaw gumising! Konsensya ko pa pag iniwan ko ito dito. Mabuti pa dalhin ko na sa bahay. Kawawa naman at basang basa na.
------------------------------------------------------
Pinasan na ng lalaki ang babae at naglakad papunta ng kanilang tahanan sa di kalayuan. Agad itong pumasok sa bukas na gate at kumatok.

" Lola,nandito na po ako pakibukas po...lola yuhooooo tao po!"

Unti unti bumukas ang pinto at sumungaw ang ulo ng isang matandang babae na sa tantya ng edad ay mga 60 na.

" Susmaryosep na batang ito, basang basa ka na, bakit ka pa sumugod sa ulan nagpatila ka na lang sana muna Remus!"

Nakita ng matanda ang pasan nitong tao kaya nabigla ito.

" Diyos ko Remus huwag mong sabihing nagtanan ka na ng babae! Nakuuuu bata ka papatayin ka ng mama at papa mo! Ipasok mo na yan dali ihiga mo sa sofa!"

Dali daling pumasok si Remus at dahan dahan patalikod na inilapag ang babae sa sofa. Pagkahiga nito ay saktong natabunan ng mahaba nitong buhok ang kanyang mukha. Lumapit ang lola ni lester at hinawi ang buhok sa mukha. Nabigla itong pareho ng makita ang mukha nito.

" Susmaryosep ang bata pa pala nito, at ang gandang bata napakaamo ng mukha maski natutulog siya."

Si Remus naman ay tila natulala sa nakita. Hindi niya akalain na ganun kaganda ang babaeng tinulungan niya. Hindi niya masyadong makita ang mukha nito kanina sa dahilang madilim sa labas. Tila may kumabog sa puso niya habang pinagmamasdan ang mukha nito.

" Tila galing siya sa isang okasyon kaya ganito ang kanyang damit. Mabuti pa iho buhatin mo ulit siya at iakyat sa isang kuwarto doon. Tatawagin ko muna si manang flora para tulungan ako ayusin ito. Baka magkasakit basang basa siya sa ulan at tila may mga pasa sa mukha at braso kawawa naman."

Hindi halos makagalaw si Remus nang lumapit siya sa babae at sinimulang buhatin ito paakyat sa silid sa taas.

Inilapag niya sa kama ang babae at pinagmasdan ito. Naawa siya sa kalagayan nito. Lalo na ng makita ang tila pasa sa may labi nito at braso.

" Ano kayang nangyari sa kanya?"

Lumapit si Remus at sumampa sa kama na tila iniinspeksyon ang mukha. Nang biglang may pumasok sa silid....

" Susmaryosep Remus! Anong ginagawa mo sa kanya! Labas dun ka sa labas!"

" OA lang lola hahaha. Tinitignan ko lang ang mukha. May pasa kasi."

THE GLASSHOUR 2Where stories live. Discover now