Kabanata Tatlumput Tatlo

1.2K 49 0
                                    

" Sa sarili naming mga panahon." ( ma-aram)

" Pero bakit ganun?"

" Dahil pag kami ay naglakbay sa sarili naming panahon, maaring maglaho ang isa. Ang aming katawan sa panahong iyon o kami bilang isa nang manlalakbay ng panahon."

" Sa akin po ba ay hindi puwedeng mangyari iyon?"

" Hinding hindi, nasa sarili mong panahon ka at itinakda kang buhay na manlalakbay ng panahon." (Oman)

" Kung ganun, maari akong maglakbay sa panahon ni ma-aram at dawak?!"

" Tama camille! Ikaw ang pupuksa kay dawak sa panahon nila ni ma-aram!(geor)

" Matagal naming hinintay ang panahong ito na magharap kayo ni dawak."(ma-aram)

" Pero bakit po sumasanib kayo sa aking katauhan at ni isa sa inyo ay walang nakapuksa kay dawak?"

" Sa panahong isinilang ka, kasabay niyon ang pagkabuhay ni dawak at ang kanyang sumpa noong siyay nabubuhay pa."(ma-aram)

" Ano pong sumpa iyon?"

" Ang muling mabuhay sa pagdating ng ikasandaang manlalakbay ng panahon, at lipulin ang lahat ng ating angkan. Sa iyong panahon muling nabuhay si dawak kaya ikaw lang ang maaring pumuksa sa kanya. Namatay siya noong ako ay buhay pa. Sa mga sumunod na henerasyon ng mga manlalakbay ng panahon sa ating angkan ay walang dawak silang nakaharap, tanging sa panahong ito na lamang . Kung tatanungin mo bakit walang datos o tala sa ating angkan? Dahil tayo ay nakakapaglakbay sa ibat ibang panahon kung saan doon nalalaman at nakikita natin ang naganap at magaganap. Ang lamparang iyan ay isa ding paraan para makita mo ang lahat na hindi na maglalakbay." (Ma-aram)

" Kaya po pala si nera at ang kanyang angkan lang ang may tala o datos ng mga pangyayari noon."

" Tama, wala silang kakayahang makapaglakbay ng panahon. Si Nera ay aking tapat na tagapaglingkod na maging siya man ay kinagiliwan at nabiyayaan ng kakaibang katangian ng dakilang manlilikha. Siya ang nagtala ng mga unang pangyayari sa ating angkan noon na sinundan ng mga sumunod na henerasyon niya. Na sa kasalukuyan mong panahon ay si Rosario. Ang iyong kaibigan na si Remus naman ang nakatakdang magmana ng lahat ng nalalaman ng kanyang lola rosario."

" Isa din po bang itinakda sa kanilang angkan si Remus?"

Ngumiti sa kanya si ma-aram...

" Tama camille siya ay itinakda sa isang itinakda." (Ma-aram)

" Ha? Ano yun?"

" Wala, sa pagdating ng tamang panahon ay iyong malalaman. Sa ngayon ay isa ka ng manlalakbay ng panahon. Hindi ka na normal na nilalang. Taglay mo na ang katangiang ipinagkaloob sa atin ng Diyos ng manlalakbay ng panahon na mula sa dakilang manlilikha. Bilang itinakda ng angkang manlalakbay ng panahon lahat ay magagawa mo na tulad ng sa amin. Pero hindi ibig sabihin nito ay immortal ka na. Darating pa rin ang araw ng iyong kamatayan bilang isang mortal. Sa iyong pagkamatay ay muling magpapatuloy ang iyong pagiging isang manlalakbay."

" Ito na rin po ba ang takdang panahon ng paghaharap namin ni dawak?"

" Babalik ka sa aming panahon at doon mo maisasakatuparan ang lahat."

" Pero maari pong magbago ang hinaharap ng mga taong nandoon na makakasama ko kapag ginawa ko na ang mga bagay na aking gagawin."

" Walang hinaharap si dawak. Namatay na siya noon. Ang iyong misyon ay mapigilan ang kanyang sumpang pagbabalik sa mundo." ( ma-aram)

" Pero paano?"

Nagkatinginan ang tatlong naunang manlalakbay ng panahon at napangiti kay camille si maaram. Ibinuka ni ma-aram ang kanyang palad at makikita dito ang tila maliit na ipo-ipo sa ibabaw ng kanyang palad. Isang saglit lang ay tinamaan ito ng liwanag mula sa araw. Nang huminto ang pagikot nito ay makikita ang isang kakaibang orasa. Nagniningning ang tila solidong salamin nito maging ang tila gintong bakal na nasa magkabilang dulo nito at isang taling tila bakal na gintong kulay .

THE GLASSHOUR 2Where stories live. Discover now