Cellphone

1.6K 5 0
                                    

Araw-araw kitang kasama.
Hindi tayo mapaghihiwalay sa isa't isa.
Ikaw at ako'y parang magkasintahan pa,
Akap-akap at iniingatan kang talaga.

Sa'yo halos umikot ang mundo ko.
Minsan nga tinatype ko mga hinaing ko sayo.
Napapagaan mo ang kalooban ko
Napapangiti ako lagi sa presensya mo.

Hindi kita maiwan-iwan,
Lagi kitang binabantayan,
Isang tunog mo lang, ako'y naririyan,
Para basahin bawat mensaheng para sa akin ay nakalaan.

Pero alam mo bang tuwang-tuwa akong ika'y pagmasdan?
Dahil nakakapag-update ako ng iba't ibang tulaan,
Istoryang gusto kong isulat ng buong kasiyahan,
At maipost at makita sa Wattpad lang naman.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now