Kabanata Apat

1.5K 64 1
                                    

" Oh my God! Si Father!"

Nagkagulo ang lahat ng makitang nakasabit ang pari sa isang maliit na kandekabra sa harap ng altar. Dilat ang mata at wala ng buhay. Agad na nagtakbuhan palabas ang ibang tao na di nakayanang tignan ang nakakagimbal na tanawin. Hindi naman malaman ng mga tao at mga kasamahan ng pari kung ano ang gagawin dahil medyo may kataasan ang kinasabitan nito.

Tulala at hindi makapagsalita ang lahat sa pamilya ni Rowen na nabigla sa mga pangyayari. Ang di nila napapansin ay ang pagtitig ng sanggol na si Oxana sa pari habang karga ito ng ama.

Dumating ang mga pulis at nag imbestiga sa mga pangyayari. Pagkatapos ay tumulak na ang lahat sa lugar ng handaan ng binyag. Tulala at tila hindi pa rin makapagsalita ang mag asawa. Habang maingay na tila naglalaro ang bunsong si Oxana habang tahimik lamang ang panganay na si Camille.

" Hon naguguluhan at natatakot ako sa mga nangyayaring ito. Binyag ng anak natin pero nakakagimbal at nakakabahala ang mga ito."

" Maging ako man ay nabigla. Hindi ko lubos maisip na ganun kabilis pangyayari na hindi natin namalayan ang salarin. Marahil planado ang lahat kaya ganun kabilis."

Nang makarating sa venue ng handaan ay pansamantalang nakalimutan ng lahat ang nangyari. Maraming bisita ang pamilya at nagkakasayahan ang lahat habang kumukuha ng larawan kasama ang dalawang bata.

" Napakagagandang bata. Siguradong maraming kalalakihan ang magiging sakit mo sa ulo nito owen hahaha."

" Hahaha umayos sila ate at baka hindi na sila mabuhay ng matagal sa mundo."

" Hoy wag ka ngang magsalita ng ganyan! May nangyari pa lang kanina at sa binyag pa ng anak mo!"

Bigla namang tumigil si Owen.

" Anak, wala ka bang napapansin sa kambal?"

" Wala naman ma."

Hindi na lang sinabi ni owen ang mga bagay na napansin niya mula pa ng isilang ang mga ito.

------------------------------------------------------
Nagdaan pa ang mga araw, buwan at taon. Tila nawala na rin sa isip ng mag asawa ang mga kakatwang pangyayari sa nagdaang taon sa buhay ng kambal. Normal at maayos naman na lumalaki na ang mga ito. Magkamukhang magkamukha ang dalawa ngunit magkaiba ang kanilang mga paguugali at gusto.

Pareho silang maganda ngunit kakaibang ganda meron si Oxana ang bunso. Matapang at tila may itinatagong maraming lihim sa pagkatao. Ang kanyang ngiti ay tila may mga ibig sabihin. Ayaw makihalubilo sa maraming tao at hindi palakaibigan. Si camille naman ay kabaliktaran ng lahat kay Oxana. Marami itong kaibigan dahila sa maamo nitong mukha at mapagkumbaba sa kapwa. Ang kanyang aura kapag nakita mong malungkot ay tila nagdadala din ng kalungkutan sa iyong buhay. Kung masaya naman ay tila kasiyahan ang hatid sa iyo ng kanyang mga ngiti.

Sa edad nilang kinse ay ni isa ay walang nagtangkang manligaw o lumapit na lalaki kay oxana. Ngunit kay Camille dahil palakaibigan ay maraming nagtangkang ligawan siya. Ngunit tinanggihan nito dahil sa ayaw pa nitong magpaligaw dahil bata pa daw siya.

Pareho silang nangunguna sa klase ngunit higit si Camille at pangalawa lamang sa kanya si Oxana. Lingid kay camille ay matindi na ang galit sa kanya ng kakambal.

Kaya ginagawa nito ang lahat para makuha ang atensyon ng mga magulang at mga kaibigan nito.

