Kabanata Tatlumput Walo

1K 43 0
                                    


" Camille hindi ba tayo susunod sa kanila?!"

" Kailangan nating magmadali rem. Unahan nating makarating sa yungib ang mga mandirigma."

Agad hinawakan ni camille ang kamay ni remus at agad silang naglaho. Halos isang pikit mata lang ay nasa gubat na sila at kita na nila ang bungad ng yungib na sinasabi ng bata. Masukal ang lugar pero makikita mo ang bungad nito.

" Ang bilis nun ah! Kaya mo din palang mabilisang paglaho camille grabe nakakamangha ka talaga. At pano mo nalaman na ito nga ang yungib na sinasabi ng bata."

" Inisip ko lang ito kasi nakita ko ng hawakan ko yung ulo ng bata kanina. Marahil isa sa kakayahan ko ito na makapaglakbay ng mabilis kapag nagmamadali."

" Pano natin ililigtas ang mga bata? Baka andyan si dawak at ang mga tagasunod niya delikado tayo niyan."

" Wala tayong magagawa rem kundi pumasok diyan bago mahuli ang lahat."

Napansin ni rem na tila may lumiliwanag sa isang maliit na tila sisidlang balat na nakapulupot sa bewang ni camille.

" Camille nasaan na yung orasa na gagawing kulungan ng ispirito ni dawak?"

Binuksan ni camille ang sisidlan at...

" Yung orasa ito na gagamitin ko para kay dawak yung ibinigay ni prinsesa ma-aram sa panahon natin. Pakiramdam ko pahiwatig ito na dito talaga ang hantungan ni dawak sa panahong ito."

Dahan dahang lumapit pa ang dalawa sa bungad at ng pumasok na sila ay hinawakan ni camille si rem sa kamay para hindi sila makita ng kung sino mang mga nakabantay sa mga bihag na bata. Naglakad sila ng naglakad sa madilim na yungib at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang umilaw ang orasang kuwintas ni camille na nagsilbing tanglaw nila. Makikita sa loob na tila sinadyang gawing masukal ang loob at may mga bagay na nakahambalang sa daanan para iligaw ang sinumang makakapasok.

Hanggang sa nakarating sila sa tila gitna nito dahil may naaaninag silang liwanag dito na nagmumula sa taas. Agad na nawala ang liwanag sa kuwintas na orasa ni camille at sinilip nila ang kung anumang nagaganap. Nakita nilang liwanag ay nagmumula sa taas na bahagi ng kuweba kung saan butas ito at pumapasok ang konting liwanag pa kahit mag dadapithapon na. Nanlaki ang mata ni rem at camille ng makita nila ang bangkay ng bata na nasa tila kamang lupa at bato. Puno ito ng dugo at amoy na amoy nila ang sangsang ng amoy pati ang katawan ng bangkay. May ilang bantay na nakatalaga at ang ilang bata na nasa loob ng ginawang hawla ay patuloy na umiiyak ang iba, ang iba naman ay tila tulala. Mga 8 bata ang nakita nila sa loob.

" Camille, lapitan na natin sila hindi naman tayo nakikita ng mga iyan. Wala si dawak dito lima lang silang bantay sa palagay ko kaya na natin iyan. Tutal hindi naman nila tayo nakikita."

" Hindi natin kailangang magtago o maglaho rem. Sa palagay ko kakayanin natin yan. Ganito magpapakita ako, ikaw magtago ka hanggang makarating ka dun sa may hawla at pagkatapos pakawalan mo na agad sila. Magpapahabol ako at makikipaglaban sa mga yan!"

Agad sumunod si remus at unti unti namang nagpakita si camille sa mga bantay. Nagulat ang mga ito at agad siyang sinibat ng isa na agad niyang nailagan. Bigla namang lumitaw na ang mga armas na bigay ni ma-aram sa kanya. Ang pana na sa kanyang likod ang isang itak at punyal na nakasukbit sa kanyang bewang at ang sibat na nasa kanyang kanang kamay. Nagulat lalo ang mga bantay at sumugod ito kay camille. Agad niyang sinibat ang isa. Ang isang nasa malayo pa ay pinana niya. Pinalibutan siya ng tatlo habang nagaganap ang labanan ay nakalapit na si remus sa hawla na yari sa kawayan at agad niyang tinanggal ang mga tali sa pinto nito na kawayan. Agad ang mga bata at nagsigawan na umiiyak.

" Nasaan si Dawak?!"

" Wala kang galang sa prinsesa! Sino ka para tawagin siyang ganun lang! Papatayin ka namin para iaalay katulad sa batang iyon!"

" Sa tingin nyo ba kaya nyo ako?! Hindi ninyo ako kilala! Mga salot kayo sa panahong ito mamatay tao!"

