Doktor

1.1K 8 3
                                    

Sa tuwing nagkakasakit tayo,
Saan tayo pumupunta?
Sino ang ating tagapayo?
Saan tayo nagpapakonsulta?

Sa tuwing nag-aagaw buhay ang mahal natin sa buhay?
Sino ang tinatawag natin?
Upang iligtas ang isang nag-aagaw buhay na unti-unting nawawalan ng kulay.
Pero hindi tayo nasisiyahan kapag hindi nabuhay ang mahal natin?

Tao rin po sila, may damdamin at puso.
May pamilya ring inaasikaso.
Minsan isinasantabi ang oras sa kanilang pamilya,
Upang tulungan tayong magamit ang sugat nila.

Alam kong masakit din sa kanila,
Kapag pasyente ay hindi nailigtas nila.
Pinipigilan lang nilang hindi umiyak,
Pero ang totoo, ramdam din nilang puso'y sinasaksak.

Pasalamatan po natin bawat sakripisyo nila.
Pasalamatan po natin bawat oras na inilaan nila.
Huwag nating balewalain ang propesyong meron sila.
Nilikha rin sila ng Diyos, binigyan ng talinong magpagamot sa kanila.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now