Si Oxana ay lumaking paborito ng ama. Samantalang si Camille ay sa ina, na lumaking malapit sa diyos at palasimba. Samantalang si Oxana ay nagwawala lagi kapag gustong isama sa simbahan mula pa noon na pinapabayaan na lang ng ama nito na si rowen.

Ayaw din ni Oxana na may kasama siya sa kuwarto at tanging ang alaga niyang pusang itim ang kasama niya sa kanyang kuwarto.

Kung gaano kalapit si camille sa ispiritwal na bagay ay malapit din sya natural na bagay sa paligid. Tila magaan ang kanyang kaloobam sa mga punot halaman at sa mga hayop. May mga alaga din siyang kalapating puti sa likod ng kanilang bahay.

Minsan nakita ni Oxana kung gaano kaalaga ni camille ang kanyang mga kalapati dahil kinakausap niya ito. Kaya tinatawanan niya ito at sinasabihang baliw.

Hindi naman ito pinapansin ni Camille dahil ayaw niyang makipagtalo sa kapatid dahil ito ang bunso sa kanilang dalawa.

" Baliw ka na yata camille, nakakahiya maging ibon kinakausap mo, sa tingin mo ba sasagot sa iyo iyan."

" Alam kong hindi nila ako kayang sagutin Oxana. Pero alam kong ramdam nila ang pagmamahal ko sa kanila."

" Pagmamahal? Hahaha hayop lang yan Camille walang nararamdamang pagmamahal!"

" Nagkakamali ka oxana, lahat ng may buhay sa mundo ay galing sa pagmamahal ng diyos. Nilalang niya ito dahil mahalaga ito sa kanya. Kung sa tingin mo walang pagmamahal sa mga tulad nila....ano na lang ang pagmamahal na ibinibigay sa atin ng mga magulang natin. Tao tayo at nilalang tayo ng diyos.

" Bravo! Clap! Clap! Clap! Ang santa ng pamilya! Akala mo kung sino kang santa! Plastic ka Camille huwag kang magbait baitan! Kung inaakala mo na madadala mo ako sa pagkukunwari mo! Nagkakamali ka! Huwad ka camille! Huwad ang iyong pagkatao!"

" Huwag mo akong itulad sa iyo Oxana. Ikaw ang huwad sa ating dalawa. Kung inaakala mo na hindi ko alam ang ginagawa mong panlilinlang sa mga kaibigan ko tungkol sa akin, nagkakamali ka. Mas higit nila akong kilala kesa sa iyo Oxana. Ang pagsisinungaling mo sa ating mga magulang akala mo ba hindi ko alam iyan? Matagal ko nang alam yan. Kilala na kita oxana bata pa lang tayo iba ka na, ngunit hindi ko na lang pinapansin dahil sa kapatid kita, kakambal."

" Ang dami mong alam camille at ang talas ng dila mo! Baka gusto mo putulin ko yang dila mo!"

" Gawin mo Oxana. Hindi ako natatakot sa iyo."

Sa palitan ng salita ng kambal ay makikita kung gaano ka kalmado ni Camille. Samantalang halos sumabog na sa galit si Oxana.

" Ang dami mong satsat! Tabi nga diyan!"

Agad itong pumasok sa malaking kulungan ng mga kalapati. Agad nitong hinuli ang dalawa at akmang sasakalin na ito ni oxana ay....

" HUWAGGG!!!!"

Sa isang iglap ay nasa loob na ng kulungan ng kalapati si Camille at agad nasa kamay na niya agad ang dalawang kalapati na ikinabigla ni Oxana.

" Walanghiya ka! Bakit ka nakikialam dito!"

Nagalit na at mataas na ang tono ni Camille.

" Paanong hindi ako magagalit eh gusto mong patayin ang mga alaga ko!"

" Ano naman sa iyo kung patayin ko ang mga hayop na iyan! Masyado kang maarte!"

At akmang susugurin na nito si Camille na agad nakaiwas na siya naman niyan ikinatumba at ikinasubsub sa lupa. Na kitang kita ng ama ang pagkatumba ng anak.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Where stories live. Discover now