Agad tinaga si camille ng isa ngunit gumulong siya sa lupa at pagtayo niya ay iniitsa niya sa likod nito ang punyal na tumama sa likod nito sa batok at agad itong natumba. Nakalapit ang isa at agad siyang tinaga ulit. Binunot niya ang itak sa bewang niya at nakipaglaban siya dito. Ang isa ay nakita niya palapit na kay remus na nakatalikod. Agad namang nasa kamay na niya ang sibat at inihagis niya ito sa nakatalikod na kalaban at saktong tatagain na niya si remus ay inihagis niya ang sibat na tumama sa mismong likod nito sa parte ng puso. Nagsigawan lalo ang mga bata ng tumumba ito sa likod ni rem na duguan. Ngunit may biglang dumating tatlong mga babae na mga tagasunod ni dawak. Agad sumugod ang dalawa kay remus na eksaktong nabuksan na ang hawla. Agad na lumabas ang walong bata at tumulong na labanan ang dalawang babae na tila wala sa sarili at handang pumatay. Ang isang babae naman ay nakipaglaban kay camille at ang natitirang lalaki. Hindi nanaig ang lakas nito kay camille at nagapi niya ang mga ito. Ang mga bata naman at si remus ay nagtulungan silang magapi at igapos ang dalawang babae. Tumulong dito si camille at ipinasok nila sa hawla ang dalawang babaeng katutubo na nagwawala.

" Pakawalan ninyo kami! Papatayin kayo ni prinsesa dawak kapag nalaman niya ito!"

" Nasaan ang prinsesa ninyo na mamamatay tao sumagot kayo!"

" Wala siya dito, hindi ninyo malalaman!"

Sumagot naman ang isang bata.

" Wala na po siya dito kanina narinig ko na kausap niya ang mga mga babaeng iyan sila po ang mga tagasunod ni prinsesa dawak. May ginawa silang ritwal at tila may ginagawang gamot na may mga dahon pa silang niluluto kanina. Sa palagay ko lason iyong inumin dahil humahalakhak si prinsesa dawak na iyon daw ang papatay sa kanila. Hindi po namin alam kung kanino."

Nagkatinginan si remus at camille alam na nila kung kanino iyon at nakatakdang mangyari iyon na hindi dapat mapigilan. Alam nilang magagapi din si dawak sa panahong ito pero kailangang maisagawa nila ang kanilang misyon na mailagay sa orasa ang ispirito ni dawak para hindi nito maisakatuparan ang pagbabalik nito sa hinaharap.

Agad na tinalian ni remus ang hawlang kawayan na sa tantiya niya ay hindi na makakayang buksan ng dalawang babae ay tumigil na siya at kinuha ang mga bagay na maaring magamit ng mga ito.

Lumapit si camille sa bangkay ng bata na ginawang alay at nagusal siya ng panalangin. Ang mga bata naman ay nagusal din ng panalangin sa kanilang paraan at paniniwala sa panahong iyon. Tinakpan ni remus ang bangkay ng bata. Lumapit si camille sa tila altar na may mga bagay na kung ano ano at ang anitong sinasamba ni dawak. Binasag at sinira niya ang mga ito at sinunog.

" PAGBABAYARAN NINYO ANG LAHAT NG ITO! MGA LAPASTANGAN SA ANITONG ITIM! HINDI KAYO PATATAHIMIKIN NI PRINSESA DAWAK PAPATAYIN NIYA KAYONG LAHAT!"

" SA PALAGAY NYO MAGTATAGUMPAY SI DAWAK?!ANG KASAMAAN SA KABUTIHAN?! NAGKAKAMALI KAYO! KUNG IMPIYERNO ANG PATUTUNGUHAN NI DAWAK,NAKIKITA NINYO ANG APOY NA IYAN?! MAUUNA KAYO SA KANYA!"

" AHHHHHHH! PAKAWALAN NINYO KAMI DITO!!!"

" HINDI KAMI ANG PAPATAY SA INYO ANG APOY NA IYAN!"

Agad na mabilis naglakad sina camille at remus kasunod ang mga bata palabas sa yungib. Naglakad silang mabilis at hinawakan ni camille ang kamay ni camille ang kamay ni remus at bumulong ito.

" Sa palagay kailangan nating maglaho, dun tayo lilitaw malapit sa kinalalagyan ng mga mandirigmang papunta sa yungib. Alam ko na malayo pa ang kinalalagyan nila kaya kakailanganin natin ito sa paraang hindi mahahalata ng ng mga bata at ng mga mandirigma ni ma-dunong. Hawakan mo ang kamay ko at sabihan mong maghawak hawak kamay sila para hindi maligaw. Sa paraang iyan mabilisan ko na gagawin na maglaho tayo na hindi nila mahalata. Marahil nasa baranggay si dawak at ibang niyang mga tagasunod. Ginagawa na nila ang ang nakatakdang mangyari."

Agad na kinausap ni remus ang mga bata at sumunod naman ang mga ito. Nauna si camille na naglalakad kasunod si rem na magkakahawak sila ng kamay.
------------------------------------------------------

Samantala sa baranggay ay nagkakagulo na ang lahat sa tahanan ng datu. Pati ang pamayanan ay nagkakagulo na din dahil sa pagsugod ng mga tagasunod ni dawak na nakikipaglaban sa mga mandirigmang naiwan sa baranggay.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
-----------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Where stories live. Discover now