Salamat, Kaibigan

245 2 0
                                    

Responsable ka sa lahat ng bagay.
Maliit man o malaki, nariyan ka upang umalalay.
Tumutulong at laging nakaagapay,
Kaming lahat sa iyo ay palagay.

Ako'y nagagalak sa iyong kaarawan.
Kaya ako'y napag-utusang ika'y ilarawan,
Sa munting tula kong ilang araw kong pinag-isipan,
Maihatid ang mensaheng taos puso at galing sa kaibuturan.

Iniintindi mo bawat sitwasyong mayroon kami.
Pinapaalala mong maging mahinahon at 'wag magmadali.
Pantay-pantay at walang pinipili,
Isang katangiang wala akong masabi.

Nalalaman mo man o hindi bawat ang naming galaw,
Masaya kami dahil ika'y abot lang nang tanaw.
Nagpaparamdam sa amin sa lahat ng araw,
Kaya kasiyahan nami'y sobrang nag-uumapaw.

'Yong simpleng sagot mo sa mga tanong ko,
Nakakatulong sa paghabi sa mga isinusulat ko.
Sinunod ang bawat aral na nakukuha sa iyo,
At nagtatagumpay dahil sa tulong mo.

Di pa man kita nakikita,
Alam kong totoong tao ka.
Malalim mag-isip, malawak ang pang-unawa.
Sa mundo ng pagsusulat ako sa iyo'y hangang-hanga.

Una akong magpapasalamat,
Sa bawat suhestiyon mo sa pagsusulat.
Mapa-tula man ito o mahabang nobela,
Ramdam kong ang pagsusulat ko'y napupuri na.

Sana'y huwag kang magbago.
Kahit malayo na ang narating mo,
Maging mapagpakumbaba ka sa lahat ng tao.
Upang lahat ng pangarap ay matupad mo.

Kahit magbago man ang ibang tao,
Asahan mong buo ang suporta ko.
Kung ano ako sa pagkakilala mo,
Magiging ganoon pa rin ako at totoo.

Salamat sa pagbabahagi mo,
Nang lahat ng kaalaman mo.
Salamat sa mga istoryang sinulat mo,
Na ang iba'y nagpakirot sa puso ko.

Maligayang kaarawan sa iyo.
Nawa'y pagpalain ka pa nang todo.
Ingatan mo ang sarili mo,
Dahil maraming tunay na nagmamahal sa iyo.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now