P-32 (VIP)

6.2K 71 0
                                    

"May ticket ako dito ng Big Bang Dome Tour sa Nagoya Dome" medyo nawala ang lungkot sa mukha ni Chandi at napalitan iyon ng excitement. 

Ako naman ay napakisap ng ilang beses "Really?! Realling-really? OH MY GOD Chandi!" Napayakap naman ako sa kanya habang mamasa-masa ang mata ko. Napamulagat naman si Chandi. 

"Don't tell me...?" Hindi niya na natapos ang sasabihin ng tumili kaming dalawa. 

"YES!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Habang 'di ako magkandaugaga sa kakatango. 

"Teka," hinawakan niya ang kamay ko "Sinong bias mo?" Nangniningning pa ang mga mata niya sa saya. Hindi ko alam kung ganun din siguro yung mga mata ko. Ganun 'yun siguro 'pag nakita mo ang taong pareho kayo ng interes, hindi ninyo na kailangan ang salita para punan ang saya ng nararamdaman n'yo. Getsung n'yo ba ako? If i know alam n'yo yung pakiramdama na 'yun. hahahaha

"Si GD oppa!" Sigaw ko na ikinasigaw nya rin. 

"Talaga?" Namilog pa lalo ang mata niya. 

"Eh ikaw?" Wag niyang sabihin na si GD 'din sa kanya, kundi.. sasabunatan ko 'tong babaetang ito, kahit kaibigan ko siya.. hmmp!

"Top Oppa!!!!" Sigaw niya na sumigaw din ako, para kaming tanga lang. Buti nalang walang tao sa klasrum na 'to kasi kakaalis lang ng mga classmate namin at huling subject na namin iyon.

"Kailan ba?" Excited ko pa ring tanong. 

"Laters" winagayway niya sa akin ang ticket. 

"Di nga? Shit! Wala akong outfit pa'no yan?" taranta kong sabi at ngumiwi pa. 

"Papahiramin kita don't worry!" Nag apir pa kami saka hinila ko na siya palabas. Alas tres pa lang naman ng hapon kaya pwede pa kaming mag parlor. Shit! Makikita ko na si GD i'm so excited na hindi alam ang gagawin ko. Pinapangarap ko talagang mameet si GD at ito na 'yun at walang makakahadlang sa akin. Wala! Swear!

Pagkatapos naming mag parlor umuwi na kami. Umuwi muna si Chandi sa bahay niya para kunin ang outfit namin. Bwahaha ang saya! 

Nasa labas na kami ng condo, tiningnan ko ang ayos ko. Naka halter ako na yelow at nakabakat sa katawan ko at nakaskirt na itim. Itim na hanggang tuhod na medyas at itim na sapatos. Ayos lang ba ang suot ko? Hindi ba ako baduy? Ngumiwi ako. 

"Bagay ba sakin Chandi?" Buti pa ito ang sexy ng suot. Nakashort at top na sleeveless na puti at may nakasulat na TOP. 

"Nukaba ang sexy mo kaya" pampalubag loob niya sa akin. Kung hindi ko lang siya kaibigan hindi ako maniniwala sa kanya, pero yun yun kasi eh dahil magkaibigan kami kaya para sa kanya okay lang. Haysss! Maktol ba naman! Arggggh! Basta kailangan sexy ako sa paningin ni GD oppa ko. 

Nagdedaydream pa ako ng may biglang dumating na kotse sa harapan namin. Lumabas si Gico at Jeremy. At teka? Naka.. Naka costume? Si Gico naka costume katulad ng suot ni TOP na naka blue overall at may malaking microphone sa likod. Habang si Jeremy naman sumbrero ng malaki yung laging ginagamit ni GD at naka jacket na itim at maong na kupas na may mga butas- butas at sapatos na itim. 

Pfft! Gusto kong bumunghalit ng tawa. Seriously? Bakit naka ganito sila? Tawang-tawa kami ni Chandi habang sila ay nakakunot ang noo. Hindi ko alam na joker din pala sila.

"Hey girls, hindi ba bagay sa amin ang outfit namin?" Tanong ni Gico. 

"Bakit saan ba kayo pupunta? Sa concert ng Big..." Napawi ang ngiti ko at biglang tumingin kay Chandi.

"Don't tell me kasama natin sila?" Mulagat ko kay Chandi. Please no boys! Paano kami makakapag landi at makakapag-hiyaw ng sobra kung may alipores kaming kasama?

Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon