P-31 (The Bar)

5.9K 68 1
                                    

Its 8:30pm nang umalis kami sa Resort, kasabay rin naming umalis sina Gico at iba pang barkada nila. Nag convoy kami papunta sa isang bar malapit lang sa resort.

Nang pumasok kami sa loob parang kilala na sila ni Jeremy ng ibang waiter dahil inasikaso sila agad. Maraming tao at pawang mga teenagers at ibang kasing edad rin namin. Hawak ako kamay ni Jeremy katulad kanina. Parang feeling niya mawawala ako sa kanya, nag smirk ako sa sarili ko. 

Giniya kami ng isang waiter sa isang VIP lounge na malapit sa mga nagsasayawan. Nakita ko naman na nakangiti at masayang-masaya si Chandi na feeling ko parating sumasama sa mga ganitong lugar. Hindi ko alam na mahilig rin pala si Chandi sa mga lugar na ganito. Nagkibit nalang ako ng balikat.

"What do you want?" tanong ni Jeremy nang makaupo na kami.

"Sunset Boulevardier meron ba sila?" Ewan ko kung alam yun ni Jeremy pero yan kasi ang iniinum ko sa Pinas noon. Chivas Regal yun na may fruity flavours, sige ako na ang mayaman. 

"Yup, wait here" saka tumayo at pumunta sa bar. Nag order na rin ang iba at masayang nagkekwentuhan kahit maingay. Yung iba sumayaw na sa gitna. 

"Here" abot sa akin ni Jeremy maya-maya lang ng isang kopitang Sunsent Boulevardier. May tangan naman siyang beer sa kamay niya. Ayoko kasi ng beer, mas prefer ko ang whiskey kasi pag beer lumalaki ang tiyan mo.

Naupo siya sa tabi ko habang nanunuod lang dun sa nagsasayawan. Nilibot ko naman ang paningin ko at nakita ko ang isang barkada nilang juice lang ang iniinum. 

"Bakit hindi siya umiinom?" tanong ko kay Jeremy sabay turo sa mahaba ang buhok na kulay burgundy dahil sa ilaw.

"Ah, mag dadrive pa kasi siya kaya hindi siya pwedeng malasing" tumingin ako sa iniinom niya.

"Ikaw din naman mag dadrive kaya hindi ka pwedeng malasing" nag pout ako. Teka, nagpout? Kailan pa ako marunong mag pout? So gay ha!

Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang isang kamay at pinaharap ako sa kanya. "Isa lang Baby, promise" saka ngumiti.

Nagpout ulit ako. Isa lang daw? Pero nang marealized ko... Huwat? Baby? Kailan pa niya ako naging baby? Namilog ang mga mata ko at lumaki yata ang butas ng ilong ko. Tumawa lang siya na parang nakakatawa ang mukha. At hindi ba nakakatawa? 

"Ang cute mo" tumawa pa ito. Cute? Ako? Cute lang? 

"Jeremy" tawag ni Harry ang isa niyang barkada, may binulong ito sa kanya.

"Dito ka lang ha? Huwag kang aalis" at tumayo na at nag disappear. Hay, pagkatapos niyang ilaglag ang matris ko saka iiwan. Huhuhu I hate you, Jeremy! Atungal ng malandi kong utak.

Parang maiihi ako kaya nagpaalam ako dun sa isang kabarkada nila na pupunta lang ng C.R. At dahil hindi ko kabisado ang lugar na ito ay nagtanong-tanong nalang ako. Pabalik na ako ng parang dumadami ang tao kaya nahihirapan akong dumaan. Biglang may humablot sa beywang ko.

"Hi Miss, are you alone?" amoy ko ang alak sa hininga nito na para akong susuka. Tinulak ko siya palayo sa katawan ko. How dare him to touch my body! Si Jeremy lang pwedeng yumakap sa akin no! "Hey" hinila niya ang braso ko kaya napadaing ako sa sakit.

"Shit!" anas ko. Bago ko pa siya bigyan ng isang suntok sa mukha ay bumulagta na siya sa harapan ko. Nakita ko ang galit na anyo ni Jeremy. 

"Jeremy!" sigaw ko habang marami na ring taong na shocked sa nangyari. 

"Alamin mo kung sino ang kinakalaban mo, Jacob!" galit na sabi ni Jeremy dun sa lalaki.

Hindi ko napaghandaan ang sumunod na nangyari. 

"Putang-ina ka Jeremy! Nangingialam ka na naman, teritoryo ko 'tong hayop ka"  at nagsuntukan na sila. May tumulong dun na bugbugin si Jeremy pero dumating ang ibang kabarkada ni Jeremy at nakipagbunuuan na rin. 

"Oh, shit!" pero bago pa ako tumakbo para tumulong din ay may humila sa braso ko. Si Chandi pala. Hinila niya ako palabas. 

"Huwag ka nang makigulo dun Yuri, mapapahamak ka lang. Tara na" at dinala ako sa sasakyan. Maya-maya lumabas na rin sila Jeremy at patakbong tinungo ang sasakyan.

"Sabi ko na eh, sana 'di na tayo dumaan dito. Teritoryo ni Jacob ito wala tayong laban" narinig kong sabi ni Gico. Napayukom lang ang kamao ni Jeremy habang binuksan ang kotse at pumasok na rin ako. Nakita kong maraming sugat ang mukha niya. 

Nakauwi na kami at nakahiga ako ngayon sa kama ko. Napapaisip ako kung bakit ba ako dinala ng misyon na 'to dito. Kung dahil gusto ni Mr Diaz na protektahan ko si Jeremy laban sa mga taong gusto siyang saktan, pero kaya naman niya ang sarili niya di ba? Oo alam ko maraming gustong manakit sa kanya dahil anak siya ng Prime Minister pero alam ko ring marami ang magtatanggol sa kanya. Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng misyong ito. Sa mabuti ba o mapapasama lang ako? Ano ba talaga ang gustong mangyari ni Diaz? Nakatulog ako sa pag-iisip.

Kinabukasan sa klase pareho kaming tahimik ni Chandi. Na parang walang nangyari o talagang ayaw lang naming pag-usapan ang nangyari kagabi.

"Hay, napaka stressful ng life!" sabi niya.

Ngumiti ako "oo nga".

"Do you want to unwind?" nakangiti sa akin si Chandi.

Napabuga ako ng hangin "Ano naman ang gagawin natin?" sabay pangalumbaba.

"May ticket ako dito ng Big Bang Dome Tour sa Nagoya Dome" sabay labas ng ticket na parang proud na proud. Namilog ang mga mata. Shuckssss! BIGBANG?

Angel in Disguise [Completed]Where stories live. Discover now