Makita Kang Muli

251 3 0
                                    

Tatlumpung taon at mahigit na,
Simula nang tayo ay huling magkita.
Musmos ako at walang kamuwang-muwang pa,
Noong ako'y iwan mong mag-isa kasama ang aking ama.

Hindi ko alam ang totoong dahilan,
Kung bakit kailangan mo akong iwanan.
Sinunod mo ang gusto ng iyong isipan,
Hindi isinaalang-alang aking kapakanan.

Saan kita hahagilapin?
Kailan kita yayakapin?
Sino-sino ang aking tatanungin?
Matitiis mo bang ako'y hindi hanapin?

Sabik na sabik na akong ika'y makita.
Umaasang maramdaman ko ang yakap mong dakila.
Nananalanging tayo ay pagtagpuin na.
Upang mga puso nati'y tuluyan nang lumigaya.





Tula-La #Wattys2016Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα