Lasenggo

349 2 0
                                    

Kapag sumapit ang dilim o di kaya'y dapit-hapon,
Ano mo sa tiange man o konstruksiyon,
Sa bahay ng kaibigan mo o sa tahanan,
Handang-handa ka na't makikpag-inuman.

Tagay dito, tagay doon.
Tungga rito, laklak doon.
Hindi alintana ang obligasyon,
Maubos lang ang laman ng kahoy.

Isa pa, sige ka pa!
Kahit namumula na ang iyong mukha,
Pumipikit-pikit ang iyong mga mata,
Hindi mapigilan ang iyong pagtungga.

Lagpas na ang hatinggabi.
Lahat ay tulog na't nakangiti.
Pero ikaw, gising ang diwa't labi.
Lumalaklak pa kahit busog na ang sarili.

Sinubukan mong tumayo,
Humakbang na ang ulo'y nakayuko,
Susuray-suray sa daan, babagsak, tatayo.
Pilit inaalam kung saan patungo.

Narating mo ang iyong tahanan,
Kumatok ng ilang beses sa pintuan,
At ng ikaw ay pagbuksan,
Sahig na ang ginawang tulugan.

Tula-La #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon