Maleta

414 2 0
                                    

Noong ako'y musmos pa,
Laru-laruan kita.
Ginagawang higaan,
Aliw na aliw na pahingahan.

No'ng magbinata naman,
Ika'y aking tangan-tangan.
Sa malayong lugar,
Lihim ko'y naibulgar.

Mga bagay na pinakaingatan ko,
Mga larawang itinago sayo,
Nakita ng magulang ko,
At nagulat ng todo.

Nang magkapamilya ako,
Hindi ka nawaglit sa isip ko.
Kahit luma na ang mukha mo,
Kasama kita hanggang sa pagtanda ko.

Kung mauna man akong mawala sa iyo,
Kung hindi na kita makilala dahil matanda na ako,
Ngayon pa lang ay ikukuwento ko sa mga anak ko,
Na ikaw na maleta ko ay naging bahagi ng buhay ko.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now