Kabanata Apatnaput Anim

1K 48 7
                                    

Pagpasok ni camille sa icu ay nakita niyang sinusuri ng doktor ang kapatid. Agad na lumapit ang kanyang lolo at lola dito at hinawakan ang kamay ng kapatid. Nakita niya itong gumalaw at niyakap ng kanyang lola at lolo ito. Gusto man niyang lapitan ang kanyang kapatid ay pinipigilan niya. Iniisip niya na baka pag nakita siya nito ay biglang mag iba ulit ito maski na alam niyang napagtagumpayan na niya ang kanyang misyon para sa kabutihan nito at kaligtasan ng kanyang buong pamilya. Nanatili lang siyang niyayakap ng kanyang Ninang Vera sa isang sulok. Hanggang sa nakita niya na tila dumilat ang mata ng kanyang kapatid na tila hirap ha hirap. Bakas dito ang sakit at tila pagod na nararamdamang kalagayan. Masuyo itong hinahaplos ng kanyang lola sa buhok. Hanggang sa tila gusto nitong magsalita na napuna ng doktor. Agad nagdesisyon ang doktor na tanggalin muna pansamantala ang nasa bibig nito para makapagsalita ito na paputol- putol.

" Lo...laaa....si ate....pooo?"

Agad itong nilapitan ni camille pagkarinig na hinahanap siya ng kapatid.

Hinawakan niya ang kamay nito na agad pinisil ng marahan ng kapatid saka tumulo ang luha sa mata nito.

" Ate.......so....rryyyy....sa lahat na nang.....yayayari. Alam ko lahat ng na....gagaganap ngunit wala akong lakas na laba....nan ito" ( saglit na tumigil si oxana sa pagsasalita na tila kinakapos ng hininga.) " Kinokontrol po ng isang ispirito ang katawan ko....ate."

" Shhhhh! Huwag ka nang masyadong magsalita makakasama sa iyo."

" Ate, mahal na mahal kita kayo ni mama at papa. Wala po akong nagawa sa nangyaring kapahamakan ni....la...sorry tala..gaaa."

" Wala na ang masamang ispirito na kumukontrol sayo oxana. Mahabang kuwento pero gusto kong sabihin sayo na ginawa ng ate ang isang bagay para sa kaligtasan mo at ng pamilya natin kaya dapat maging matatag ka."

" Sa....lamat....ate....lolo, lola mahal ko po kayo. Sorry po sa mga nangyaring hindi maganda sa pamilya natin."

" Apo wala kang kasalanan...mahal na mahal ka din namin."

" Ninong, ninang pasensya na po kung sa paningin ninyo ay na...ging ma....sama...akong anak....sorry po. Huwag ninyo pong pabaya....an si ate mahal na mahal ko po si....ya.."

Tumango lang si Ram at vera na naluluha at labis ang pagkahabag sa bunsong inaanak. Tahimik naman si remus at lola nito ngunit bakas sa kanilang mga mukha ang pakikiisa sa nararamdaman ng pamilya.

" Ate........huwag mong pabayaan si pa...pa...alagaan mo si....yang......mabuti. Pag nagising na si....ya....at wala na ako, ihingi mo ako ng ta..wad at sabihin mong mahal na ma....hal ko si...ya..."

" Huwag kang magsalita ng ganyan oxana. Gagaling ka, gagaling kayo ni papa."

" A...te, sor....ry, diko na ka....ya....hirap na hi....rap na ako at pa..god na pagod. Gusto ko ng pu....mikit at magpa....hinga."

Sa sinabing iyon ni oxana ay nanginig ito at kinapos ng hininga. Nag flat naman ang aparatong nagmo monitor ng kanyang puso. Agad na nagkagulo ang doktor at nurse na naroon. Nagsisigaw na si camille at lola niya nang sapilitan silang pinalabas muna ng mga nurses.

Sa lobby ng hospital ay dumating na rin ang tito vincent at tita zaira niya na tila nahulaan na ang nangyayari kaya agad siyang niyakap ng mga ito.

Nakamasid lang si remus at lola rosario sa lahat ng nagaganap. Ilang saglit lang ay natigilan si Remus sa nakita maging si camille ay natigilan. Nakita nilang lumusot sa dingding ng icu si oxana at kasama nito si Lolo Roman niya na nakangiti at kumaway sa kanila. Hanggang sa hinawakan ng lolo roman niya ang kamay ng kakambal at naging puting liwanag na ang dalawa at pataas na nawala. Nabigla si Remus sa nakita. Nagiiyak at nagsisigaw naman si camille na yakap ng kanyang tita zaira.

" OXANAAA!"

Lumabas ang anak na doktor ni lola rosario na bakas ang lungkot sa mukha.

" Tito, tita, im sorry wala na po siya....Hindi na nakayanan ng kanyang katawan ang mga pinsalang natamo nito. Ginawa namin ang lahat ngunit hindi na po talaga niya kinaya."

Agad tumakbo papasok si camille sa loob ng icu, ang kanyang papa ay agad niyang nakita. Wala pa rin itong malay sa mga nagaganap. Ibinaling ni camille ang tingin sa kabilang kama at agad bumalong ang luha sa kanyang mata ng makita ang puting kumot na nakatakip sa buong katawan ng kapatid. Hindi siya makagalaw kaya agad siyang niyakap at inalalayan ng tita zaira niya palapit sa labi ng kapatid. Lahat ng naroon ay bakas ang luha at lungkot sa mga nangyari.

Nang nasa tabi na ng labi ni oxana si camille ay dahan dahan niyang inalis ang takip sa mukha nito. Agad na napayakap muli si camille sa tita niya. Walang tigil naman sa pagiyak ang lolo at lola niya.

Muli ay tinitigan ni camille ang mukha ng kapatid at nakita niya dito na tila payapa at masaya na ang itsura nito sa kabila ng pinagdaanan. Niyakap niya ito at hinalikan sa noo.

" Ang daya talaga minsan ng pagkakataon, kung kelan ok na ang lahat saka may mawawala....pahinga ka na bunso....mahal na mahal ka ng ate. Huwag kang mag alala hindi ko pababayaan si papa."

Ilang oras lang ay dinala na sa morgue ang labi ni oxana. Kasama nito ang tito vincent at ram nila para sa gagawing pageembalsamo at pagsasayos ng labi nito. Madaling naayos ng pamilya ang lahat na kailangang gawin para sa burol ni oxana. Napagkasunduan ng pamilya na sa isang funeral homes iburol ang labi ni oxana. Dahil katatapos lang ng burol sa bahay ng ina nito.

Nabigla ang lahat ng kapamilya at kaibigan ng pamilya. Ngunit nanatiling tikom ang bibig ng pamilya ni camille sa mga kaganapan. Iginalang naman ng lahat ang desisyon ng pamilya.

Kahit na wala ni isang kaibigan si oxana noong ito ay nabubuhay ay marami pa ring nakiramay. Maging mga kaibigan at kaklase nila ni camille ay nagbigay respeto sa nawala nilang kaklase.

Dumating ang ilan nilang kamaganak na nakatira sa ibang lugar na kauuwi lang mula sa burol ni carmella, hindi sila makapaniwala na halos magkasunod na namatay ang mag-ina.

Unang gabi ng burol ni oxana at nasa isang silid si camille tahimik at tila pagod na sa pagiyak.

" Nera, pakiramdam ko hindi ako nagtagumpay sa misyon ko."

" Nagtagumpay ka camille. Isang tagumpay ang nagawa mo sa ispirito ni dawak."

" Ngunit nawala naman ang kakambal ko. Ang sakit at halos magkasunod silang nawala ni mama."

" Ang lahat ay nakatadhanang maganap camille. Dakilang manlilikha pa rin ang nasusunod at may kagustuhan ng lahat."

" Hindi ko na yata makakaya pa kung pati si papa ay mawawala din."

" May habag ang dakilang manlilikha sa mga taong naniniwala sa kanya. Pakikikinggan ka niya. Anumang hinaing ng iyong puso ay nararamdaman din niya."

Nang bigla na lang nagliwanag sa isang parte ng silid at iniluwa nito si prinsesa ma-aram at ang kanyang lolo roman.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon