Kabanata Siyam

1.4K 65 3
                                    

Hello dear readers, happy 300+ reads. Salamat sa suporta ulit sa book 2 ng The Glasshour. Sana po ay patuloy ninyong suportahan ang buhay ni Camille ang tunay na Oxana at Itinakda.

Hi kay _lady_lyn_,GeoMarLou,jessaya_chan91,PrettyBrokenEyes,Flaresitri,kencharlz09,LawrenciumFreudJAves.

Magandang buhay sainyo. :)
------------------------------------------------------

" Kung Ganun po ba ako ay magiging isa ring manlalakbay ng panahon? Wala naman po sa lahi namin ang babaylan."

Sa tinurang iyon ni Camille ay bigla na lang may lumabas na liwanag at nag anyo itong isang lalaki na sa tingin niya ay halos kaedad lang niya. Ngunit bakas ang pagiging kagalang galang at otoridad sa itsura.

" Nagagalak akong nagkita na tayo ngayong ika labing anim na kaarawan mo camille."

" Sino po kayo? Katulad rin ba kayo ni Nera?"

" Ang lahi ni Nera ay tulad din namin na galing sa mga babaylan noong unang panahon. Pero higit ang kakayahang meron kami sapagkat kami ay galing sa angkan ni Ma-aram ang unang manlalakbay ng panahon sa lahi ni Datu Rawan. Si Nera ay nawala na sa mundo daang taon na ang nakalipas, at mula sa mga bituin sa kalawakan kung saan siya nanatili ay muli siyang nabigyan ng pagkakataong muling mapunta sa mundo para sa isang misyon. Alam kung naikuwento na saiyo ni Nera ang lahat tungkol sa isang nakaraan at sa iyong nakaraang pagkatao."

" Opo. Pero medyo hindi ko pa po masyadong maintindihan ang lahat at kung bakit ako at si Ma-aram ay iisa."

" Totoo ang sinabi ni Nera camille. Ikaw at si Ma-aram ay iisa lamang. Sa dahilang isang pangyayari sa nakaraan ang nagbunsod dito para maganap ngayon ang mga sinumpang kaganapan noon."

" Sinumpang kaganapan?"

" Sa takdang panahon ay malalaman mo camille. Sa ngayon ay gusto kong malaman mo na ikaw ang itinakdang ikasandaang manlalakbay ng panahon."

" Ako! Isa ring manlalakbay ng panahon?!"

" Tama camille. Ikaw, ang ama mo at ako ay sa isang angkan lang nanggaling. Ang angkan ng mga manlalakbay ng panahon at iyon ay si Ma-aram."

" Pero pano pong wala man lang nasasabi si papa tungkol dito?"

" Alam niya ang lahat ng ito, at alam niya na darating ang itinakdang manlalakbay ng panahon. Ngunit nabubulagan siya sa kanyang nakikita."

" Paano pong nabubulagan?"

" Sa dahilang sa pag aakalang ang kapatid mong si oxana ang inakala niyang itinakda. Ikaw si Oxana at hindi ang isang iyon na mapagkunwari."

" Maari ko po bang malaman ang tungkol sa kapatid ko?"

" Malalaman mo sa takdang oras, sa ngayon ay isang pangyayari sa inyong buhay na ikakabago ng lahat. Noong nakaraang panahon nakita na namin na maayos ang iyong kalagayan bilang itinakda ngunit dahil sa sumpa ng nakaraan na muling nagbabalik ay tila nagbabago ang ihip ng panahon at maging ang iyong ama ay nakagawa ng isang pagkakamali sa pag aakalang ang iyong inaakalang kapatid ang itinakda."

" Ano po bang pagbabago iyon?"

" Isang pagbabago na nakasulat na sa libro ng buhay ng bawat isang tao. Magaganap ang dapat maganap. Sana magpakatatag ka sa lahat ng mangyayari sa buhay mo."

" Ngunit bakit po hindi ko puwedeng malaman ang nakatakdang maganap na pagbabago?"

" Sa dahilang maaring masira ang balanse ng kahapon, kasalukuyan at hinaharap. Ang mga nakatakdang mangyari ay hindi puwedeng mabago. Marami kang pagsubok na pagdaraanan patungo sa pagbabago. Ang panig ng kasamaan din ay may mga nagagawang pagbabago sa buhay ng bawat tao. Para silang anino o mga bulong sa utak ng bawat isang tao na nagpupumilit baguhin ang buhay nito."

" Maari ko po bang malaman kung ano ang mangyayari sa akin dahil ako ang itinakdang manlalakbay ng panahon?"

" Hindi pa sa ngayon Camille, dahil maaring maapektuhan ang magaganap na pagbabago. Gusto kong maging matatag ka sa pagsubok na pagdaraanan mo. Huwag mong hayaang sirain ng kasamaan ang mundo ng mga manlalakbay ng panahon. Huwag kang panghinaan ng loob sa mga mangyayari."

" Salamat po sa pagpili sa akin na maging isang manlalakbay ng panahon."

" Hindi kita pinili sa dahilang ikaw talaga ang itinakda. Darating ang oras na malalaman mo ang lahat lahat."

" Maari ko po bang malaman kung sino kayo?"

" Ako ang iyong Lolo Roman."

" Ay! Kayo pala iyon sa portrait sa isang silid dito ng bahay. Lahat kasi ng larawan na luma, doon na inilagay ni papa. Ang galing naman po, ibang iba na ang itsura at pananamit ninyo."

" Darating ang panahon ikaw ay magiging tulad ko rin. Sa takdang panahon ipapakita ko sa iyo ang mga nakaraan sa ating angkan para lubos mo nang maintindihan. Napakapalad mo sa dahilang ikaw ang kauna unahang manlalakbay ng panahon na buhay."

" Lahat po bang manlalakbay ay patay na?"

" Oo, marami ang manlalakbay ng panahon ng ibat ibang piling angkan ng ibat ibang bansa. Sa ating angkan ikaw ay ika isang daan. Pero sa ibang angkan ay halos libong henerasyon na."

" Nagpapakita po ba kayo kay papa?"

" Sa ngayon ay hindi. Darating ang araw magkikita kaming muli ng aking apo na matalik na kaibigan."

" Bestfriend po kayo ni papa?"

" Oo camille, noong unang panahon ng aking kabataan. Sa darating na mga araw ay malalaman at makikita mo ang lahat sa nakaraan."

" Salamat po."

" Maligayang kaarawan camille, magpakatatag ka sa lahat lahat. Patnubayan ka ng Dakilang Manlilikha."

" Magkikita pa po ba tayo?"

" Oo camille. Sa ngayon ay makakasama mo na si Nera at tanging ikaw lang ang nakakarinig at nakakakita sa kanya. Maari siyang magbigay ng opinyon sa mga bagay bagay na sa palagay mo ay naayon, ngunit hindi niya puwedeng pakialaman o diktahan ka sa gagawin mo. Tanging ikaw pa rin ang masusunod sa anumang bagay na gusto mo at tama."

" Salamat po."

Isang iglap ay naglaho agad ang manlalakbay ng panahon.

Unti unting humiga sa kama si Camille at tinignan ang oras, alas dos na ng madaling araw.

Nagulat siya ng makita niya ang tumba tumba sa silid niya ay gumalaw, at nakita niyang si Nera ang nakaupo dito.

" Ikaw pala iyan nera, muntik na akong magulat sayo."

" Ako lang ito mahal na prinsesa, matulog na po kayo at kaarawan niyo na."

" Salamat Nera. Goodnight."
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon