Kabanata Tatlumput Pito

1.1K 44 0
                                    

Tumatakbo ang batang sa tantiya ay mga labindalawang taon. Umiiyak ito at sigaw ng sigaw, madumi at sira ang suot nitong damit. Patungo ito sa isang bahay na nasa may kinatatayuan ni camille at remus.

" Ama! Ina! Nasaan kayo tulungan ninyo ako!"

Agad lumapit si camille at remus dito pati ang ibang tao. Lumabas naman sa loob ng bahay ang ina ng naturang bata na halos mahimatay na sa sobrang takot at pagod nitong pinagdaanan.

" Anak! Saan ka ba nanggaling at ganyan ang itsura mo, anong nangyari halos isang araw ka ng nawala mula kahapon?"

Inalalayan ni remus at camille ang naturang bata papasok sa tahanan nito. Agad namang kumuha ng tubig sa tapayan ang ina nito at ipinainom. Nang kumalma ito ay saka nagsimulang magkuwento.

" Ina kahapon po bago mag gabi ay aming napagpasyaha ng mga kaibigan ko na pumunta sa may gubat para manguha ng mga pang gatong at prutas. Apat po kaming magkakasama. Habang nasa taas po ako ng isang puno ang mga kasama ko po ay abala sa baba sa pagipon ng mga nahulog na prutas at kahoy ay may mga tao pong dumating mga sampu yata sila. Agad po nilang hinuli ang mga kasama ko itinali ang mga kamay at tinakpan ang mga bibig at mata at saka po sila binuhat isa isa."

" Mahabaging anito! Sino namang mga tao iyon at anong nais nilang gawin sa mga kaibigan mo?"

" Hindi po nila ako nakita ina. Nang sila na po ay naglakad na paalis sa lugar na iyon ay agad po akong bumaba para sundan sila."

" Saang bahagi ng gubat sila nagtungo?" ( camille )

" Sa pusod po ng gubat, kung saan may yungib. Doon po nila dinala ang mga kasama ko. Ina nagulat po ako dahil sa loob po ng yungib ay nandoon po si Prinsesa Dawak. May ilang kababaihan pong tila may ginagawang ritwal at nakita ko po na ang anitong itim ang sinasamba nila."

" Si Prinsesa Dawak!?"

" Anong ginagawa niya doon?!"

" Totoo po ang mga balita na siya ay sumasamba sa itim na anito. Ina nakakakilabot po ang ginawa nila doon at hindi ko magawang tignan ang ginawa ng ilang lalaki sa kaibigan kong si Ukman."

" Anong ginawa nila kay ukman anak?"

" Itinali po nila ito sa apat gilid ng tila kamang lupa at iginapos ang mga kamay at paa sa mga gilid. May mga inuusal po sila at diko maintindihan. May inilabas po na punyal si Prinsesa Dawak at ginilitan po sa leeg si Ukman at ang dugo iniaalay sa anitong itim. Ang iba ko pong kaibigan ay ikinulong sa parang hawla at may nakita po ako doon na ibang bata pa."

" Samakatuwid camille, mga bata ang iniaalay ni dawak sa kanyang anito?! Ang sama! Demonyo lang ang kayang gumawa ng ganyan!"
(Rem)

" Anak paanong ikaw ay ngayon lang nakabalik dito sa atin?"

" Kagabi po ay agad akong tumakas matapos nilang patayin si ukman. Madilim na po sa gubat at ako ay naligaw. Kaya nagpasya akong manatili muna sa isang lugar para hintaying lumiwanag at ipagpatuloy ang aking paglalakbay. Umakyat po ako sa isang mataas na puno na may malalapad na sanga at doon nakatulog. Kaninang umaga po ay nagising ako pero mahirap pong lumabas sa masukal na gubat. Gutom na din po ako kaya natagalan ang aking pagbalik dito. Ina pano po natin ililigtas ang ibang mga kasama ko doon, maari pong mapatay na din sila."

Sa narinig ay agad tumayo si camille at hinawakan sa ulo ang batang babae sa paraang iyon ay tila nalipat sa kanyang kamalayan at isipan ang lahat ng pangyayari at lugar kung saan ito naganap.

" Mananatili ka na lang dito sa loob bata at huwag lalabas. Tutulong kami sa paghahanap sa kanila."

" Ngunit hapon na po, baka po ikapahamak nyo ito. Delikado po silang mga tao."

THE GLASSHOUR 2Where stories live. Discover now