Kabanata Dalawamput Apat

1.2K 49 0
                                    

Bago magsalita si Camille ay iginala ni owen ang kanyang paningin sa buong simbahan. Lumipas man ang maraming taon ay napanatili nito ang ganda ng mga sinaunang simbahan. Muli ay nanariwa sa kanyang alaala ang kanyang lumipas na panahon kung saan sa simbahan ding ito niya unang nakita at nakilala ang kanyang bestfriend at di niya akalaing lolo niya. Naging bahagi ng simbahang iyon ang panahong kasama niya ang kanyang bestfriend at ang mga kaibigan nila. Dito rin siya ikinasal ng siyay umibig sa babaeng kanyang pinakakamamahal na nagkaroon ng bunga kung saan doon din bininyagan ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Lahat ng alaalang iyon ay masasaya. Ngunit ngayon ay binabalot ng kalungkutan at pighati ang mararamdaman sa simbahang iyon. Napayuko si owen at di napigilang humagulgol. Katabi niya ang kanyang kuya at ate na maski na nagalit sa kanya ay nakasuporta pa rin. Napaangat ang kanyang ulo ng magsalita ang kanyang anak na si camille.

" Hindi ko po alam kung paano ko uumpisahan at saan ang lahat na aking gustong sabihin. Hanggang ngayon po ay hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si mama. Alam ko po na alam ninyong lahat kung gaano ko kamahal si mama at kung gaano kami kalapit sa isat isa."

Sa narinig na iyon ay may kurot ng konsensiya na naramdaman si owen.

" Si mama po ay isang guro kung saan siya ay pangalawang ina kung ituring ng napakaraming batang kanyang naturuan at minahal. Sa aming tahanan ay hindi nagkulang si mama sa pag aasikaso at pagmamahal sa amin ng kapatid ko lalong lalo na kay papa. Alam ko pong hindi lingid sa inyo kung anong klaseng bata ang kapatid ko simula pa noon pero hindi po nagkulang si mama ng pagaalala sa kanya at pag gabay. Marami pong bagay na hindi kami nagkakaunawaan ng aking kapatid ngunit palagi pong nandoon si mama para kami ay kausapin at paalalahanan na hindi magandang kaming dalawa ay hindi magkasundo. Kahit kailan po ay hindi inilayo ni mama ang kanyang sarili sa aking kapatid pantay po ang pagtingin niya sa amin. Ngunit labis po akong nalulungkot kapag si mama at papa ay hindi nagkakasundo pagdating sa aming dalawa. Pero kahit ganun pa man ay hindi nawala ang respeto at pagmamahal ko sa kanilang dalawa ni papa. Mama, kung nasaan man kayo ngayon ay sobrang miss na miss ko na kayo. Hindi man naging maganda ang sanhi iyong kamatayan ay alam kong payapa kayo ngayon kung nasaan man kayo ngayon. Isa lang po ang masasabi ko ....ano man po ang inyong narinig patungkol sa akin at sa naging kamatayan ni mama ay wala pong katotohanan iyon. Alam ko po na alam ninyo lalo na ng aking mga kaibigan at pamilya na hindi ko ugaling manakit ng kapwa. Alam nyo po iyon papa......kahit kailan hindi ako gumawa ng ikakasama ng loob ninyo ni mama.

Habang nagsasalita si camille ay nakatingin sa kanya si owen na patuloy lang sa pagluha.

" Mama, nangangako po ako na kahit wala na po kayo ay hinding hindi ko po kakalimutan ang mga naituro ninyo sa akin. Huwag po kayong mag alala hinding hindi ko po pababayaan si papa hanggang sa kanyang pagtanda. Papa alam ko po na hindi ako ang paborito ninyong anak. Pero kahit kailan po ay hindi nawala ang respeto at pagmamahal ko sayo katulad kay mama. Magulang ko po kayo kaya pantay po ang pagmamahal ko sa inyo. Nagkataon lang po na ang kapatid ko ang malapit sa inyo at ako naman kay mama. Pero papa mahal na mahal ko po kayo at hinding hindi po ako makakapayag na may manakit sa inyo."

Sa narinig ay agad na tumayo si owen na hindi matigil sa pagiyak. Lumapit siya sa anak at hinawakan ang pisngi nito at pinahid ang luha at niyakap. Sa nakitang iyon ng mga tao ay hindi napigilan ng iba na mapaluha.

" Sorry anak, sorry nagkamali ako."

" Naiintindihan ko po papa. Kahit kailan po ay hindi ako nagalit o sumama ang loob sa inyo."

