Kabanata Labing Lima

1.4K 59 0
                                    

Sinamahan ng maglola si camille sa silid nito bago tumungo sa kanilang sariling silid.

" Iha, kung gusto mong maligo may sariling cr itong kuwarto. May mga damit din diyan na puwede mong gamitin."

" Salamat po lola."

" Pano iha,magpahinga ka na muna. Bukas kelangan makapunta tayo sa inyo."

Niyakap ng matanda si camille bago ito lumabas. Si remus naman ay parang walang balak lumabas.

" Apo, ano sa palagay mo dito ka matutulog?!"

" Kung puwede lang la, samahan ko muna siya baka kasi kelangan pa niya ako dito hehehe."

" Naku hindi na rem, ok lang ako. Sige magpahinga kana rin. Salamat sa tulong mo kanina."

" Wala yun camille, kahit sino naman sa ganung kalagayan tutulungan ko."

" Nakuuuu! Night in shining armor lang ang drama mo apo! Hindi bagay sayo! Mabuti pa lumabas kana at baka kung ano pang mangyari kay camille dito."

" Lola harmless ako, saka kung may mga kalaban ka naman na susugod dito dahil sa hindi mo pa naman sinasabing witch ka nga hahaha. Wala silang panama dito sa maskels ko hahaha."

" Maskels ka diyan! Lumabas ka na bilis kung ayaw mong gawin kitang butiki!"

Agad namang sumunod si Remus sa lola niya at nagpaalam sa dalaga.

Sa kuwarto ni Lola Rosario ay hindi agad ito dinalaw ng antok. Kaya paikot ikot lang siya sa kuwarto na may pilit iniisip at inaalala.

Lola Rosarios POV

Iba talaga ang pakiramdam ko sa batang iyon. Kakaiba ang aura niya may kinang na hindi makikita ng pangkaraniwang tao. Ang mga mata niya ay maraming katanungan na tila hindi pa nakukuha ang mga kasagutan. Hindi ako maaring magkamali, isa siyang mabuting tao. Ngunit sa kabila ng kalungkutan ng mga matang iyon ay nakikita ko ang tapang na tila malapit nang kumawala sa kanyang katauhan. Kawawang bata sa murang edad ay nakakaranas ng ganitong kabigat na suliranin sa buhay. Ang marka niya sa balikat, alam kung may malaking kaugnayan yun sa kanyang pagkatao at nakaraan. Naniniwala ako na bawat nunal at birthmark ng isang tao ay may kinalaman ito sa kanyang nakaraang buhay. Kailangang tuklasin ko ito para matulungan ko siya. Sa tingin ko may malaking kaugnayan ang batang iyon sa mga taong nasa kasaysayan ng aming angkan noong unang panahon dahil sa markang iyon na diko lang maalala saang libro naitala iyon. Ngunit paano at sino ang may kaugnayan sa kanya?!"

Remus POV

Ano ba itong nangyari sa akin kanina. Parang kakaiba yung nararamdaman ko kay camille lalo na ng makita ko ang kanyang mukha. Sa kabila ng kalungkutang makikita sa kanyang mga mata ay may ikinukubling mas malalim pang misteryo sa mga ito. Napakaganda ng mukha niya na hindi mo pagsasawaang titigan. Ibang iba siya sa mga babaeng nakikilala ko sa maynila. Sa tingin ko mukhang nakita ko na ang katapat ko, diyoskoooooloorddd! Mukhang dito na ako maninirahan habang buhay hahaha! Bukas kelangang matulungan namin ni lola si camille. Mahirap itong pinagdadaanan niya na nawala ang mama niya tapos hindi man lang niya makikita hanggang sa huling pagkakataon. Huwag kang mag alala camille, nandito ako kami ni lola hindi ka namin iiwan at pababayaan.

Samantala sa silid ni camille ay hindi rin ito makatulog sa dahilang patuloy itong tahimik na lumuluha. Muling bumalik sa kanyang alaala ang lahat tungkol sa kanyang mama mula noon hanggang sa pangyayari kanina. Masakit isipin na wala na ang kanyang mama ngunit hindi niya ito man lang makasama sa huling pagkakataon. Ang daming pumapasok sa kanyang isip na maari pang mga mangyayari kapag nagpumilit siyang umuwi lalot pinagbantaan siya ng kanyang kapatid na si Oxana. Muli ay naalala niya ang nagpakita sa kanyang manlalakbay ng panahon. Naisip niya kung ano kaya ang sinabi nitong pagkakamali ng kanyang ama, at kung bakit sinabi nitong siya ay si Oxana at hindi ang kapatid niya. Alam niyang hindi pa niya lubusang maintindihan ang lahat ngunit malaki ang kanyang pag aasam na maiiintindihan din niya ang lahat.

THE GLASSHOUR 2Where stories live. Discover now