Adik Sayo

230 4 2
                                    

#WQ Poetry Writing Contest Entry


Walang segundong na hindi kita inaabangan.

Walang minutong hindi kita kayang buksan.
Walang oras na hindi kita basahin kahit saan.
Kahit paubos na ang baterya ng cellphone ko, ikaw pa rin ang nasa isipan.

Magagandang istoryang binuklat ko.
Iba't-ibang gawa ng iba't-ibang tao.
Sikat man o hindi sa panlasa ko,
Ang mahalaga sa akin ay ikaw at ako.

Dahil sa iyo may nadiskubre ako.
Isang talentong meron pala ang isang tulad ko?
Ang magsulat ng kahit na ano.
Mapa-romance man o horror ito.

Ano bang gayumang gamit mo?
Bakit ako naaadik sa iyo?
Wattpad, sa iyo lang ako nagkaganito.
Araw-araw na ikaw ang mundo ko.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now