" Patawarin mo ako sa mga pagkukulang ko sayo. Sana mapatawad ako ng mama mo sa mga pagkukulang ko sayo."

" Mahal po kayo ni mama at kahit kailan hindi siya nagalit sa inyo, oo nagtatampo pero nawawala iyon dahil mahal niya kayo."
------------------------------------------------------

Bandang alas onse ng matapos ang misa at tumuloy na ang lahat sa sementeryo kung saan nakalibing ang lahat ng kamaganak ni owen sa isang musoleo na pag aari ng pamilya.

Habang binabasbasn ng pari ang kabaong ni carmella ay unti unting umambon na may kasamang hangin. Tila nakikidalamhati ang langit sa pagtangis ni camille habang yakap ng ama na tahimik na lumuluha. Isa isang naglagay ng puting rosas ang mga tao at kamaganak ng namatay. Nang ipapasok na ni owen ang bulaklak ay bigla itong napaluhod sa harap ng nitso
at nagsisigaw na umiiyak. Nilapitan siya ni ram at renan para pakalmahin habang yakap ni vera at panyang si camille na halos mahimatay na din sa pag iyak. Nang tuluyang maipasok sa nitso ni camille at owen ang bulaklak ay doon na nagumpisang takpan ito.

Bilang isang pamahiin ay naunang umalis sa libing ang asawa at anak ng namatay at sinabihan huwag ng lilingon sa libingan.

Tulalang naglakad si owen habang nakaalalay sa anak na sinusundan naman sila ng ibang kamaganak.

Unti unting umalis ang mga tao habang unti unting natatakpan ang nitso. Naiwan naman si Lola rosario at remus sa loob ng musoleo.

" Alam mo apo, iba talaga ang pakiramdam ko pagpasok natin doon sa kanilang bahay at dito. Tila ba pakiramdam ko parte talaga tayo ng pamilyang ito. Nararamdaman ko ang koneksyon nila sa atin lalo na si camille."

" Alam mo lola ako din. Pero dun sa bahay nila iba eh. Tila madilim ang tingin ko. Lalo na yung oxana, hindi ko alam ang tawag sa ganun pero parang napanood ko na yun na may kulay daw ang aura ng isang tao. Itim nakikita ko kay oxana, sa iba naman wala pa akong nakikita. Pero kay camille po kakaibang kulay, hindi ko maintindihan pero tila napakagaan sa pakiramdam ang kulay na nakikita ko."

" Ang ibig mong sabihin, nakakakita ka na ng kulay sa mga tao?"

" Opo lola, pero sa ibang tao ay ibang kulay naman diko nga maintindihan."

" Hindi ako maaring magkamali apo....isa ka ring tulad ko. Magiging tulad kita pagdating ng tamang panahon."

" Anong ibig mong sabihin lola?"

" Tayo na munang lumabas at babalik tayo sa bahay nina camille."

Nang makalabas ng musoleo...

" Ang tawag sa kulay na nakikita mo apo ay Aura. Nakikita mo aura ng isang tao sa kulay na lumalabas sa katauhan nila. Isa iyang katangian meron ako apo. Hindi ko dati alam ang ganito dati pero pinagaralan ko din ang mga bagay na ito na taglay nating mga may kakaibang katangian. Unti unti ay lumalabas na sa katauhan mo ang pagiging isang tulad ko apo."

" Sa ngayon lola ay hindi na ako natatakot sa ganitong bagay. Handa na ako sa mga bagay na maaring harapin ng mga tulad natin. Lalo pang ang angkan natin ay may malaking kaugnayan sa angkan nina camille."

" Hayaan mo apo, lahat ng nalalaman ko ay sayo ko ipapasa. Gusto ko lang malaman mo na sa kabutihan dapat ginagamit ang kakayahan ng mga tulad natin. Huwag mong hayaang malunod ka ng kakayahang meron ka. Tandaan mo ang ninuno natin ay si nera na binigyan ng kakaibang kakayahan noon para kay ma-aram ang unang manlalakbay ng panahon, ang angkang pinagmulan ni camille. Marahil pinagtagpo tayo ng diyos para matuklasan ang mga bagay na ito na daang taon na ang nakalipas para sa itinakdang ikasandaang manlalakbay ng panahon. Na sa aking palagay ay si camille."

" Paano nyo po nalaman?"

" Nasulat iyon ni nera noong panahon na nabasa ko. Hindi pa man masabi ni camille ang tungkol sa buong pagkatao niya at ang mga kakaiba sa kanya, pero ang marka sa kanyang balikat ang nagsasabing siya ang ikasandaang manlalakbay ng panahon.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Where stories live. Discover now